Kabanata 98

282 8 0
                                    

Game

Pak!

Napamulat ako sa lakas ng sampal na natanggap ko mula sa kaibigan. Naluluha ang mga mata nito.

"Stop being a coward, Ami, and start facing your truths! Kaya ka nasasaktan, kaya ka may nasasaktan dahil lage ka na lang nagtatago. Sinasabi mong kaya ka pumunta rito para alamin kung anong katotohanan sa biglaang pagkawala niya. Nandito na siya, Ami. And he's talking. Why won't you listen?" She said with conviction. Alam kong tama siya.

Pinagmasdan kong muli ang nag-iisip na anyo ni Skye. Nakapalumbaba ito at tila napakalalim ng iniisip. Tears are starting to form sa gilid ng aking mga mata. Tama naman si Rin kaya lang kasi...

"N-natatakot akong marinig... Na simula pa lang, wala na talaga kaming pag-asang magkabalikan. Na, nasayang lang ang mga panahong ginugol ko sa paghihintay sa kanya." Lumuluha ko nang sabi.

Marahang ikinulong ni Rin ang aking mukha sa kanyang mga palad bago muling nagsalita.

"You need to hear him. You need this para sa sarili mo. Para mapalaya mo ang sarili mong pusong ikinulong mo nang mahabang panahon. Tama na ang pagtago, Ami. Wala ka namang dapat na ikatakot. Nandidito lang kami para suportahan ka. Hindi ka namin pababayaan. Nandiyan rin ang mga kababata mo. Marami kaming nagmamahal sa 'yo kaya tapangan mo ang 'yong sarili at harapin ang matagal mo ng kinakatakutan. Hindi ka namin iiwanan. Wakatta?" Mariing sabi nito habang pinupunasan ng kanyang hinlalaki ang mga luha ko habang ako nama'y tango lang ng tango. "Good. Now let's hear what your a$sh*le of an ex has to say before we go and eat him alive." Sabay kindat pa nito bago ako binitawan at naupo nang maayos.

Natawa na lang ako sa kanyang huling sinabi.

Huminga ako nang malalim bago ko hinarap ang ngayo'y nakatanaw sa akin na Skye na tila nagtataka sa aking reaksyon. Ilang sandali pa ay suminyas na ang crew na magro-roll nang muli ang mga camera. Mayroon pang sinabi ang host bago bumalik ang focus ng lahat sa binata na ngayo'y nakangiti habang hawak ang mikropono. This is, Ami. Tibayan mo ang loob mo. Ano pa bang susurpresa sa 'yo sa dami nang nalaman mo two months ago, di ba? Kaya, kaya mo 'to. Kakayanin mo 'to.

"Kung magkita man kami, sana mapatawad niya ang isang duwag na katulad ko. Sana huwag niyang iisipin na hindi ko siya minahal. Sana pagdating ng araw na 'yon, masaya siya kahit na sabihin nating nakahanap na siya ng iba. Magiging masaya na rin ako para sa kanya. Whatever makes her happy, doon ako." Pakiramdam ko tumigil ang mundo sa mga narinig ko.

Pati ang paghinga ko'y tumigil na rin.

"Ibig sabihin ba nito'y wala ng chance?" Tila malungkot na tanong ng host.

"I'd be lying if I say na meron pa. It happened when we were still so young. Alam ko, mayroon nang ibang nagmamahal sa kanya ngayon who rightly deserves her. Habang ako nama'y umaasa pa rin for another chance from the girl that I currently love." Maraming umalma sa huling sinabi niya habang ako nama'y hindi malaman ang gagawin - kung hihinga ba ako o mahihimatay.

Nakatingin lang siya sa akin all this time.

Medyo hindi na ako nakasunod sa mga pinag-usapan pa nila. Sumakit ang ulo ko kung papaano ida-digest ang mga narinig ko. Wala ng chance kay Ami pero humihingi naman siya ng panibagong chance kay Sora?

Walang anu-ano'y napatingin ako sa puwesto ng Polaris. What I did, though, confirmed my fears. Hunter's looking intently at me. His green eyes boring unto my soul. Na tila he's saying he doesn't like what he's seeing right now. Pero sandali lang iyon. Napalitan kaagad ito nang mala-yelong kalamigan. Maybe I was imagining na apektado pa rin siya sa akin. Siguro epekto lang ito nang mga sinabi niya kanina. I don't even know kung he meant what he said.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon