Kabanata 130

373 8 0
                                    

Salamat


** Hunter's POV **

Nasa airport ako ngayon at hinihintay kong ianunsyo ng floor attendant ang pag-board naming mga pasahero sa eroplano. Nakasandal ang ulo ko sa headrest ng couch dito sa VIP lounge ng terminal habang pinakikinggan ko ang mga magiging awitin ko once my single career gets launched.

Nakaidlip na sana ako nang biglang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yon mula sa aking bulsa and idly checked kung sinong tumatawag. Bago lang ang number ko at sigurado akong konti lang ang nakakaalam nito. Kaya hindi na ako nagulat nang makita ko ang pangalan ni Darla. She's calling me using Viber.

"Yes?" Padalang ko itong sinagot.

"Hey, Darling! Are you on-board already?" Medyo hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil maingay ang background nito.

"Ano? Hindi kita marinig. Nasaan ka ba at parang ang ingay-ingay naman diyan? Clubbing again?" Tanong ko rito as I closed my eyes again.

"No, silly! Disco clubs won't play songs like this, right?" Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang isang pamilyar na kanta.

Nitro?! Hindi. Hindi lang Nitro. Kasama rin nila si Skye! This would mean one thing.

"You're at her concert?!" I asked as I immediately sat up straight.

"So even her name's a taboo now, huh?" Tawa pa nito sa kabilang linya. "And yes, I am at your girlfriend's, opps! I mean, ex-girlfriend's concert."

Parang bumukas muli ang sugat sa puso ko nang marinig ang prefix na 'ex'.

"Ano namang ginagawa mo riyan? Didn't you say you hated her guts?" Muli akong sumandal sa aking upuan as I waited for her answer.

"Uh-huh. I hated her guts but I didn't say I hated her completely. Maybe I'm here because I wanna see her miserably fail." Sabay tawa pa nitong malakas.

"Rin won't allow it." Wala sa isip kong sagot.

"Oh, you're still defending her. You still love her, don't you?" At nakuha pa akong asarin.

"Drop the issue, Darla." Mabilis kong sagot.

"Hmm... defensive, are we?" Sabi pa nito and I scoffed as a reply. "Wanna see her perform? She's upnext, I think." Natigilan ako sa huling sinabi ng kaibigan.

"Darla, you shouldn't be there. Alam mong kailangan mong magpahinga, hindi ba? Pagagalitan ka na naman ni Raven niyan, eh." I told her instead, trying to avoid her question.

"I know what I need to do but that's not what I asked, Hunter." Mabilis na sabi nito, "Do you wanna see her perform or not? Come on, answer!" Pangungulit pa nito pero hindi pa rin ako umimik.

"Okay. I'll give you time to think. I'll be videocalling you three times and if you don't answer at least one of them, then I'd understand." Sabi nito pero hindi ako nagbigay ng sagot. "I'll see you in a bit?" Dagdag pa nito bago ibinaba ang tawag.

Mga ilang sandali din akong nakatitig sa screen ng phone ko bago ko ito ibinaba at sumandal muli ako sa aking upuan. It has only been two weeks since that day, siyempre mahal ko pa rin 'yong tao. Masakit pa rin sa tuwing sasagi sa isipan ko 'yong eksena doon sa ospital. But I've let her go na and she's with the one she truly loves...

Naalala kong bigla iyong araw na nagkatagpo kami sa lobby ng isang TV network. He was holding her hand like it was the most normal thing to do. Gustong-gusto ko siyang hatakin palayo sa lalaking iyon pero alam kong doon naman talaga siya nararapat. Instrumento niya lang ako para magkabalikan silang dalawa. Tanggap ko na 'yon. Oo. Pero masakit pa rin.

Reaching SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora