Kabanata 20

462 18 0
                                    

Coincidence

** Hunter's POV **

Mag-aalas onse na ng gabi at wala pa kami sa kalahati ni war freak. Paano naman kasi, hindi ako maka-concentrate! Masyado siyang malapit sa akin!

"Hunster, paki-check nga kung babagay ba sa part na 'to ang mga rifts ng lead na gawa mo?" narinig kong tanong nito habang itinuturo niya sa akin ang part ng score na tinutukoy niya. But as she did this, nasasagi naman niya ang skin ng balikat ko. Ewan ko ba kung bakit parang may kumukuryente sa akin pag ginagawa niya 'yon. I've never felt anything like this sa isang babae. Is this what they call... repulsion?! Tama, 'yon nga siguro! Imposible namang magka-crush ako sa isang babaeng hindi naman kagandahan at parang lalaki pa kung umasta. That's just not possible.

"Hoy, nakikinig ka ba?" narinig kong tanong nito na ngayo'y malapit na ang mukha niya sa mukha ko.

"H-ha? O-oo naman! Asan ba 'yong sinasabi mong part ng bass?" mabilis kong sagot habang itinutuon ko ang aking paningin sa mga score sheets sa harapan namin.

"Lead hindi bass! Tss.. hindi ka nga nakikinig. Eto 'yun oh!" sabi nito sabay abot sa akin ng papel na tinutukoy niya.

Tinitigan ko ang part na sinasabi niya at sinubukan ko sa lead guitar na hawak ko habang siya nama'y busy sa panonood ng music channel.

"Hay!" narinig kong buntong-hininga nito, "Ang gwapo-gwapo talaga ni Skye," narinig ko pang sabi niya at biglang naputol ang isa sa mga strings ng gitarang hawak ko.

"Oy, anong nangyari?" mabilis niyang sabi sabay takbo sa side ko't tinignan kung may sugat ba ang mga kamay ko.

"Sira ka ba? Normal lang 'to," sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Ewan ko ba pero nako-conscious lang kasi ako sa mga titig niya! Repulsion nga 'to! Repulsion!

"Mag-ingat ka kasi... importante ang mga daliri mo. Paano ka makakatugtog ng lead kung nasugatan mo 'yan?" narinig kong sabi nito habang may kinukuha sa drawer ng lamesa - isang set ng lead guitar strings.

"Akin na 'yang guitar mo," sabi pa niya pero hindi ko ibinigay. Anong akala niya sa akin, hindi marunong?

"Lead guitarist ako half my life. Alam ko paano maglagay ng strings," sabi ko rito sabay hablot ko sa mga strings na nasa kamay niya, "Bumalik ka na lang doon sa panonood mo sa MV ng mahal mong Skye," ehh? Ba't parang bitter pakinggan ang pagkakasabi ko? I didn't intend to make it sound like that. I was just saying as a matter of fact.

"Asus, kaw na nga 'tong tinutulungan, kaw pa 'tong masungit?!" narinig kong sabi nito bago umupong muli sa harap ng TV, "Eh, di manonood! You don't have to tell me that!" sabi pa nito sabay inirapan ako't bago nagtititili sa pangalan ni Skye. I knew Skye. We've been friends since Reload days. Pero parang naba-bad trip ako tuwing naririnig ko ang pangalan niya ngayon. I don't even know why? Is it because we're bound to be rivals sa music namin? Hmmm... maybe 'yon nga. Oo... 'yon nga.

"Quiet down, will you?!" sabi ko sa hindi pa rin matigil na war freak habang tinatapos ko ang paglalagay ng string.

"Opo..." ang sabi lang nito at nagtititili pa rin in a quieter voice. Baliw talaga!

Mga ilang saglit pa'y natapos ko na rin sa wakas ang paglagay ng bagong string. Agad ko namang itinono ang guitar at matapos 'yon ay sinubukan ko na rin ang mga rifts na nacompose ko. Biglang natigil sa katitili si war freak at napalingon sa akin habang nakangangang nakikinig sa pagtugtog ko. See? Kahit ikaw matutulala sa galing ko. Who's your master now?

"That was amazing, Hunster!" sabi nito nang matapos ako.

"I know," simpleng sagot ko lang. I'm a genius after all.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now