Kabanata 42

750 33 3
                                    

Skye


Ilang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang insidenteng 'yon. Balik na naman kami sa dati ni Hunster - 'yong aso't pusa naming pagtatalo. Hindi ko na lang inisip pang masyado kung anong ibig sabihin ng mga titig niya sa akin noong araw na 'yon. Ayokong isipin nang hindi ko na problemahin.

Nagfa-flood na naman ng mga papuri ang mga fans ko sa aking twitter account. 'Yong iba'y nagpopost ng mga pictures ng performance namin doon sa noontime show na 'yon. And catch this, number one ang Time In for three straight weeks now! Waaaaaaah! Maging ako'y hindi makapaniwala nang makita ko ang standing ng kanta ko. Nag-number two na lang ang Narda ng Zeus at kasunod nito ang Superhero ng Polaris.

Hindi lang 'yon... nag-tweet ng congratulations sa akin si Skye! Ahhh! Halos mapunit ko na ang aking unan kahahablot nang una kong mabasa ang tweet niya. Siyempre naman, mga bash ang kasunod noon mula sa mga avid fans niya. Kahit ganun pa man, hindi ko pa rin mapigilan ang saya ko. Paikli na ng paikli ang distansiya sa pagitan naming dalawa ni Skye. Sa wakas, pinakikinggan na niya rin ako!

Nandito nga pala ako ngayon sa daan at tinutungo ang isang kilalang music shop. Restday ko ngayon at naisipan ko lang na mamasyal nang saglit para maiba naman. As usual, nakatakip ng face mask ang mukha ko na tila ba may ubo ako at nakasuot ako ng sunnies at isang black baseball cap. Casual lang ang suot ko. Sigurado naman akong hindi nila ako makikilala sa hitsura ko ngayon.

Nakaabang ako ngayon sa pagpalit ng traffic lights para makatawid ako sa kabila. At mula doon, kitang kita ko sa ibabaw ng isang building ang napakalaking billboard na naglalaman ng picture namin ng Polaris. Nasa gitna ako't nakataliko sa camera. Hawak-hawak ko ang aking maskara habang nakahawak sa balikat ni Hunster na nasa kanan ko. Hawak-hawak naman niya ang isang mikropono habang nakaharap. Rockstar na rockstar ang dating, tingin pa lang.

Si Ivan nama'y nasa kaliwa ko't nakangising akap-akap ang kanyang bass. Si Kuya Calvin nama'y naka-pose sa tabi ni Ivan na tila tinutugtog ang kanyang lead guitar. Samantalang si Kuya Jasper nama'y nakatagilid habang hawak ng kanang kamay niya ang isa sa kanyang drumsticks habang ang isa nama'y kagat-kagat niya. Kahit hindi nakikita ang mukha ko rito, ang astig pa rin naming tignan!

I was in the middle of admiring our billboard picture nang makarinig ako ng isang tinig na humihingi ng tulong. Biglang may tumakbo right past me na may dala-dalang ladies bag. Kasunod nito ang paghabol nang isang lalaking kulay blonde ang buhok.

"Tulong! Magnanakaw!" narinig kong sigaw ng isang babae sa aking likuran na humahabol na rin sa naunang mga tumatakbo.

Agad namang kumilos ang mga paa ko para habulin sila. Medyo mabilis ang takbo ng dalawa ngunit hindi ako nagpahuli. Nang may makita akong bike for rent sa tabi ng daan, agad ko 'yong kinuha't hinabol sila. Nang makita kong nakaliko sa may kaliwa 'yong lalaking may hawak ng bag, agad kong ipinihit sa sumunod na block ang aking minamanehong bisekleta. Pagkarating ko sa may dulo, tiempo naman ang pagliko ng kawatan.

"Hoy! Tigil!" ang sigaw ko rito na napalingon sa direksyon ko.

Papatakbo na sana ito nang agad akong tumalon from the bike to launch myself towards him. Agad ko naman siyang dinaganan at bago niya pa makuha ang dala niyang sandata ay ipinihit ko na ang kanyang mga balikat palikod na nagpasigaw sa kanya sa sakit.

"Akala mo makakatakas ka na, 'no?!" galit kong sabi rito habang hinihila ko pang lalo ang kanyang balikat at napasigaw pa siya sa sobrang sakit.

"Buti't nahuli mo siya," narinig kong sabi ng isang tinig mula sa aking likuran. Paglingon ko, si blondie!

"Pinagod ako ng lokong 'to ah!" sabi pa nito habang pinupulot ang nalaglag na bag ng babae.

"Bag ko!" sabi naman ng babaeng nakahabol sa amin, "Marami pong salamat," sabi pa nito habang pinasasalamatan kaming dalawa ni blondie.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now