Kabanata 91

552 24 6
                                    

Cold

** Ami's POV **

Two months.

Oo. Dalawang buwan na ang nakalipas matapos maganap ang gabing 'yon.

Panay pa rin ang pag-te-text sa akin ni Skye pero puro sakit lang ang nararamdaman ko sa tuwing babasahin ko ang kanyang mga ito. Sinasagot ko na lang ng mga simpleng responses tulad ng ahk, gr8, yep, nyt... well, you get the picture. Iniiwasan ko na rin siya kasi wala naman akong gustong sabihin sa kanya. Tama na muna 'yong mga nalaman ko mula sa sarili niyang bibig. Ayoko na muna siyang makita at baka di ako makapagil. Kahit na nga lagi pa rin niya akong dinadawit sa mga tweets niya, dedma lang.

Langit tweeted: missing my baby @iamsora

Langit tweeted: wish you were here @iamsora #zeusroadtour

Langit tweeted: this song's for you baby @iamsora #parasayo

Kung ako pa ang Ami noon siguro naglulumpasay na ako sa kilig. Pero, wala eh. Puro kirot lang ng damdamin ang pumapaibabaw sa pagkatao ko ngayon. Ilang beses niya na bang pinagtaksilan ang puso ko? Ilang beses pa ba niyang paaasahin ito?

Mabuti na lang at Rin kept me busy these past few days. Nag-record kami ng mga bagong kanta for my new album. I've modeled for Therese's clothing line and graced the covers of a number of women's magazine. I've also done a commercial for a fast food chain. She made sure na wala na akong time para problemahin pa ang mga hindi magandang nangyari sa akin. If meron man, I'm too tired to even think about it.

She got rid of the pesky rumors. She stood as my protector and my promoter. Ni hindi na nga ako kinakausap ni Kuya Bait dahil galit pa rin si Darla sa akin. Oo. Doon pa rin naman ako nakatira sa unit ng Polaris. Maayos pa rin naman ang pakikitungo sa akin nina Kuya Calvin.

Si Hunter? Hindi ko na siya nakikita sa personal. Puro na lang sa mga guestings nila or sa commercials na pinapalabas sa TV. Balita ni Ivan sa akin, hindi na raw siya umuuwi roon. Masakit isipin na naging ganito siya nang dahil sa akin. Sa lahat ng mga pinagdaanan ko, siya lang ang naging kakampi ko. I really hoped na pakikinggan at paniniwalaan niya ako that night. But he didn't. Mas pinakinggan niya ang sakit na nararamdaman niya. Didn't he say na hindi niya ako iiwan? Didn't he say na gusto niya akong lumigaya? In the end, pare-pareho lang sila ni Skye.

Bitter? Siguro nga. Siyempre, tao rin lang ako na napapagod umasa at masaktan. Sana kahit papaano, nakita niya ring pinahalagahan ko ang pagkakaibigan namin. Sana kahit papaano, nakita niya ring kinon-sider ko nararamdaman niya. Nasaktan ako when he chose to believe na ganun akong uri na babae - mababa, manggagamit, paasa. Siya na nga lang ang inaasahan kong maniniwala sa akin, pero wala. Iniwanan pa rin niya ako.

"Ami, are you okay?" Bumalik ako sa kasalukuyan when I heard Rin's voice.

"Ha? Ah, eh... I'm okay." Mabilis na sagot ako sumunod sa kanila papasok ng isang club. Kasama namin ang mga members ng Nitro.

Victory party daw kasi natapos na namin ang album ko. If you're asking kung bakit di ko kasama ang Polaris ngayon, they're taking a break daw kasi kagagaling lang nila sa isang mahabang road tour. Hindi ako sinama. Alams na. Nakakalungkot at nakakapanlumo pero naiintindihan ko naman. I took advantage of that free time kaya nga nagawa namin ni Rin ang album ko.

Nang makapasok kami sa club, bumungad kaagad sa amin ang ingay ng disco music at nakakasilaw na lights. Grabe, ang dami-daming tao. Ang iba'y nasa gitna ng daanan at nakikipaglandian sa opposite sex while drinking their mixed drinks. Ang iba nama'y parang walang bukas na sumasayaw sa dance floor. Pumasok kami ni Rin sa isang VIP lounge ng club at kaagad namang humina ang tugtog na nanggagaling sa labas.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon