Kabanata 66

329 6 0
                                    

Unfair


Agad akong napaupo sa aking nabasa at inis na napahinto si Skye sa kanyang ginagawa. For the hundredth time, I think, tumunog na naman ang cell phone.

"Sagutin mo. Baka may emergency." Sabay abot ko sa nakabusangot na Skye nang makita kung sino ang tumatawag.

"It doesn't matter." Irritated na sagot nito habang hinihila na naman ako papalapit sa kanyang katawan.

"Let's just continue where we left off." Mapanukso pa nitong sabi pero hindi ako natinag.

Sinagot ko na lang ang call at agad na inilapat sa kanyang tainga to his surprise and utter disappointment.

"Skye? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina pa ako dial ng dial sa number mo. Asan ka ba?" Dinig na dinig ko ang tinig ni Kuya Gabby kahit dito sa kinauupuan ko.

Inirapan muna ni Skye ang kausap sa phone bago ito sagutin.

"I'm sleeping, Francis. What do you expect?" Pagod na sagot nito sa kanyang kausap.

"Sleeping?! I'm at your unit right now, wala ka rito. Nasaan ka ba natutulog? We need to talk!" Sabi ng kausap ni Skye sa phone.

Ano kaya ang kailangan nilang pag-usapan? Mukhang urgent pa ata. Is this about the kissing controversy? Baka. Baka inaatake na ng mga tanong ang kampo nila ngayong kababalik lang nila mula sa ibang bansa?

"It doesn't matter where I choose to sleep. Ang importante ay natutulog ako kaya wag niyo na muna akong disturbuhin, puwede? Pagod ako sa successful tour natin. Don't I deserve a break?" Inis na sabi naman ni Skye habang paminsan-minsan ay sinusulyapan ako.

"This is important na mapag-usapan natin, Skye. We need you here right now! Saka ka na matulog pagkatapos nito." Sabi naman ni Kuya Gabby on the phone.

"Sh*t!" Mura ni Skye habang pinapasadahan ng kanyang libreng ang nagulo kong buhok niya.

"Alright. Alright. Give me a minute." Huli nitong sabi habang padabog na pinatay ang call.

Suminghap muna siya ng hangin bago ibinaling ang pansin sa akin.

"I'm sorry, babe, but I need to go." Malungkot nitong sabi na tila naghihintay na pigilan ko siya.

"Naiintindihan ko naman. Trabaho 'yan e. Ayusin mo na 'yan. Tsaka na tayo mag-usap pagkatapos mong ayusin 'yan." Ang sabi ko na lang habang nakahalukipkip sa kinauupuan ko.

Wala na namang pasabing hinatak ako ni Skye palapit sa kanya at siniilan na naman ng maiinit niyang halik. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking kamay saka inabot sa akin ang kanyang phone.

"Type in your number, Sora." Utos niya sa akin in between his kisses at sinunod ko naman siya.

Nang tangkain kong ihinto ang paghalik sa kanya'y ibinalik niya agad ang labi ko sa labi niya.

"Type it in while we kiss." Bulong niya sa aking labi.

At ipinagpatuloy na naman niya ang pagbibigay sa akin ng mga halik.

What? Papaano ko gagawin 'yon? Parang ang hirap. Di bale, nasaulo ko naman ang number ko. Dadalian ko na lang ang pagtatype.

"Na-type ko na." Bulong ko sa kanya nang matapos ko ng i-type ang number ko.

Saglit niyang hininto ang aming paghahalikan upang tingnan ang naka-type. Pagkatapos ay agad na binura.

Ha?!

"Ba't mo binura?" Pagtataka ko nang inabot niyang muli sa akin ang kanyang phone. Mali-mali ba ang na-type ko?

"Type it in again. This time, do it slowly." Nakangisi nitong bulong sa aking leeg bago niya ito dahan-dahang hinalikan.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now