Kabanata 87

293 7 0
                                    

Mahal


** Hunter's POV **

"Otsukaresama deshita!" Hiyawan ng mga japanese staffs sa set ng aming photoshoot.

Panay naman akong bow sa kanila bilang pagsagot sa kanilang pag-bow sa akin. Nakakahilo na nga ang paulit-ulit na pagdungo. Bakit ba kasi ganito sila magpakita ng courtesy and respect eh? Hindi ba naaalog ang mga utak nila sa ginagawa nila?

"Otsukaresama deshita, Hunta-san!" Bati naman sa akin ng photographer namin, isang matandang lalaki na sikat daw sa Japan.

"Otsukare, Manabu-san." Sabay dungo ko rito. Sign of respect nga kasi.

"You going home already?" Tanong nito sa akin.

"I think I'm going to the studio for practice." Mabilis kong sagot habang isinasablay sa aking balikat ang aking bag.

"Oh! Is Sora gonna be there too?" Ha? Fan ba 'to ni Ami?

"I think so. Wait a minute, Manabu-san. Are you Sora's fan?" Tinanong ko na lang para magkaalaman na.

Kapag nalaman kong pinagnanasaan nito ang mahal ko, ipagha-harakiri ko 'to! Joke lang.

At tumawa pa ang loko!

"No. No. My daughter's a fan of hers." Ah... ang anak niya naman pala ang fan ni Ami. Akala ko kung ano na.

"She said Sora's music is good. Very good." Kailan pa nakakaintindi ng filipino songs ang mga hapon?

"Is your daughter half Filipina?" Tinanong ko na lang para matapos na.

"Hai! Hai! Very beautiful too! Wanna meet her? I'll let you marry her if you like." Sabay tawa pa nito.

Hanu daw?! No way, highway! May Ami na ako!

Nakisabay na rin ako sa pagtawa para kunwari sinasabayan ko lang ang JOKE niya.

"I'm sure she's beautiful because her father's handsome." Sabi ko na lang.

"She said she likes Skye of Zeus."

Ay putik! Skye na naman?! Mas gwapo pa ako doon! Kailan ba sila magigising sa katotohanan?!

Nakitawa pa ako.

"Tell your daughter that I'm more handsome than Skye." Pabulong kong sabi rito na tumatango-tango lang.

"Okay. Okay. I'll tell her. Since Skye has Sora already. I'll introduce her to you instead." Patuloy pa nitong tawa.

What?! Skye and Sora?! Hanggang Japan ba naman aabot ang issue na 'yan?!

"No. No. Manabu-san. Skye and Sora are not an item. They're not together." Mabilis ko namang sabi.

"Oh! Really?! Why?" Biglang napahinto ang photographer at nakatingalang napatitig sa akin. Mas matangkad kasi ako sa kanya kaya ganoon. Bless my long legs for that.

"Because they're not. They're just..." Ano bang sasabihin ko? Ex? Past lovers?

"...friends!" Sa huli 'yon na lang ang sinabi ko sa tumatango-tango pa ring hapon.

"Tsk! Mottainai..." Bulong nito.

Ano raw? Anong muta ba ang pinagsasabi nito?

"What did you say, Manabu-san?" Tinanong ko na lang para matapos na ang paghihirap ko.

Hindi naman ako hapon para maintindihan ang mga salita nila. Si Skye pa siguro, puwede, kasi half-Japanese 'yon di ba?

Napailing lang ang hapong photographer.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon