Kabanata 119

279 7 0
                                    

Uli

** Ami's POV **

"Anong plano mo, Raven? You knew Polaris have signed a contract with me. A part of that contract is for them to play for Sora's music. Papaano na ang concert ni Sora ngayong you've decided to disband?" Nakaupo ako ngayon sa sulok ng couch at katabi ang isang kanina pang nananahimik at nakadungong Ivan.

Sina Kuya Calvin nama'y nakahalukipkip na nakaupo sa mini bar ng silid. Habang si Kuya Bait ay nakaupo opposite of Rin na bakas ang pagka-irita sa mukha.

"Believe me, Rin, I wasn't aware of Hunter's decision to quit. Bigla-bigla na lang siyang nagdecide kaninang umaga. In fact, we still have a number of commercials to shoot pero ito nga ang nangyari. I couldn't even convince him to do otherwise. Buo na daw kasi ang isip niya." Sabi ni Kuya Bait before expelling a tired sigh.

Bakas sa kanyang mukha ang magkahalong pagod, stress at panghihinayang.

Something inside my heart sank when I heard him said that. Ganoon lang ba kadaling itapon ang lahat para sa kanya? Nagising na lang siya at naisipang ayaw na niyang kumanta? Bakit? Hunter, bakit hindi mo muna ako kinausap bago ka nagdesisyon? Wala na bang halaga para sa 'yo kung anong iisipin ko tungkol dito?

"Where's Hunter now? I'll speak to him." Matigas na sabi ni Rin.

Makikita mo ang kanyang determinasyon by the looks of her face. Pero umiling lang si Kuya Bait bilang kasagutan.

"He won't be coming." Ang tangi lang nitong sagot.

Hindi ko alam pero there's something in Kuya Bait's expression at bigla na lang akong hindi mapakali. Walang pasabing napatayo ako sa aking pagkakaupo na siya namang ikinagulat ng lahat.

"A-ako na lang ang kakausap sa kanya." Sabi ko pa. "K-kung o-okay lang sa inyo." Dugtong ko nang hindi sila tumugon.

"Ami." Nilapitan ako ni Rin at pagkatapos ay hinawakan ang aking kanina pang nanlalamig na mga kamay. "Are you thinking that this is all your fault?" May pag-aalalang tanong sa akin ng aking kaibigan.

"Hindi ba?" Mahinang usal ko as I tried to stop my tears from falling. "Kasalanan ko kung bakit hindi naamin nang maaga sa lahat ang tungkol sa aming relasyon that he thought na kinakahiya ko siya bilang boyfriend, na ginagamit ko lang siya so I could get back with Skye." Dagdag ko pa habang pinipilit kong hindi mabasag ang boses ko "Kung sana'y nasabi ko nang mas maaga, eh di sana hindi na umabot sa ganito ang lahat." Sabi ko pa habang panay lang ang iling ni Rin habang pinapakinggan ako.

"Sa tingin mo ba iyon ang dahilan kung bakit kumalas sa grupo si Hunter?" Napalingon ako sa gawi ng biglang nagsalitang Ivan.

He then turned towards me. His eyes were filled with disappointment and irritation.

"No, Ami. Hindi ito dahil sa hindi mo sinabi kaagad sa amin ang tungkol sa inyo. Kahit inamin niyo pa nang mas maaga, kahit ilantad niyo pa sa publiko ang relasyon niyo, hinding-hindi matatapos doon ang problema niya." Mariin nitong sabi na akin namang ikinunot ng noo.

"The problem here lies with Hunter and his jealousy over your past with Skye." Napalingon kami sa direksyon ni Kuya Bait.

"P*cha! Papasok-pasok sa isang relasyon, hindi naman pala kayang tanggapin ang buong pagkatao ng mahal niya!" Usal ni Ivan bago muling nagtapon ng sunod-sunod na mga pagmumura.

"I-I'll talk with him, Kuya Bait. Susubukan ko siyang kumbensiheng huwag na lang ipagpatuloy ang pagdisband ng Polaris. Aayusin namin ang lahat." Pakiusap ko sa kanya na napailing lang ng ulo.

"Huwag mo na lang pilitin, Ami. Siya ang nagdecide na kumalas. Kagustuhan niya 'yon. So what kung wala na siya? Makakatugtog pa rin kami sa concert mo kahit kaming tatlo lang nina Jasper at Calvin, ah!" Sabi naman ni Ivan na ngayon ay nakatayo na rin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now