Kabanata 118

261 6 0
                                    

Nakawin

"H-ha?!" Parang nilayasan na ako ng aking pag-iisip at bigla na lang naging blangko ang utak ko nang marinig ko ang dalawang salitang iyon.

"You have to come back here, Ami. We'll talk about the rest of the details when you return." Hindi ko pa rin makuhang igalaw ang dila ko't sumagot kaya kahit na ibinaba na ni Rin ang tawag ay nakatulala pa rin ako sa kawalan.

Disbanded. Polaris just got disbanded. Nagkawatak-watak. Nagkahiwa-hiwalay. Pero bakit? Matayog naman ang ratings ng Polaris nitong mga araw, ah. They even just had their road tour, di ba? May bagong album pa nga sila, di ba? Then, why?

Sa kaiisip ko at katutulala, hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako kinakawayan ni Skye at sinusubukang kausapin.

"Ami. Ami." Paulit-ulit na tawag niya na nagpapitlag sa akin.

"H-ha?" Ang tangi kong naisagot habang parang tangang nakatanaw sa worried expression ng mukha ni Skye.

"Are you okay? Kanina ka pa nakatulala diyan, eh. Hindi ka kumikibo. Nabitawan mo pa nga ang cell phone mo, o!" Sabi nito sabay abot niya sa cell phone ko.

"S-salamat." Wala sa sarili kong sagot habang pinipilit na pakalmahin ang nanginginig ko na palang mga kamay habang inaabot ang cell phone ko mula sa kanyang kamay.

But when I did, agad naman niyang hinablot ito at ikinulong sa kanyang mga palad. Hindi ko naman napigilang mapatitig sa kanyang mga mata.

"Bakit ka nanginginig? May problema ba? Si Rin 'yong tumawag, hindi ba? May sinabi ba siyang hindi maganda?" Bakas ang pag-aalala sa mga ito.

"H-ha? A-a, eh... m-may nakakita daw sa atin kanina d-dito na k-kumakain ng ice cream. K-kalat na daw sa i-internet." I managed to say despite the fact na buong sistema ko na ang nanginginig sa pagkabahala.

Napabuntong ng hininga si Skye sa narinig bago niya binitawan ang kamay ko at hatakin ako papalapit sa kanyang katawan into a tight embrace.

"Then let us give them a good show. Mabuti 'to para sa magiging concert mo." I thought I heard him say pero hindi naman ito rumi-rehistro sa utak ko.

Dapat nga eh itinutulak ko na siya ngayon. This is way beyond the line of friendship. Kahit magkababata kami, may boyfriend na ako, making this gesture very, very wrong.

What I do understand is that kailangan ko nang umalis. I need to go back. I need to talk to Rin. I need to talk to Hunter. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman mula sa kanya kung bakit nagkahiwa-hiwalay ang Polaris. Ang bandang pinaghinarapan naming itaguyod. Ang banda kung saan nagsimula ang lahat ng panibago kong pangarap. Ang banda kung saan kami nagkatagpo. I need to know.

Skye's in the middle of caressing my back nang bigla ko na lang siyang itinulak na nagpapitlag sa kanya. Nakaawang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata habang nakatanaw sa aking nababahalang anyo.

"I-I'm sorry." Ang nasabi niya after a while. "I didn't know na mao-offend ka sa hug ko." Dagdag pa nito with a hint of pain sa boses nito sabay iwas ng tingin sa akin at tago niya ng kanyang mga kamay sa mga bulsa ng kanyang jacket.

"That's not it, Skye." Mabilis ko namang sabi na nagpalingon muli sa kanya sa gawi ko. "I-" Panimula ko. "I-I n-need to go. Pinapabalik na kasi ako ni Rin, eh." Sabi ko na lang but even that didn't lessen the pain by the looks of his face. "Emergency daw." Dagdag ko pa, hoping that it'll help make my statement more convincing.

Tinitigan niya lang ako saglit bago siya bumuntong ng hininga. Pagkatapos nito ay ngumiti siya nang nakakaloko. Juice colored. Kung hindi lang nga kasi tanga itong ex ko eh di sana kanina ko pa siya hinarass dito. But I know better. Ngumiti man siya, alam kong alam niyang hindi ako nagsasabi ng buong katotohanan.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now