Kabanata 30

389 10 2
                                    

First Love



Nang makauwi na kami, hindi ko tinigilan sa pagkulit si Hunster para lang aminin niya kung para kanino 'yong kanta but to no avail.

"Ang kulit mo! Sabi ng hindi ko sasabihin eh! Wag ka ngang mapilit diyan?" sabi nito na tila may ikinakagalit.

"Sora, Sora! Nagustuhan mo ba mga awitin ko?" panay namang tanong ni Ivan sa akin.

"Oo naman," mabilis ko lang sagot dito at sinundan ko na naman si Hunster sa itaas para muli pang kulitin, "Hunster, sige na... aminin mo na kasi..." sabi ko habang hinahabol ito.

"Ewan ko sa 'yo! Namatay na siya't wag mo nang itanong!" Galit nitong sagot sabay padabog na isinara ang pinto ng kanilang silid ni Ivan.

"Namatay na ang babaeng napupusuan ni Hunster?" nasabi ko out loud.

"Hayaan mo na 'yon, Sora. Nahihiya lang 'yong aminin kung sino talaga ang ginawan niya ng love song," nakangising sabi ni Kuya Bait, "His first ever love song," malakas na pagkakabanggit ni Kuya like he was intentionally doing it para asarin si Hunster.

"I heard you, Rave, d*mn it!" pagmumura pa nito from inside their room at nagsitawanan sina Kuya Bait, Kuya Calvin at Kuya Jasper. Ano kayang nasa isip ng tatlong 'to at tila nagkakasundo sila?

"Sora..." narinig kong nanlulumong boses ni Ivan from the stairs.

"O, Ivan, bakit malungkot ang mukha mo?" agad ko namang tanong nang mapansin ito.

"Hindi mo ba nagustuhan ang mga kanta ko?" tanong pa rin nito.

"Siyempre naman nagustuhan. Kita mong lahat ng tao'y napasayaw sa mga songs na gawa mo! Hindi nga ako makapaniwala na hindi mo man lang 'yon inilabas noong Encore days pa natin," sagot ko sa kanya.

"Kasi, nandoon si Skye eh... nakakahiya," nahihiya pang sagot nito habang napapakamot sa ulo, "Ayoko namang isipin niyang -- " hindi pa man tapos ang sinasabi ni Ivan, hinila siyang bigla ni Hunster.

"We must go to bed early at may practice pa tayo early morning. Ang dami mong errors kanina," sabi pa nito habang hilahila si Ivan papasok sa kanilang silid.

"Sora..." ang huling nasabi nito bago sumirado ang pinto.

"Kawawang Ivan..." narinig kong sabi ni Kuya Calvin.

"Ha?" nasabi ko.

"He should try moving on," sabi naman ni Kuya Jasper.

"Ha?" nalilito kong sabi. Ano bang mga pinagsasabi ng mga ito?

"I guess he likes to learn it the hard way," dagdag pa ni Kuya Bait, "Let's go!" yaya niya sa mga kaibigan bago ako iniwanan doon mag-isa.

"Ha??" may sarili atang mga mundo 'tong tatlong 'to eh! Hoy! Paki-explain!

** Hunter's POV **

Nang maisara ko na ang pinto ng shared room namin ni Ivan ay kumalas na siya agad sa pagkakahawak ko.

"Magkaliwanagan nga tayo, Hunter. May gusto ka ba kay Ami?" tanong nito agad na may bahid ng galit ang tono.

"Bakit mo naman nasabi 'yan? I was just trying to do something na sa tingin ko'y makakabuti sa grupo," mabilis kong sagot habang inaayos ang kama ko.

"Oh really... then what was that song about? Hindi ba't para kay Ami 'yon?" tanong nito habang naupo sa kama ko.

"Who says na para sa kanya 'yong kanta na 'yon?" naaasar kong sagot. Pakialamero na 'tong g*go na 'to ah!

"Sino namang niloloko mo? Kaming lahat maliban lang kay Ami alam na siya ang tinutukoy mo sa kanta! Ba't ba kasi ayaw mo pang aminin?" sabi pa nito.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon