Kabanata 45

334 11 0
                                    

Kapalaran

** Ivan's POV **

We were in the middle of watching Sora rapping Donna's song nang biglang nagsidatingan ang mga members ng Zeus. Nakipagkilala sila sa amin nina Calvin at Jasper. Cool lang pala sila kausap. Biglang lumapit sa akin 'yong nagngangalang Maui. If I'm not mistaken, siya 'yong bassist nila Hunter sa Reload before.

"Beer?" tanong niya sa akin habang inaabutan ako ng isang bote ng beer.

"Thanks," sagot ko sa kanya sabay abot sa bote at uminom nang konti mula doon.

"You must have heard about me," narinig kong sabi niya.

"Maui, right? Nakwento ka na ni Hunter sa akin before," sagot ko sa kanya bago ako lumagok na naman ng beer.

"Is that right? Nakwento ako ni Hunt? Ano namang sabi?" Tanong nito. Ba't interesado siyang malaman?

"Um, wala naman masyado," sabi ko, "Just that I'm a far cry of a bassist kung ikukumpara sa 'yo," napakusot noo ako nang maalala 'yon. Walang hiya talagang Hunter na 'yon.

"Talaga? Sinabi niya 'yon?" sagot nito. Is it just me or does he really look ecstatic to me when I said that?

"Ah... oo. Palage niya ngang ikini-kwento 'yong mga paggawa niyo ng mga rifts together," sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang reaksyon niya.

"Talaga?" sabi naman nito na ngayo'y nangingiti na. May gusto ba 'to kay Hunter?

"Oo. Room mates kami kaya ganun," sabi ko pa, testing the waters at kumusot bigla ang noo nito nang marinig ang sinabi ko. Naku, may gusto nga siya! Pffft.

Parang na-bad trip ata kaya iniwanan na lang ako't nilapitan na lang si Raven habang ang iba pa niyang kasama'y naupo na sa nakaprepare na couch para sa kanila.

Papatapos na ang kanta ni Sora nang may mapansin kaming maingay na babaeng kapapasok lang sa bar. Nakapulupot ang mga bisig sa braso ng kasamang lalaking nakaputing hoodie. Teka, parang si Skye yata 'to ah. Tss..imposible. Hindi kayang pagtaksilan ni Skye si Ami.

Nang papalapit na nang papalapit 'yong lalaki, mas naklaro ko na ang nakangising mukha nito. Si Skye nga. Si Ami agad ang naisip ko. Nang nilingon ko ang stage, umaakyat na roon sina Calvin at nilapitan si Ami. Mabilis ko ring inakyat ang stage at sinamahan sila patungong backstage.

"Si Skye ba talaga 'yon?" Agad kong tanong sa kina Calvin na tila kino-comfort si Ami na parang natutulala pa rin hanggang ngayon. Pinuntahan ko agad si Ami at humawak sa kanyang nanlalamig na kamay.

"Ami, okay ka lang?" Tanong ko.

Tanga lang talaga, e, ano? Siyempre hindi siya okay! Magdala ba naman ang boyfriend niya ng ibang babae at makipaglampungan pa dito sa harap niya, siyempre masasaktan siya. Ano ba kasing pumasok sa utak ng mukhang-babaeng 'yon at dito pa niya dinala ang babae niya?

"You don't have to sing if you don't want to, Ami," narinig naming sabi ni Jasper.

"That's right! We can play something else para makapagpahinga ka na lang," dagdag naman ni Calvin.

"Oo nga, Ami. Dito ka na lang. Pahinga ka na lang muna," sabi ko pa habang nira-rub ang mga malamig niyang palad.

Nakatingin kami sa malungkot niyang mukha at tila naluluha na niyang mga mata. Pero imbes na umiyak siya, nginitian niya lang kami nang pagkalaki-laki.

"Ano ba naman kayo? Siyempre hindi pwedeng hindi ako kumanta. Pagagalitan na naman ako ni Hunster nito for being unprofessional eh!" narinig naming sabi niya bago tumalikod at kinuha ang isang acoustic guitar, "Tara na! Perform na tayo!" nalingong sabi pa nito sa amin with that pained smile on her face bago siya umakyat muli sa stage at sinalubong ng mga palakpakan at hiyawan ng mga tao.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now