Kabanata 22

880 41 2
                                    

Superstar

"What the f*ck was that?!" pagmumura ni Hunster ng makasakay na kami sa aming van.

"Sino ba 'yong g*go na 'yon, Rave?" Tanong naman ni Kuya Calvin.

"That was our manager back in Reload," sagot lang ni Kuya Bait habang nagdadrive. Hindi man halata sa boses pero kitang kita sa kanyang mukha ang galit.

"Grabe naman talaga at tinayming pa nilang mapadaan doon when they knew we're in the middle of a concert. And besides, kung dadaan lang sila, dapat dumaan na lang sila at hindi 'yong titigil-tigil doon para manggulo," naiiritang sabi naman ni Ivan.

"Ang sarap na ngang umbagin, eh! Napakawalang modo!" Sabi ko naman at tila umuusok na ang ilong ko sa inis sa nangyari kanina, "Bigyan pa naman tayo ng insect killer spray?! Ipapainom ko sa kanya ang laman noon next time I see him!" Sabi ko pa at hinawakan naman ni Kuya Jasper ang balikat ko na nagpalingon sa akin.

"Girls shouldn't say that," sabi nito sa akin.

"Pero Kuya Jasper naman kasi, they're bullying us! As if magpapa-api na lang tayo?!" Sagot ko rito.

"Yeah, that's the spirit!" Pag-agree ni Kuya Calvin sa akin.

"We're gonna knock them down!!!" Sabi naman ni Ivan.

"Yeah!" Sabat naman namin Kuya Calvin.

"But...Skye's there," sabi naman ni Kuya Jasper at natigilan kaming lahat.

"May punto si Jasper," narinig naming sabini Kuya Bait, "Hindi natin kalaban ang Zeus per se. Ang management lang na humahawak sa kanila ang problema natin. We're still friends with Skye. In fact, hindi niya inakalang may concert din pala tayo doon kanina," dagdag pa nito.

"Nagkausap kayo?!" Mabilis kong tanong.

"He tweeted it," cool lang na sagot ni Kuya Bait habang inaabot sa akin ang kanyang cell phone na agad ko namang inabot.

Nagsilapit sa akin ang buong grupo para mabasa ang naka-tweet.

Langit tweeted Whoah! Saw @polarisband doing the #metromegamallanivconcert a while ago! If I have known, @godofbands could have rocked with them. @ravenbarducks @iamhunter

Napansin rin namin na meron na tong 23456 retweets at marami na ring comments mula sa followers ni Skye. Ba't di ko naisip na merong twitter si Skye?!

"See?" Sabi ni Kuya Bait matapos namin 'tong mabasa.

"Patingin nga!" Sabi naman ng asar pa ring Hunster sabay hablot sa hawak kong phone, "Eh, hindi naman si Skye 'to ah! Hindi ganito kung maka-tweet si Skye. Ang dami-daming sinasabi!" Sabi pa nito nang mabasa ang tweet.

"Paano mo namang nasabing hindi siya 'yan eh kitang-kita sa profile pic nito na si Skye nga 'yan?!" Mabilis kong sabi. Masyado naman kasi siyang nega... natutuwa na nga ako rito just reading his tweet, sisirain pa nito?

"Paano mo namang nasabing siya talaga ang nagsulat niyan kahit pa picture pa ng buong angkan niya ang ilagay niya d'yan?! Nakita mo bang siya ang nagsulat? Nakita mo ba?" Sumbat naman nito.

"Bakit? Kailangan ko bang makita para maniwala akong siya talaga ang may gawa?! I trust him!" Sagot ko naman.

"Huwag mong isali dito romantic feelings mo! Hindi relasyon niyo ang issue dito!" Mabilis na sabi ni Hunster sa akin.

"Huwag mong pag-iisipan ng masama ang Skye ko!!" Sagot ko naman sa kanya. Magbabangayan pa sana kami nang biglang tumigil ang sasakyan at sumubsub kaming lahat sa harapan.

"Shit!"

"Aray!"

"F*ck, Raven what the hell are you thinking?!"

Reaching SkyWhere stories live. Discover now