Kabanata 4

1.1K 45 5
                                    

VIP



"Hoy, bilisan mo diyan! Ang kupad-kupad mo!" Sigaw sa akin nitong gwasungit na 'to habang papaakyat naming tinatahak ang hagdan patungong penthouse nitong 60-floor building na 'to. Paanong nangyaring naglalakad lang kami? Paano kasi tumirik 'yung sinakyan naming elevator sa 31st floor ng building kaya eto ang ending, bitbit ko ang mga bags at guitar holder ni gwasungit habang paisa-isa kong inaakyat ang parang endless stairs na 'to.

"Iiwanan kita pag di mo pa bilisan ang kilos mo!" sigaw pa nito habang ina-adjust ko na naman ang mga straps ng mga bags na daladala ko. Ang bigat-bigat kaya! Tapon ko na lang kaya 'to?!

"Eh, kung tumulong ka kayang magbuhat ng mga ito?! Ang damidami mong pinabitbit sa akin tapos gusto mo akong mag-sprint patungo sa tuktuk nitong building? Ano ka hilo?!" Sagot ko rito. Naasar na ako ha! Kita nang nahihirapan na ako dito, kung anu-ano pang pinagsasabi.

"Why should I? That's YOUR job not mine!" Sagot nito habang umaakyat nang mabilis, "Bilis! Baka maubusan pa ako ni Dexter ng pagkain!" Sabi pa nito habang halo patakbo ng umaakyat. Siya lang ba gutom dito?! Mabuti nga siya diyan at ang suot na damit lang ang daladala niya, eh ako, halos matabunan na ako ng mga gamit nito. Para concert lang aba'y para namang buong wardrobe na ang dala nito! Daig pa niya si Darla kung paramihan lang ng damit. Grrr... bigat-bigat talaga!

"Tapon ko na lang 'to para mabilis!" Pasigaw kong sabi rito. Ang sakit-sakit na ng mga balikat ko... huhuhu.

Wala pa naman sina kuya bait kasi nauna na sila sa penthouse. Ang tagal kasing magising nitong gonggong na 'to eh! Daig pa ang mantika kung matulog! Tuloy naiwanan ako dito sa inlab sa sariling gwasungit na 'to.

"If you dare drop any of my things, you'll walk your way home from here, you got that?!" Nakadungaw nitong sabi from two floors away fron me pagkatapos ay nagpatuloy ba ito sa pag-akyat.

Grrrrrrrrrr! Kakainis! Inayos ko na naman ang pagkakadala sa mga gamit nito at napalingon ako sa nakasulat sa dingding: 33. Ugh! Sa layo ng nilakad ko, nasa 33rd floor pa lang ako?! 60th floor 'yong aakyatin pa namin...Inay ko po?! Tulooooong!!!

Bakit ba ako napunta sa ganitong situation? Aaah... dapat sana kasama ko na si Skye ko ngayon. Napabuntong hininga ako habang naalala ang mga kaganapan five days ago.

Oo, five days ago na since nung epic concert ng Zeus. Naalala ko may band ng nagpeperform sa stage ng puntahan ko ang aking upuan. Malakas ang tugtog ng mga instruments. Kasing lakas ng kaba at excitement nararamdaman ko.

"Excuse me lang po," pakikiraan ko patungo sa assigned seat ko. Wow, first row at nasa pinaka gitna pa ang kinauupuan ko! Amazing talaga nitong si kuya bait!

Nang maupo na ako, tsaka ko lang nakita na ang mga nagpeperform sa stage ay band nila gwasungit - ang Reload band. Of course, drums ang instument ni kuya bait. Kinawayan ko siya nang buong sigla from where I was standing at nakita kong tumango ito sa direksyon ko habang hinahampas ang mga drums sa harapan nito. Nakita niya ako? Tapos biglang umarangkada ng tunog ang lead guitar nila. Nang malinga ko, isang nakasimangot na mukha ni gwasungit ang nakatingin sa akin. Para bang kini-kwestyon niya ang pag-upo ko doon. Bleh! Nginiwian ko siya at ini-snob sabay tingin ko sa kulay orange na buhok ng nakatalikod na vocalist nila. Aah! Siya 'yong barbie doll kanina!

Biglang humina ang tunog ng mga instruments at humarap sa amin si barbie doll.

NP: Taralets by Imago

Huwag kang mabibigla, isasama kita

Huwag kang magtanong, basta sumama ka lang

Huwag mong unahan, abonado ang pag-asa

Reaching SkyWhere stories live. Discover now