Kabanata 113

282 8 0
                                    

Fight


His first talaga ah! Bwesit!

Kinuha ko ang pang-ewan-kung-ilan ko ng shot ng ewan-kung-anong inumin 'to. Nabu-bwesit ako! Isa pa 'tong Hunter na 'to! Kanina ko pa siya tinatawagan, lage na lang akong dinidiretso sa voicemail. Tss. Don't tell me nasa unit na siya ng Darlang 'yon?! I raised my shotglass at dire-diretsong itinungga sa bibig ko. Agad namang kumalat sa buo kong sistema ang pait ng lasa ng inumin.

"Urgh! Ang sagwa talaga!" Reklamo ko na tinawanan naman ng aking mga kababata.

"Ano bang problema at umiinom ka na naman?" Tanong sa akin ng kalalapit na Ivan para bulungan ako.

Medyo malakas kasi ang musikang nagmumula sa labas ng private lounge ng bistro ni JJ. Mayroon kasing mga amateur bands na nagpapaligsahan sa labas.

May mga ganitong events na ang bistro ni JJ. Minsan nga kahit mga professional bands ay pumaparito para dumalo sa mga pa-contest ni JJ. Kahit wala naman talaga silang makukuhang premyo, just the fact na mapo-prove nila sa mga tao na sila ang pinakamagaling na drummer/bassist/lead/pianist/rhythmist/vocalist ay solve na sila. Pero, paminsan-minsan lang naman lalo na kapag hindi busy ang mga schedules ng mga ito. Imbes na mag-upakan, idaan na lang sa tugtugan. 'Yan ang motto ng bistro ni JJ. Eto rin marahil ang dahilan kung bakit marami ng mga artista ang tumatambay dito.

"Wala naman, Ivan. Pampawala lang ng stress sa trabaho." Bulong ko naman sa kababata na tumatango-tango na lang.

"Sigurado ka?" He asked with concern in his tone. "Kasi ang Ami na kilala ko ay hindi nastre-stress sa paggawa ng musika." Natigilan naman ako sa narinig sa kanya.

Oo nga naman. Sino bang niloko ko? Kilala na ako ni Ivan mula pa noong mga bata pa kami. Kahit kelan, hindi ako napagod kakagawa ng mga kanta.

"Si Skye ba?" Halos masamid ako ng sarili kong laway sa kanyang itinanong.

"Bakit si Skye ang agad na naisip mo?" Umuubo-ubo kong tanong sa kanya.

"Meron pa bang iba?" Sagot naman ng kaibigan habang hinahagod ang aking likod. "Siya lang ang alam kong nakaka-apekto sa 'yo nang ganyan eh. I've heard he's been dropping by and giving you flowers simula noong umalis kami for a tour. And then he stopped seeing you naman nang dumating na kami, hindi ba? Is he confusing you na naman ba? Gusto mo upakan ko ule?" Sabi pa niya sabay cracking his knuckles.

"Kalma ka nga. Hindi siya, okay? Yes, he's been dropping by at kinukumusta ako pero that was just him showing his sorry sa mga nagawa niya sa akin." Walang preno kong sabi bago nilagok ang isa pang shot. "Matagal ng panahon when he fell out of love. Ako naman ay nakapag-move on na. Kaya hindi siya ang dahilan, kasabot?" I told him matapos ilapag sa mesa ang last glass ko bago pabarag-barag na tumayo.

Agad naman akong inaluhan ng kaibigang umiiling-iling na lang.

"Ang dami mo kasing ininum. Akala mo naman kung sinong magaling." Narinig kong satsat ni Ivan pero hindi ko na lang sinagot kasi nahihilo na ako. "Dadalhin kita sa labas para mahanginan ka." Sabi pa niya habang ginigiya ang mga paa ko patungong balcony ng private lounge.

Pagkabukas ng pinto papalabas, sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin at makapal na amoy ng mga sigarilyo.

"Ayoko rito, Ivan. Ambaho!" I never liked the smell of cigarettes, delikado man ito sa kalusugan o hindi.

I just hate that smell ever since I can remember.

"Hoy! Kayo diyan! Umalis nga kayo rito! Gusto niyo pa yatang patayin kami ng usok ng sigarilyo niyo!" Galit na utas ng kababata sa mga tumatambay doon.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon