Kabanata 86

642 28 15
                                    

Marka

Chapter Twenty-Four

** Hunter's POV **

Nasa passenger's seat ako ngayon ng sasakyang hiniram namin kay Raven while Calvin's driving us back to the city. We're finally at the city limits at ilang oras na lang ay makikita na namin ang condo namin. Panay naman ang lingon ko sa aming likuran kung saan natutulog nang mahimbing si Ami.

Ang ganda niya talaga. Napapangiti ako habang nakatingin sa kanyang maamong mukha. Honey ko... Hehe... Kahit tapos na ang pagpapanggap namin, ang sarap pa rin pakinggan. Kung pwede lang sana i-extend eh... Kung pwedeng totohanan na lang. Syete... Kinikilig naman ako sa sarili kong iniisip.

"Hoy, baka matunaw na si Ami sa katititig mo!" sita sa akin ng aking katabi na agad ko namang tinignan.

"Chini-check ko lang kung maayos lang ba ang pagkakatulog niya." Agad ko namang sagot habang inaayos ang sariling pagkakaupo.

Kung maka-epal talaga 'tong isang 'to, daig pa si Ivan!

"Oo na. Ikaw na ang in love." Mariing sabi nito habang nangingisi.

Hindi ko talaga maintindihan ang isang ito. Kagabi, halos ipagtulakan na akong papalayo kay Ami, ngayon naman, inaasar ako sa aking pagiging in love dito. Ano bang problema nito? Nag-away ba sila lately ni JJ?

"Pero, seryoso, Hunter, anong gagawin mo kung magkabalikan nga sila Ami at Skye?" bigla nitong natanong habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa kalsada.

Medyo nabigla rin ako sa tanong niya at di ako nakasagot agad. Anong gagawin ko? Bakit? Hahayaan ko ba silang magkabalikan? Sagad-sagad na nga ang pananakit ng lalaking 'yon sa damdamin ni Ami, tapos, hahayaan ko lang siyang makuha itong muli? No way, highway!

I swore last night na gagawin ko lahat para mapaligaya si Ami. Hindi ko na siya hahayaang lumuha pa tulad nang ginawa nito kagabi sa rooftop ng school nila. I'll do everything para hindi siya magkaroon ng dahilan para umiyak pa.

"I think malabong mangyari 'yon." tipid kong sagot dito na napatingin na naman sa akin.

"Paano mo naman nasabi 'yan? Kayo na ba ni Ami? Baka nakakalimutan mo, hanggang isang araw lang 'yong pagpapanggap mong boyfriend niya. Wala na nga lang akong sinabi nang makiusap siya sa aking huwag magsalita. Alangan namang tanggihan ko siya. Kung anu-ano naman 'yang mga kalokohang pinapagawa mo sa kababata ko. 'Pag ako di makapagtimpi sa 'yo, Hunter, naku... makakatikim ka talaga sa akin." sunud-sunod niyang sabi.

I snorted a little sa narinig ko mula sa kanya.

"I can't believe I'm hearing these from you." sabi ko na lang habang chini-check ang cellphone ko baka kasi may signal na at makapag-check na ako ng twitter ko.

Last time kasing nakalimutan ko, binaha ako ng mga tweets from my loyal fans at kung anu-ano nang mga pinagti-tweet. Minsan may kumalat pang #ripHunter. Namatay naman ako ng di oras. At saka, may iti-tweet kasi ako, kagabi pa sana kaya lang walang signal doon sa bundok nina Ami.

"Hoy, hoy, hoy, lalaki! Pumayag na nga akong tsansingan mo ang anak ko, kung maka-ingles-ingles ka diyan akala mo di kita naiintindihan!" I chuckled when I heard that from Calvin.

Now I know he's really pulling my leg. Ano bang pinakain ng Tita ni Ami dito at tila lumuluwag ang mga tornilyo sa utak?

"Seriously, Hunter, huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko sa 'yo kagabi. Leave her alone for a while. Mukha lang siyang okay ngayon, pero, hindi. Tinitiis lang niya ang sakit at sino-solo lang para hindi makadamay ng iba. Sa tingin mo ba hindi siya nahihirapan sa pagpaparamdam mo sa kanya sa nararamdaman mo?" biglang seryoso nitong sabi at natigilan ako sa aking pagngiti't seryoso na ring napatingin sa kanya.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now