Kabanata 57

314 8 0
                                    

Bituin

Matapos ang ilang sandaling pambubugbog ni Rin ay napagod na rin siya't ngayon ay nakaupo na sa ibabaw ni Uno na humihinga pa naman pero namamaga na ang mukha sa mga suntok at sipang natanggap niya. Huminga nang malalim si Rin at tinitigan ang lalaking binugbug niya.

"Masakit, Uno?" narinig naming tanong niya rito.

Tinatanong ba naman 'yon?! Duguan na nga 'yong tao at hindi pa namin matukoy kung ilang buto kaya ang nabali sa kanya sa ginawa ni Rin tapos tinatanong niya kung masakit ba? Adik lang?!

Hindi kumibo si Uno habang pinagmamasdan si Rin.

"Kahit bugbugin pa kita buong magdamag, Uno, that pain won't come as close sa pain na ipinaramdam mo sa akin this past two years! Ginawa mo akong tanga!" sumbat ni Rin rito habang hinahampas pa ang dibdib nito.

Don't tell me... si Uno ang... si Uno ang lost love ni Rin?!

"For the past two years, ni minsan hindi ko nakitang umiyak si Rin," narinig kong sabi ni Therese sa tabi ko, "But I can feel na kinikimkim niya lang ang sakit at pangungulila. Ayaw niyang banggitin sa akin kasi ayaw niyang maapektuhan ako. But songs don't lie. They tell the story of our souls," sabi pa niya habang nakakibit balikat na pinagmamasdan ang dalawa.

"Ang sakit-sakit Uno. Para akong mamatay sa sakit pero hindi ako mamatay-matay, alam mo 'yon? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung saan ako magsisimulang maghanap sa 'yo. Bigla ka lang nawala. Hindi ko nga alam kung buhay ka pa. Iniwanan mo na lang ako basta-basta," narinig naming sabi ni Rin habang nakadungo't umiiyak na, "Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo hindi mo ako sasaktan. If so, bakit ka nawala? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako sinaktan?" patuloy ang pagbuhos ng luha ni Rin at parang nagresonate ang mga tanong niya sa mga gusto kong itanong kay Skye.

Sumikip bigla ang dibdib ko at unconsciously ay hinagilap ko si Skye na ngayon ay wala na sa kanilang mesa. Nasaan na siya? Hinahanap ko pa siya nang biglang bumungad sa akin ang napabungtong hiningang Hunster.

"Kanina pa siya umalis," narinig kong bulong nito habang hindi inaalis ang kanyang paningin sa dalawang magkasintahan na nasa sahig.

"Wala naman akong sinasabi, a," mabilis kong sagot at muli ko ring ibinaling ang aking paningin kina Rin na ngayo'y hinahaplos na ni Uno ang kanyang buhok.

Maya't maya ay tinanggal niya ang straight na buhok ni Rin.

Ha? Wig pala 'yon? At nahulog ang kulay tsokolateng wavy hair ni Rin na nakadungo pa rin at patuloy pa rin sa pag-iyak. Pagkatapos noon ay pinilit ni Uno na makaupo upang harapin ito. Unti-unti niyang inaangat ang luhaang mukha ni Rin at pagkatapos ay pinilit niyang ngumiti kahit na napakasakit ng kanyang magang-magang mukha.

"Tadaima, Rin," narinig naming sabi nito at iminulat ni Rin ang kanyang kanina pang nakapikit na mga mata't sinalubong niya ang mga kulay abong mata ni Uno, "Ni minsan, Rin, hindi ka nawala sa isipan ko. Ni minsan, hindi ako tumigil sa pagmamahal ko sa 'yo," sabi pa ni Uno habang sinisikap na maiharap ang nagpupumiglas na mukha ni Rin.

"B*llsh*t! Ni hindi ka nga tumawag, nag-text o nag-email man lang para ipaalam sa akin kung nasaan ka o kung buhay ka pa! Don't sweet-talk your way out of this mess, Uno. Hindi mapapawi ng mga salita mo ang sakit na naramdaman ko sa loob ng dalawang taon!" galit pa ring sabi ni Rin pero hindi na niya hinahampas o kaya nama'y sinusuntok pa si Uno.

Natawa naman si Uno sa narinig mula kay Rin.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" galit pa ring tanong ni Rin habang pilit na itinataboy ang mga kamay ni Uno sa kanyang mukha.

"I love you, Rin," nakangiting sabi ni Uno na bahagyang napatigil kay Rin.

"H-hindi ko kailangan ng 'i love you' mo! Ang kailangan ko'y kasagutan sa mga tanong ko, leche ka!" pagmumura pa nito pero bago pa niya mahampas muli ang dibdib ni Uno ay niyakap na siya nito nang mahigpit.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now