Kabanata 115

237 9 0
                                    

Malice


Hindi magkandamayaw ang mga kaibigan namin sa pag-asar. Habang ako nama'y pinipilit na makinig kahit na kanina pa wala doon ang isipan ko.

NP: Ako'y Sa 'yo at Ika'y Akin by Iaxe

I was preoccupied with finding Rin nang magsimulang kumanta si Skye. Like always, nakukuha niya ang attention ko with the smoothness of his singing voice. Sinalubong agad ako ng kanyang nagsusumamong tsokolateng mga mata.

Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin

His words left me with no other choice but to listen.

At sinabi mong
Ang pag-ibig mo'y di magbabago

Nararamdaman ko ang pighati niya sa bawat salitang binibitawan.

Alam na alam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon kasi ganitong ganito rin ang naramdaman ko dati.

Panay naman ng kantyaw ng mga kaibigan namin. Kanina pa nga ako dinudutdot ni Ivan. Parang bakla lang! Masumbong ko nga kay Therese mamaya.

Kahit kanina pa kami kinakantyawan dito, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Seryoso pa rin siyang nakatanaw sa gawi ko.

Dahan-dahan siyang bumaba mula sa stage patungo sa table ko.

Sumisipol sina Ivan sa mga binitawang liriko ng dati kong kasintahan.

"Wag mo nang paghintayin. Limang taon na kayong naghihintayan! Sagutin mo na 'yan!" Kantyaw pa ni Kuya Calvin.

Grrrr! May boyfriend na ako at si Hunter 'yon!

Kahit na
Umabot pang ako'y nasa langit

Hindi pa rin nagpaawat si Skye at lumuhod pa siya sa aking harapan, not minding the cheers of our friends. Seryoso pa ring nagsusumamo ang kanyang mapupungay na mata.

At kung di ka makita
Makikiusap may bathala

He, then, gently grabbed my hand at dinala sa kanyang mga labi.

Na ika'y hanapin

Pagkatapos ay mabilis niya itong dinampihan ng halik na aking ikinabigla at kanila namang itinili. Mga bakla ba itong mga kababata ko?!

At sabihing ipaalala sa 'yo

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Pero marahan lang ang pagkakahawak niya at kung gugustuhin ko naman, pwedeng-pwede ko siyang bawiin. But there's something about his stare na nagsasabing masasaktan siya kapag ginawa ko 'yon kaya hinayaan ko na lang. Sandali rin lang naman at makakauwi na rin ako sa piling ng boyfriend ko.

Ang nakalimutang sumpaan

Nagnanamnam ang mga titig nito bago kantahin ang natitirang liriko ng kanta.

Na ako'y sa 'yo

Ramdam ko ang mariing pagpisil niya sa aking kamay.

At ika'y akin lamang

Ganoon na lang ang pagkabigla nang may biglang humatak sa kamay ko palayo sa hawak ni Skye at pagkatapos ay nakita ko na lang na napahiga sa carpetted flooring ng silid. Umalingawngaw din ang matalim na tunog ng feedback galing sa bumagsak na gitara kasabay ng mga gasps at sigaw ng mga kasamahan namin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong get your f*cking hands off her?!" Wala sa isip kong napatingala sa may taong mariing humahawak sa akin.

Sa sobrang diin, ramdam ko ang pamamanhid ng braso ko.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now