Kabanata 51

354 12 0
                                    

Lumingon

Napatingin ako kay Ms. Rin tapos tingin naman ule sa masiglang mukha ni Skye. Is he... Is he in love with her? Parang may pumiga na naman sa puso ko't hindi na naman ako makahinga nang maayos. Nakatingin lang ako sa kanya habang tumatawang kausap si Ms. Rin na nakangiti rin sa kanya. Bagay na bagay rin sila. Para silang magkasintahan kung titignan. Gusto ko mang umiwas ng tingin ay tila hindi ko magawa. Para ng sasabog sa sakit ang dibdib ko pero hindi ko pa rin kayang ilinga sa iba ang aking paningin.

"Ami?" bulong sa akin ni Hunster na nagpalingon sa akin. Matagal ring napatitig si Hunster sa akin at pagkatapos ay nilingon niya sina Skye.

Hinawakan niya naman ang aking nanginginig na kamay bago ako nginitian.

"Let's go?" narinig kong sabi niya bago niya nilingon si Ms. Rin, "Ms. Rin, mauna na kami, a? Sa villa, right?" tanong naman niya dito.

Napalingon naman silang dalawa sa amin and napansin kong napatingin si Skye sa kamay namin ni Hunster. Oh, no! Baka kung ano nang iniisip niya tungkol sa amin ni Hunster! Babawiin ko na sana ang kamay ko pero mas hinigpitan ni Hunster ang pagkakahawak rito.

"Ah, no! Sabay na tayo," mabilis na sabi ni Ms. Rin, "It's nice seeing you again, Skye," nakangising sabi pa nito kay Skye na nakatingin na uli sa kanya with that silly grin on his face again.

"Magkikita pa naman tayo dito, di ba?" narinig kong sagot nito kay Ms. Rin.

Ayan na naman. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Biglang naramdaman ko ang pagpisil ni Hunster sa hawak niyang kamay ko't napalingon ako sa kanya. Nakaharap rin siya sa kanila with a blank expression.

Gasp!

Don't tell me may gusto siya kay Ms. Rin? Right! Hindi ba sabi nila may napupusuan na nga si Hunster? So that was Ms. Rin? Napatingin akong muli kina Ms. Rin. Pareho lang pala kami ni Hunster ngayon na nasasaktan.

"Well, then, see you around," narinig naming paalam ni Skye, "Ivan. Jas. Calv. Hunt. Sora. See you around, okay?" sabi pa nito bago tumalikod upang umalis.

Bigla namang pumagitna sa amin ni Hunster si Ivan, breaking our joined hands apart.

"Jamming tayo pag may time ka, Skye!" pahabol na sabi niya sa nakalingong Skye na tumango lang bago ipinagpatuloy ang pag-alis, "Sora, halika, punta muna tayo sa may dagat!" anyaya niya sa akin, totally ignoring Hunster's protest nang sumingit siya sa gitna namin.

"Sorry, Ivan. Gusto ko sanang makapagpa--" sasagot pa sana ako nang hilahin na ako ni Ivan.

"Mamaya ka magpahinga. Kanina ka pa nga tulog ng tulog sa van, di ba?" narinig ko pang sabi nito habang hinihila ako papalayo sa grupo.

"'Wag kayo masyadong magtagal at may rehearsals pa tayo," narinig naming sabi ni Ms. Rin.

"Opo!" malakas na sabi ni Ivan habang patuloy na humihila sa akin.

Rehearsals? Para saan? Akala ko ba pahinga ang ipinunta namin dito? Hindi ba bukas pa ang birthday celebration ni Ms. Therese? Bakit kailangan pa ng rehearsal?

Nawala bigla ang lahat ng worries ko nang makita ko na ang dalampasigan. Wooow! Ang ganda! Mag-aalas quatro na kaya papalubog na ang araw na nakikita namin ngayon. Kulay orange ang langit at naka-reflect ito sa tubig ng dagat.

"Whoo! Ang ganda!" sigaw ni Ivan bago ako binitawan at hinuhubad na nito ang kanyang suot na dapit habang patakbong tinutungo ang dagat.

Humanap na lang ako ng spot na pwedeng maupuan at pinagmasdan ko na lang mula rito si Ivan na naglalaro sa dagat. Haha. Parang bata.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now