Kabanata 107

338 9 0
                                    

Ligaw


Maya't maya ay marahan siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ng aking mga mata ang mapupungay niyang mga berde. Wala man siyang sinabi, parang marami ng ibinulong na mga malalambing na salita ang kanyang mga titig and my heart couldn't help but swell in happiness. Sa sobrang saya niya, biglang nag-ingay ang tiyan ko.

Opps.

Mabilis na napatingin ang kanyang mga mata sa direksyon ng tunog bago ngumiti nang nakaloloko.

"Gutom na ba ang honey ko?" Nahiya naman ang mga alaga sa tiyan ko sa kagwapuhan niya kasi sila pa ang kusang sumagot sa tanong niya nang tumunog muli ang tiyan ko. Napahagalpak naman ang mokong sa kakatawa.

"Tatawa-tawa ka pa diyan. Gutom na nga ang tao. Kainin kita diyan makita mo!" Pananakot ko rito.

Natahimik naman siya agad. Pero sa halip na takot ang ipakita niya, sobrang pamumula ang namutawi sa mukha niya. Ano kayang iniisip ng mokong na 'to?

"U-uh... Ha-halika na, honey ko. P-punta tayo ng kusina. Ipagluluto kita." Medyo pautal-utal nitong sabi habang tumatayo na't hinihila na ako papalabas ng silid ngunit hindi naman siya makatagal ng titig sa akin.

Anong problema nito?

Tahimik naming tinungo ang kusina. Pagkarating doon, pinaupo niya ako sa may breakfast table bago niya tinungo ang refrigerator at kumuha ng bacon sa freezer. Kumuha na rin siya ng mga itlog. I can see na nakapagluto na pala siya ng kanina. Pinagmamasdan ko lang siya habang hinahanda niya ang mga gagamitin para sa pagluluto. Medyo nahihirapan siya sa paghawak dahil sa mga nakabendahe niyang mga kamay. Sigurado akong namamaga na naman ang mga iyon.

When he was done preparing the oil in the pan, isa-isa niyang inilagay ang mga bacon. Isinunod naman niya ang mga itlog. Hindi ko mapigilang mapakagat ng labi seeing this handsome man in front of me preparing me my breakfast. Ang sarap lang sa pakiramdam na inaalagaan ka ng mahal mo. At hindi lang basta-bastang lalaki ang mahal ko. Ladies and gentlemen, boyfriend ko na po si Hunter - the man with the sexy abs! And apparently, with a sexy back too! Napalunok ako while watching him sway his behind habang pabalik-balik sa counter top patungo sa pinaglulutuan niya. I find it too sexy na pakiramdam ko ilang tutok pa magno-nose bleed na ako.

I was indulging myself sa magandang view sa harapan ko nang bigla siyang humarap sa akin. Kunot ang noo at nakataas ang isang kilay. Yari! Agad ko namang iniwas ang aking mga mata sa kanyang nagtatakang mukha.

"Are you checking up on me, hon?" Matigas na tanong nito.

"H-hindi ah! Wala nga akong ginagawa rito, kung anu-anong pinaparatang mo sa akin." Pagde-deny ko.

Shets! Alangan namang aminin ko na pinagnanasaan ko ang pwetan niya! Uwaaah!

"Asus... Denial pa 'tong honey ko kahit huling huli na." Narinig kong sambit nito bago may inilapag sa harapan ko.

Nang aking silipin kung ano 'yon, isang platong pinaglalagyan ng niluto niyang bacon and eggs. Agad naman namuo ang laway sa bunganga ko. Grabe. Gutom na talaga ako. Tumayo na ako't kinuha ang mga kubyertos habang si Hunter nama'y ngumingising pinagmamasdan ako while preparing the rice.

"Akala ko pa naman ako 'yong gusto mong kainin. Mas masarap pa pala sa akin ang bacon and eggs para sa 'yo. Magseselos na ba ako nito?" Natatawa pa nitong sabi bago inilapag sa mesa ang kanin.

"OA ka ah! Gutom na talaga ako, Hunster. Mamaya mo na ako asarin at baka ibalibag kita rito kapag hindi ako nakapagtimpi." Pananakot ko sa kanya matapos kung iniayos ang mga kagamitan na tinawanan lang niya. "Kain na nga lang tayo at kanina pa nagrerebelde ang mga alaga ko." Biro ko pa rito bago namin sinimulang kainin ang mga inihanda niya.

Reaching SkyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant