Kabanata 124

279 6 0
                                    

Foul



** Ami's POV **

Nasa labas tayo ngayon ng Metrocity Hospital kung saan kasalukuyang ginagamot ang pinakamamahal nating rockstar na si Skye Kitagawa ng Zeus na kani-kanina lang ay na-involve sa isang road accident. Kumalat sa internet ang mga larawan ng hindi mabuting kalagayan ng sports car na minaneho ng singer.

Kung titignan natin sa isang sulok ng parking lot dito, makikita natin ang napakaraming fans ng singer na nagtitipon-tipon upang daluhan ang iniidolo. Karamihan sa kanila'y nag-aalala sa kalagayan nito na hanggang ngayon ay wala pa tayong nakukuhang balita.

According sa sources natin, papunta na raw dito ang mga kabanda at manager ng binata. Ating pagka-antabayanan ang mga bagong kaganapan tungkol sa kalagayan ng singer dito lamang po sa—

"Manong, pakibilisan lang po sana." I said to my driver matapos mapakinggan ang balita sa radyo nitong taxi niya. Kanina pa ako hindi mapakali at palaging sumasagi sa isipan ko ang malungkot nitong mukha kaninang hapon.

"Ito na po ang pinakamabilis na speed para sa siyudad, Miss. Pasensiya na po." Sagot sa akin ng driver ng taxi na sinasakyan ko habang ako nama'y panay ang pagte-text kina Ivan at sa iba ko pang kababata. Maging sila'y nag-aalala rin at agad na sumagot na papunta na rin sila.

If I knew this were to happen, hindi ko na lang sana siya pinagsalitaan ng ganoon. No, hindi na lang sana ako tumawag sa kanya. Of course, he was driving! I saw him enter his car sa TV, hindi ba? Napaka-gaga ko talaga! Makakapaghintay pa naman 'yong argumentong 'yon bukas, eh! Bakit ba kasi napaka-impulsive ko?!

"Fan ka rin ba noong Skye na 'yon?" I lost my train of thoughts when I heard my driver spoke.

"Po?"

"Sa dinami-dami ba naman ng problema ng bansa natin, 'yan pa ang pinoproblema niyo? Tss. Mga kabataan nga naman, oo. Kakisigan, katanyagan, kayamanan, katalinuhan, kahit talento... lahat 'yan lilipas lang pagdating ng panahon. Bakit hindi na lang ninyo ituon ang enerhiya ninyo sa mas kapaki-pakinabang na mga bagay kaysa magsamba kayo sa isang tao lamang na balang araw ay lilipas din?" Sabi nito sabay iling ng kanyang ulo without taking his eyes away from the road.

Hindi ko na lang siya sinagot kasi hindi ko naman kailangang mag-explain sa kanya. Itinuon ko na lang ang aking paningin sa maambon na labas. Nakaka-kalma pagmasdan ang mahinang magpatak ng ambon mula sa langit na sumasagi sa windshield ng taxi.

"Eh, ano naman ngayon kung mamatay siya?" Biglang nagising ang buong sistema ko sa narinig mula sa driver na agad na nagpalingon sa akin.

"Lahat tayo'y mamatay talaga. Kung oras na niya, oras na niya. Tanggapin niyo na lang." Hindi ko napigilang masuntok ang upuan sa aking harapan na ikinagulat ng driver.

"Madali lang siguro para sa inyo ang sambitin ang mga salitang 'yan kasi hindi niyo kaano-ano ang nasa kalagayan niya ngayon. Pero buhay ng kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito. Maging sensitive naman po kayo sa mararamdaman namin." Kahit nakaharap sa daraanan, kitang-kita ko pa rin mula sa aking kinauupuan ang pamumutla ng kanyang mukha.

"Lahat po ng bagay sa mundo ay lilipas lang. Tama po kayo. Pero ang aming pagkakaibigan, ang mga magagandang naming alaala, ang mga pinagsamahan namin, ang mga musikang ginawa namin... mananatili 'tong lahat sa mga puso namin, sa mga puso ng mga taong naniniwala sa kanya." Mariin kong sabi habang pinipigilan kong huwag magtaas ng boses.

"Huwag niyo pong insultuhin ang buhay ng kaibigan ko sa pagsasabing hindi kapaki-pakinabang ang mga ginagawa niya sa bansang ito." I said with conviction habang pinagmamasdan ko siyang inaayos ang kanyang pagkakaupo.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now