Kabanata 3

747 21 1
                                    

Staff

Nagpupumiglas ako sa kung sinuman tong nakaakap sa akin sa madilim na lugar na 'to.

"Hoy, ano ba? Ako lang 'to..." sabi ng isang pamilyar na boses.

"Kuya Bait?" Tanong ko rito nang bitawan niya ako.

"Ang lakas-lakas mo talaga ano?" Sagot nito habang hinihimas-himas ang mga balikat.

"Ba't mo ko iniligtas?" Mabilis kong tanong dito. Lage na lang niya ako ipinagtatanggol...superhero ko ba siya?

"I overheard your conversation with Manager Francis," malumanay nitong sagot sa akin.

"Naniniwala ka sa mga sinabi ko?" tanong ko pa rito.

"Um, hindi lahat... siyempre naman masyadong sikat ang Zeus. Kahit sino pagduduhan ang mga sinabi mo" sagot nito.

"Ano ba 'yan? Eh, kung hindi ka naniniwala bakit mo ako iniligtas?" I can't believe this. Hindi ba talaga ako kapanipaniwala?

"Trade tayo," biglang sagot ni kuya bait.

"Trade? Anong iti-trade natin eh nanakawan nga ako, di ba? Akala ko ba nakinig ka sa conversation namin kanina?" Tanong kong muli rito. Na-wi-weirdohan na ako rito kay kuya bait ha.

"I'll give you the access to the concert hall," narinig kong sabi nito. At kahit madilim 'tong kinakatayuan namin, parang biglang lumiwanag ang buo naming kapaligiran sa sinabi niya. Sinabi niya ba talaga 'yon? Baka nananaginip lang ako o di kaya naman ay nabibingi na ako.

"Are you still there?" Narinig kong tanong niya habang ako'y di pa rin makapaniwala sa mga sinasabi nito.

"Ha? Ah... oo..opo.. pakiulit nga po ng sinabi niyo? Papapasukin niyo ako sa concert hall?" Pagreiterate ko sa sinabi niya at napuna ko ang pagngiti nito.

"'Yon nga ang sabi ko. And I'll try to get you as close as possible to Skye," ohemgee! Tama ba tong mga naririnig ko?!

Wala na akong pasabing umakap kay kuya bait.

"Thank you po! Thank you talaga kuya bait!" Panay kong sabi habang akap-akap siya.

"Oo na... " natatawang sabi nito habang hinihiwalay ang sarili sa akin, "But in one condition," sabi nito with a serious face looking at mine.

Bigla ko namang niyakap ang aking katawan at may takot na hinarap si kuya bait.

"Huwag po kuya! Kay Skye lang po ang lahat ng 'to!" Pagmamakaawa ko sa kausap na natawa lang bigla.

"Ayos ka talaga, Karate Girl," tawa pa rin siya ng tawa, "As tempting as it is, hindi katawan mo ang kailangan ko," sabi nito matapos matawa't pinupunasan ang mga luha. Napaluha pa talaga siya sa katatawa 'no?! At sinong tinatawag niyang karate girl? Ako? Ako ba 'yon?!

"Eh, kung hindi katawan ko ang pakay mo... ano?! Wala nga akong ibang maibibigay di ba?" Sabi ko rito. Kakaasar ka na kuya ha...

"Give me Manager Francis' phone," sagot nito. Walang bakas ng tuwa sa tono niya.

"Kakatakot ka naman bigla kuya bait," sabi ko sa kanya habang inilalabas ang nakatagong cell phone ni kuya gabby.

Akmang kukunin na sana ni kuya bait ang phone pero hinigit ko 'to papalayo bago pa niya maabot.

"Opps! Teka lang, teka lang kuya bait. Papaano ako makakasiguro na hindi mo lang ako niloloko?" Tanong ko rito habang tinatago sa sking likuran ang hawak na phone.

Sumimangot ang dating nakangising mukha nito bago parang may hinuhugot sa suot nitong vest.

"Teka lang kuya bait... wag niyo naman po akong barilin... bata pa po ako. Marami pa po akong mga pangarap. Ikakasal pa kami ni Skye. Magkakababy pa kami tapos..." kung anu-ano na ang mga pinagsasabi ko habang nakapikit ang mga mata like bracing myself sa mangyayari. Biglang naramdaman kong may idinamping papel sa pisngi ko. Agad ko namang iminulat ang aking mga mata't inabot ang papel na idinidikit ni kuya bait sa mukha ko.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now