Kabanata 114

270 8 0
                                    

Collaboration


"Mawalang galang na po! Baka kasi nakalimutan niyong nasa Pilipinas po tayo. Pakiusap po sana magsalita naman kayo ng mga pangungusap na maiintindihan naman namin. Kasi mauubusan na ako ng dugo kakaintindi sa inyo." Sabi ko habang kunwari ay pinipigilan ko ang pagdaloy ng kunwariang nosebleed ko sa ilong.

Natawa naman si Rin sa mga sinabi ko.

"Gomen, Ami. Medyo nakalimutan naming nandito ka pala." Natatawa pa rin nitong sabi at pinanliitan ko naman silang pareho ng mata.

Nakalimutan daw eh obvious namang ako ang pinag-uusapan nila.

"So, what's the big announcement?" Ang itinanong ko na lang para maiba na ang usapan habang kinukuha ko ang kalalapag lang na shake sa aming mesa.

"Oh yeah! The announcement!" Biglang sabi ni Rin bago inayos ang sariling pagkakaupo. "I went to Skye's label this morning." Panimula ni Rin. Ngunit tila nakuha na agad ni Skye ang sasabihin nito.

"You got the green signal?" Medyo nagulantang na tanong nito. Nakangisi lang si Rin while giving him a nod. "Wow! That's great news!" Masaya namang bulalas nito. "Ami, finally, we're going to make a song again! And this time, we get to perform on the same stage together!" Masiglang sabi pa nito.

"W-wha--? Pero ilang linggo na lang at concert day na di ba?" Medyo naguguluhan kong tanong kay Rin na pinagtataasan ako ng kilay.

Honestly, ayoko lang ng complications. Hindi naman ako pinapaiwas ni Hunter kay Skye, pero ayoko namang bigyan siya ng dahilan para magselos.

"What are you saying, Ami? Kayo ni Skye ang dalawa sa mga pinakamagagaling na artists sa industriyang ito! Sure na sure akong kaya niyo 'tong dalawa! Rehearsals na lang ang ginagawa mo ngayon and some photoshoots for the ads. For sure, mayroon pa kayong maraming oras para bumuo, mag-record at magrehearse ng isang kanta! Kaya wag ka ng KJ diyan! I've worked wonders para lang matuloy 'tong collaboration na 'to!" Walang kyeming sagot nito.

Walang problema doon sa schedule pero pumayag ako sa collaboration na ito bago ko nalamang ayaw ni Hunter sa ideyang magkasama kami ni Skye! Papaano ko 'to sasabihin sa kanila?

"Um, Rin, I think we should just do the collaboration after the concert? Para kasing the idea is troubling Ami right now." May bahid ng lungkot sa boses nito.

"What?! No, hindi puwede! This is work, Ami. Kung anuman ang issue ni Hunter kay Skye, you tell him to keep it personal at huwag isali sa trabaho! Tell him to trust you more! That this is just part of your job katulad ng pagiging din ng trabaho niya ang paghalik sa pisngi ng mga eager fans niya!" Alam kong prangka kung magsalita si Rin but I can't help but flinched on her words na nag-iimply sa pagiging unprofessional namin ni Hunter.

Especially, her words against my boyfriend. Nasasaktan din kasi ako.

"Wala naman akong sinabing hindi ako payag, di ba?" Ang nasabi ko na lang habang isinasantabi ang kirot sa aking dibdib. She's just thinking what's best for me.

"Ok then! We'll start tomorrow, how about it?" Agad na sabi ni Rin habang papapalit-palit ng tingin sa aming dalawa ni Skye.

"Mondai nai!" Agad namang sagot ni Skye. [No problem!]

"Ok." Halos pabulong ko namang sagot.

"Great!" Masayang sabi ni Rin bago kinuha ang isang kopetang may lamang champagne. "Kampai!" Sabi nito bago marahang itinapik ang kanyang kopeta sa hawak naming mga baso ng aking dating kasintahan. [Cheers!]

Nginitian ko silang dalawa pero sa loob-loob ko, naghuhurumentado na ang puso ko. I need to talk to Hunter later after this. Fast!

And as if nababasa ng kasintahan ko ang aking plano, nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon