Kabanata 16

452 15 0
                                    

Sugod

"What?!"

Sabay naming nasambit ni Hunster.

"It's a requirement na dapat authentic newbies ang members ng band and since Hunter is NOT a newbie anymore so.... YOU. ROCK. OUT!" malakas na sabi ng emcee habang nakaturo kina Hunster.

Agad namang nag-boo ang mga tao't pinagbabato ng mga papel ang emcee ng show. Bumaba naman ng stage si Hunster na masama ang loob. Eh, kahit sino naman, di ba?

Mabilisan naming pinack-up ang mga gamit bago kami umalis na roon. For the last time, nagnakaw ako ng sulyap kay Skye. Nakita ko siyang nakatingin pa rin stage habang pinapanood ang panibagong band na nagpeperform. Nagsialisan na ang karamihan sa mga tao't mangilan-ngilan na lang ang nanonood.

Tinanggal ko na ang suot kong maskara habang pinagmamasdan pa siyang maigi. May kung anong kurot ang naramdaman ko sa aking dibdib habang nakatanaw sa aking langit. Ang lapit-lapit na niya, ba't parang ang layo niya pa rin? Haaaaay... Someday, Skye.. lilingon ka rin. 'Yon na ang huling sabi ko bago ako umalis doon at sinundan sina Kuya Calvin.

Nang makarating kami sa labas ng mall, galit na hinarap ni Hunster si Kuya Bait.

"What the f*ck was that back there?! Pina-perform mo lang ba kami para mapahiya?! Is that why you made us wear this f*ckin' masks?!" Nag-aalburotong tanong nito. Monster alert on high level na 'to!

"Calm down, Hunter. Just calm down, okay?" Malumanay na sagot ni Kuya bait.

"Ano ba talaga ang nangyari, Rave? Ba't biglang disqua na tayo agad kakaumpisa pa nga lang?" Tanong ni Kuya Jasper na suot-suot pa rin ang kanyang maskara.

"That was crazy, man! Nakita niyo ba ang reaction ng crowd?! God, that was something!!" Sabi naman ni Ivan na parang sasabog sa excitement.

"I don't kung paanong nabago na lang bigla ang rules. Believe me guys, walang nakasulat na ganoon sa rules dati," panimulang explain ni Kuya Bait, "When I signed you up, nilagay ko ang pangalan ni Hunter doon at wala naman silang angal," dagdag pa nito.

"Then somebody must have been up against us?! F*ck!!" Galit na sabi ni Hunter.

"And we're finally synching together with the audience," narinig naming sabi ni Kuya Calvin, "Have you seen the shocked look on Skye's face? Priceless..." dagdag pa nitong nakangisi.

"I bet napapamilyaran siya sa way nating magtugtog," nakangisi ring sabi ni Ivan.

"He was eyeing on each one of us, kanina. I think he has an idea who we are," nagsalita naman si Kuya Jasper still wearing the mask. Type niya siguro 'yong kabuki mask niya.

"Why are you guys keep on talkkng about Skye?! Wala lang ba sa inyo ang nangyari? Pinahiya nila tayo!" Galit pa rin ang tono ni Hunster. Todo na talaga ang pagka-monster nito ngayon...lahat kinakalaban na!

"Hunt, hindi naman nasayang ang efforts niyo. Ikaw mismo, I'm sure naramdaman mo rin at that moment sa stage na 'yon ang nakatadhana sa inyo. The way the people reacted to our music...they loved it, Hunt! They loved it!" Sabi pa ni Kuya Bait habang hinahawakan ang mukha ni Hunster. Pagkatapos noon ay hinarap niya kami, "True, what happened to us back there was unfortunate but man...DID YOU ROCK!!!" Sabi ni kuya bait habang ginugulo ang mga buhok ng mga kasamang hindi matago ang saya.

"Sora, you were amazing back there!" Sabi naman nito sa akin nang mapansing natahimik lang ako sa tabi.

"What amazing? She almost ruined it!" Comment naman ni Hunster. Che! Kung hindi lang ako naaawa sa iyo ngayon, ipapakain ko 'tong bag na hawak ko ngayon sa 'yo!

Reaching SkyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt