Kabanata 6

592 15 0
                                    

Reload


Ang sakit-sakit na kasi nang nararamdaman ko. Pakiramdam ko pinagdadamutan ako ng kapalaran.

"Oy, bakit ka umiiyak?!" Narinig kong biglang sabi ni Kuya Gabby at binitawan naman ako nina Kuya Muscles nang magsilingunan na ang mga tao.

"Karate Girl, anong nangyari't umiiyak ka?" Narinig kong sabi ni Kuya Bait.

Napaupo na ako sa sahig at humagolhul nang malakas na para bang ang lahat ng pagod, galit, frustration at disappointment ay nagkaroon ng meeting sa loob ko't sumabog na lang bigla.

"What 'ave you done with her, Manager?" Narinig kong tanong ni barbie doll habang hinimas-himas ang likod ko, "Did he hurt you, Dear?" Tanong pa nito sa akin with obvious concern on her voice ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Wala akong ginagawa sa kanya. Bigla na lang siyang umiyak diyan," pagdedepensa ni kuya gabby sa kanyang sarili.

"Ano na namang kadramahan ba 'yan? Kani-kanina lang ang tapang-tapang mo. You even challenged me into a fist fight," narinig kong epal nitong si gwasungit.

Anong ako ang naghamon, eh siya nga 'tong naghamon sa akin ng suntukan kanina. Basahin niyo ngang uli, di ba siya naman 'yong nauna? Kanina pa nga niya ako kinukontra eh. Please lang gwasungit, nagmomoment ako rito, wag ka nang umepal diyan! Dagdag ka lang sa mga pasakit ko. Huhu...

"Ngayon paiyak-iyak ka naman? You should have gone to ABS to audition at baka sakaling makuha ka bilang artista," sabi pa nito bago siya sinapak ni barbie doll.

"Stupid Hunta! I love ya but will you please cut it out? Can't ya see she's hurt?" Sabi nito kay gwasungit. Kung hindi lang ako depressed ngayon, binelatan ko na sana 'tong gwasungit na 'to.

"What's wrong Karate Girl?" Tanong sa akin ni Kuya Bait.

"Kuya Bait...si Sk-" napahinto akong bigla nang maisip kong kahit mag-iiyak ako rito wala ring mangyayari. Hindi pa rin kami magkikita ni Skye unless may gawin ako. Nalusta ko na ang last chance ko ngayong araw pero may bukas pa naman 'di ba? I just can't go home yet...not like may pera akong pang-uwi, but I just can't give up like this.

Pinunasan ko ang aking mga luha't sinampal nang pagkalakas-lakas ang aking mga pisngi. Aray, ang sakit!

"Lagot, nabaliw na," Narinig kong pabulong na sabi ni gwasungit at inirapan pa ako.

"Are you okay?" Pag aalalang sabi ni barbie doll.

"I'm definitely not okay, barbie doll and I need your help...I badly need your help," seryoso kong sagot dito.

Ito namang si barbie doll nagpatangu-tango lang while listening to me.

"Listen Darlin', I appreciate you callin' me barbie doll but let's not talk 'ere, okay? Let's go somewhere else," nakangiti nitong sabi pagkatapos ay tinulungan niya akong makatayo.

"Isasama pa natin 'yan? Seriously?!" nakikita kong dismayado si gwasungit.

"It's fine, right, Manager?" tanong ni barbie doll kay kuya gabby na hindi na ma-drawing ang mukha sa takot (?)...ewan... hindi ko naman sila kilala pero kailangang kailangan ko ng tulong nila.

"Ah, o-oo naman. Of course, kung anong gusto ng vocalist natin, siya ang matutupad," nakangisi nitong sagot pero binigyan niya ako ng meaningful stare. Hindi ko talaga ma-gets tong si kuya gabby. Ano bang meron dun sa phone niya't ganito niya ako piniprito? In the first place, wala na sa akin ang phone niya! Si Kuya Bait naman, patay malisya lang! Ano ba 'to?!

"See, Hunta?" nakapamiwang na sabi ni barbie doll kay gwasungit na lalong sumimangot ang mukha.

"Bahala kayo basta ako wala akong tiwala sa crocodile tears niyan!" sabi nito bago tumalikod at nauna nang umalis. Sinundan naman siya ng isa pa nilang kasama habang hawak-hawak ni barbie doll ang kamay ko habang gina-guide ako patungo sa kung saan sila pupunta. Teka nga lang, saan nga ba sila pupunta?

Reaching SkyWhere stories live. Discover now