Kabanata 90

294 7 4
                                    

Gising

"Enough with this sissy talk. Let's get out there and rock the stage!" Biglang sabi nito sabay tayo at inilapag ang bote sa mesa.

Nakatingin lang ako sa kanya pero ilang saglit ay tumayo na rin ako't dalidaling inubos ang hawak kong beer. Pagkatapos noon ay inilapag ko na rin ang bote sa mesa at sinundan sa labas ang taong naging dahilan kung bakit ako nasa mundo ng musika kung saan ko natagpuan ang aking musa, ang aking inspirasyon, ang aking pag-ibig.

Tama na nga 'tong drama! Rakrakan na!

** Ami's POV **

Nandito ako ngayon sa lobby ng condo ni Skye. Medyo nagtatago na rin baka kasi mamukhaan ako ng mga staff. Wala naman masyadong tao kaya madali lang akong nakapasok sa elevator. Agad ko namang pinindot ang button ng floor ng unit ni Skye.

Please enter your 6-digit PIN code to proceed.

Wow! Ang daming kaartehan naman nito! Teka, nasabi ba ni Skye sa akin ang tungkol dito? Naku... Patay! Hindi ko alam. Bahala na nga!

First try: birthday niya. 0118**

Wrong PIN. You have 2 attempts left.

Shemay! Hindi birthday niya! Paano na 'to? 2 tries na lang. Wala pa namang 'give me some clues' button dito. Anong gagawin ko?

Second try: birthday ko. Assumingera talaga, ano? 1223**

Wrong PIN. You only have 1 attempt left.

Humaygulay! Kung kelan kailangang kailangan kong makausap si Skye, ngayon pa nangyayari sa akin 'to! God naman... Makisama naman po sana Kayo. Magpapakabait na po ako. Please let me talk to him ngayon. I swear pagkatapos nito, hinding hindi na po ako magsisinungaling!

Humugot muna ako nang isang malalim na hininga bago ako sumubok muli.

Last try. Here goes nothing! Pikit-mata kong ininput ang huli kong alas. Tamad 'yon magsaulo kaya... 000000

Welcome back, Kitagawa Skye-san! Enjoy your stay!

Syete! Hanggang ngayon ba naman tamad pa rin siyang magsaulo ng mga PINs niya? Mahiram ko kaya mga ATM noon! Ay... Ano ba 'tong kalokohang iniisip ko? May mas importanteng pakay ako sa kanya kaysa sa ATM niya! Focus, Ami! This time, you're going to face him bilang ikaw. Mabigla man siya o hindi, you have to tell him the truth. And then ask him nicely na ayusin ang gulo sa media para matapos na 'tong lahat. Para maayos na ang lahat.

Agad namang sumagi sa isip ko ang nasasaktang anyo ni Hunter.

At pagkatapos nito, kapag maayos na ang lahat, makikipag-ayos naman ako sa kanya.

Nasa kalagitnaan pa ako ng aking pag-iisip ng biglang tumunog ang elevator. Nakarating na ata kami sa floor ng unit ni Skye. Nang bumukas ang pintuan, nag-ala ninja pa ako to make sure na walang ibang tao sa floor.

Okay. Clear! Takbo. Takbo. Takbo. Takbo.

Room 8888. Whew! Safe! Nasa tapat na ako ng pinto ng unit ni Skye at akma ng kakatok ng biglang may nag-click sa kabila hudyat ng may bubukas mula sa loob.

Call it instinct. Bigla akong tumakbo at nagtago sa likod ng isang malaking haligi na di kalayuan sa unit ni Skye. Humaygulay! Para naman akong magnanakaw nito. Kakausapin ko lang si Skye. Bakit ako nagtatago?!

Lalabas na sana ako nang makarinig ako nang dalawang boses na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Skye, Baby, don't do this to me. Don't do this to us!" Halos mangiyak-ngiyak na sabi ng babae.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon