Kabanata 64

333 7 0
                                    

Kaibigan


"Sinong kumuha nito?" Nanginginig kong tanong habang dahan-dahang pinupulot ang tabloid para makita ko nang maayos.

Kami nga ito! Papaanong nakuha nila ito? Wala naman kaming napansing tao kanina nang mag-usap kami. At saka, di ba private beach resort 'yon? Papaano sila nakapasok?

"That's not the question here, Sora. Papaanong nangyari 'yan?! I already told you to stay away from him. You promised me, Sora. You promised me. Akala ko ba I can trust you sa mga binitawan mong salita? Eto na ba 'yon?!" Nanggigilaiting tanong ni Kuya Bait sa akin.

Halos mangiyak-ngiyak na ako sa mga sinasabi niya sa akin. Ito ang unang pagkakataong nagalit siya nang ganito sa akin. I feel like a disappointment sa grupo.

"Whoa, Raven, hold your horses!" Napatayong sabi ni Kuya Calvin habang nilapitan naman ako ni Kuya Jasper para i-comfort.

"Bakit parang kasalanan pa ni Ami na in-approach siya ni Skye? At ano namang masama roon? Magkasintahan naman talaga sila. Anong mali sa paghahalikan nilang dalawa?" Pagtatanggol naman ni Ivan sa akin.

"Wala akong sinasabing masama 'yon. Ang akin lang, nangako siyang hindi makikipag-ugnayan kay Skye habang ginagampanan pa niya ang role ni Sora! Ano bang mahirap intindihin noon?" Sagot naman ni Kuya Bait.

"Bakit kailangan pang gawin ni Ami 'yon? Si Skye na ang mismong lumalapit sa kanya. Anong masama kung magkaugnayan sila? Pareho naman silang single!" Pagtatanggol pa rin ni Ivan.

Napatitig nang matagal si Kuya Bait sa aming apat na magkababata. Matapos noon ay napabuntong hininga na lamang siya bago ako hinarap.

"Lalabas ang balitang 'yan first thing in the morning. Tiyak akong kumakalat na 'yan ngayon sa internet kaya iwasan mo munang mag-online ngayon. Wag ka na munang lumabas ng condo. Hintayin na lang muna natin kung anong sasabihin ni Skye sa press. Mas mabuti ng manggaling sa kanya ang kasagutan ng mga nag-aalburutong mga fans niya nang hindi ka lalong mapahamak." Mahinahon ng sabi nito sa akin sabay bawi niya sa mga hawak-hawak kong mga litrato.

Hindi ako kaagad makapag-salita. Ang dami-daming pumapasok sa ulo ko na hindi ko maintindihan.

"Sorry at nasigawan kita. Gusto lang kasi kitang iiwas sa mga posibleng manakit sa 'yo, Sora. Pero wag kang masyadong mag-alala. Kung totoo mang pinahahalagahan ka ni Skye, ipagtatanggol ka noon laban sa lahat ng kanyang fans. Tiwala lang." Sabi pa ni Kuya Bait sa akin bago niya pi-nat ang ulo ko at naglakad na papuntang office niya.

Agad naman akong dinaluhan ni Ivan.

"Okay ka lang, Ami?" May pag-aalala niyang tanong sa akin. Dahil gulong-gulo pa ang utak ko, tumango na lamang ako bilang kasagutan.

"Grabe! Trending ka talaga ngayon, Ami. Tingnan mo o! 234K shares?! Sa isang maghapon lang 'yan ah!" Napalingon kami kay Kuya Calvin na tinitingnan ang kanyang twitter account sa aming Smart TV.

Kitang kita namin doon ang mga parehong larawang nakita ko kani-kanina lang.

#sorakissingskye
#pangitkissedlangit
#skyekitagawasgirlfriendissora

"Sa lagay na 'yan, di ka pa rin nakilala ni Skye? Ang slow naman noon!" Pabirong sabi ni Ivan para mapagaan ang atmosphere namin.

"Sobra naman 'tong fan ni Skye with a handler @dollface. Basahin ko lang ah. Akin lang si Skye. Papatayin kita Sora." Basa ni Kuya Calvin sa isang ng comment sa larawan namin ni Skye.

"Obssession na 'yan! I bet ni wala sa kalahati ang ganda niyan sa ganda ni Ami. Di ba, Ami?" Nakangising pagtatanggol pa rin sa akin ni Ivan habang inaakbayan ako.

Reaching SkyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz