Kabanata 14

491 15 1
                                    

Take Off


**Hunter's POV**

"Will somebody tell me what the f*ck is going on?!" galit kong sigaw rito habang nakatingin sa mga parang umaattend lang ng homecoming.

"That's right. What on earth is going on here? Ba't ba nandidito si Ami? And why are you calling her Sora?" Sapaw sa akin nitong chinitong dilaw na ito. Epal lang?

"Rave, kailan mo ipapaliwanag ang lahat sa akin?" Tanong ko habang tinutungo ang kaibigang nasa tabi noong lalaking kasamang dumating ni war freak kanina.

"Jasp, ano bang nangyayari?" Tanong rin nung chinitong dilaw sa katabi ni Raven. Ba't ba lage 'tong gaya nang gaya?!

"Huminahon nga kayong dalawa," biglang sabat naman nung tinatawag nilang Calvin, "Sigurado namang magsasalita rin 'yang dalawang 'yan," sabi pa nito bago ibinaba ang lead guitar na hawak nito.

"Hunter, ito nga pala ang drummer ng Polaris, si Jasper David," sabi ni Rave sa akin at iniabot nung lalaki ang kanyang kamay para makipagkamay sa akin. Tinitigan ko lang 'yun pero hindi ko 'yun inabot. Ibinaling ko ang aking attention kay Rave.

"You knew Ami even before the concert?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa ako naguguluhan sa set up. Pakiramdam ko, I'm the odd man out sa group.

Iniling lang ni Raven ang kanyang ulo bago siya nagsalita.

"I've met them about three years ago before sa launching ng Zeus," sabi nito, "Ex-bandmates sila ni Skye," dagdag pa nito.

"What?!" Ang tangi kong nasabi as I looked at the new faces once again. Nakakibit balikat lang 'yong Calvin na ngayo'y nakatayo katabi ni chinitong dilaw habang hindi pa rin ibinababa nung Jasper ang kanyang kamay. May tupak ba 'tong 'sang 'to?! Ba't di pa niya ibinababa?

"So it's true na boyfriend ni Ami si Skye?!" I saw the smirk on Raven's eyes at nagsisi agad ako nang bitawan ko ang mga salitang 'yon. Ba't pa kasi 'yon ang pumasok sa isipan ko?!

"Speaking of Ami...paki-explain kung bakit Sora ang tawag mo sa kanya kanina, Raven?" Tanong ni Calvin kay Raven.

"It's a strategic move na napagkasunduan namin ni Ami," simpleng sagot nito as he walked towards the couch.

"Teka, alam na ba ni Skye na nandidito sa Metrocity si Ami?" Tanong naman ni chinitong dilaw.

"No," sagot naman ni Raven na ngayo'y nakaupo na.

"What? Why?" Mabilis na tanong ni chinitong dilaw.

"Hindi niya kailangang malaman...for now," sagot lang ni Raven.

"Why?" Tanong muli ni chinitong dilaw na di satisfied sa mga one-line answers ni Raven.

"Why the hell is it important na malaman ng Skye na 'yon na Ami's here?" Naaasar ko nang tanong.

"Because Skye's her boyfriend. He has to know!" Sagot nito habang tinitingnan ang parang wala lang na reaksyon ng mga kasama.

"Ivan, Skye has changed... he's changed a lot," narinig naming sabi ni Jasper na ngayo'y nakababa na ang kamay at nakatayo na katabi ni Calvin.

"What do you mean by changed? Nagparetoke rin siya?" Tanong naman ni chinitong dilaw.

Pak! Binatukan siya nung Calvin.

"Hindi siya ikaw, sira!" Sumbat pa nito.

"Ang sakit nitong magsalita...." nasabi na lang nung chinitong dilaw habang hinihimas ang batok, "O, ano ngang pinagbago ni Skye? Mas sikat na nga siya ngayon pero maayos pa rin naman ang pakikitungo niya sa atin, ah!" Dagdag pa nito.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now