Kabanata 83

312 7 3
                                    

Hansel


Nakarating kami sa parking lot ng Tito ko at maayos na ipinark doon ni Hunster ang sasakyan. Mabilis namang bumaba si Kuya Calvin na sinundan namin. Umikot naman si Hunster para kunin ang mga bags namin sa baggage compartment ng sasakyan.

"Hunt, pwedeng pakidala na lang muna 'tong bag ko? May kakamustuhin lang ako sandali." Seryosong sabi ni Kuya Calvin sabay bigay niya kay Hunster ng dalang backpack.

"Kuya Calv, behave ka kundi susumbong kita kay Ms. JJ." Banta ko rito na nagtaas lang ng kanyang dalawang habang nakangiting umaalis.

Pupuntahan niya siguro ang dating bahay nila dito.

"Ready ka na?" Narinig kong tanong ni Hunster na bitbit pati na rin ang bag ko.

"Oy, akin na lang 'yang bag ko!" Bulalas ko sa kanya sabay tangkang bawi rito kaya lang kusa naman niyang inilalayo.

"Ako na lang ang magdadala. Para ito lang." Sabi naman niya.

"Mabigat  'yan!" Sabi ko pa pero hindi naman siya nagpaawat.

"Sige na. Halika na't pumasok na tayo sa bahay ng uncle mo't makapagpakilala naman ako nang maayos." Kaswal lang nitong sabi pero pansin ko ang kanyang pamumula.

Kinakabahan? No... Excited?!

"Ano kayang magandang itawag ko sa kanya? Sir? Kuya? Tito?" Sa bawat suggestion niya'y lalo pa siyang pinamumulahan.

Tss... Excited nga siya.

"Tss... Halika na nga. Bahala ka diyan sa mabigat na bag ko. Ayaw mo kasing makinig." Asar na sabi ko sabay bukas ko ng gate papuntang bahay ng Tito ko.

Paglingon ko sa aking kasama, nakita ko agad ang panlalaki ng kanyang makita ang napakahabang hagdan paakyat sa bahay ng aking Tito.

"110 steps. Kaya?" Halos mapangisi kong tanong.

Nakita ko siyang biglang napalagok ng kanyang laway bago tumango.

"Akin na nga lang  'yang bag ko para hindi ka na masyadong mabigatan. Dala mo pa pati bag noong mahalay na lalaking 'yon." Sabi ko sabay tangkang abot ng aking bag to no avail.

Ayaw pa rin niyang ibigay.

"Hindi ako lumpo, Ami. Lalaki ako at 'pag sinabi kong kaya kong akyatin ang hagdang 'to, kaya ko 'to!" Pagyayabang pa nito bago sinimulan ang pag-akyat.

Magiging okay pa kaya siya mamaya?

Makalipas ang ilang saglit, nangangalahati na ako sa pag-akyat ng hagdan. Kung tutuusin, normally, kanina pa sana ako nakarating sa bahay kaya nag-aalala kasi ako sa kasama ko. Ni wala pa siya sa pang trentang baitang pero hingal na hingal na siya. E, ayaw naman niyang patulong. Ang taas ng pride! Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niya. Tumalikod na ako't dahan-dahang umakyat.

"Ami..." Narinig kong tawag niya.

Halos mangiyak-mangiyak na ang tono nito at higal na hingal pa. Hindi ko siya pinansin. Tigas kasi ng ulo.

"Ami... Patulong naman. Kahit itong bag ko na lang ang dalhin mo. Hindi naman 'to kasing bigat ng mga bags niyo ni Calvin." Pagod na sabi pa nito.

Parang kinurot sa awa ang puso sa narinig.

"Please?" Wala na.

Hindi na kinaya ng puso ko kaya mabilis akong bumaba papunta sa kanya at kinuha 'yong bag ko.

"Hindi 'yan. Eto." Sabay bigay niya sa bag niya.

"'Yong bag ko na lang para hindi ka na mabigatan." Sabi ko sabay kuha dito kaya lang iniwas niyang muli.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon