Kabanata 59

781 30 7
                                    

Lubid

**Hunter's POV **

At sa wakas ay natapos na rin ang drama nina Rin at Uno. Walang hiyang Rin 'yon, a! Kinuha na nga niya 'yong lyrics ng kantang ginawa ko't ginawang pop at pagkatapos ay ipinakanta pa sa taong sinulatan ko ng kantang 'yon, tapos binugbog pa niya ang isa sa mga taong naging inspirasyon ko kung bakit ako nasa mundo ng musika ngayon! Kahit na sabihin pa nating nagkamali nga si Uno, hindi naman niya kailangang bugbugin hanggang sa mamatay na 'yong tao!

Nasa may dalampasigan na ako ngayon at hinahanap ko pa 'yong babaeng bigla na lang nawala sa stage kanina. Ayaw maiwan pero lage namang nang-iiwan. Ewan ko na talaga sa kanya.

Naglalakad ako habang pinakikinggan ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Ang sarap talagang pagmasdan ang mga alon ng dagat. Pinapakalma nito ang naiirita kong puso.

Ini-enjoy ko pa sana ang mga hampas ng alon nang biglang may narinig akong iyak. Boses ni Ami 'yon a! Bigla akong napatakbo patungo sa direksyon ng boses. Hindi naman kaya naaksidente siya't nasaktan? Kasi naman e, nawawala na lang bigla!

Nang makita ko na ang umiiyak niyang anyo ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

"Ami!" tawag ko sa kanya na napalingon naman agad sa akin.

Nakatanggal na ang maskara niya sa mukha at magang-maga na ang mga mata sa kaiiyak. Ilang oras ba siyang nag-iiiyak dito mag-isa?

"Hunster..." tawag niya sa akin bago siya napatayo't umakap agad sa akin.

Whoa! Basang basa ang suot niyang damit at nanginginig na ang manipis niyang katawan sa lamig.

"Anong ginagawa mo't basang basa ka? Magkakasakit ka nito e!" mabilis kong hinubad ang suot kong tshirt at isinuot sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang malamit na hanging humahampas sa aking hubad na katawan.

Umakap uli siya sa akin at nagpatuloy sa kaiiyak.

"Si Skye... " napabuntong hininga na lang ako.

Si Skye na naman... of course. Heto na naman tayo.

"Si Skye lang pala. Akala ko kung napaano ka na," ang sinabi ko na lang, trying to change the topic.

"He kissed me," parang huminto ang mundo ko when I heard her say that.

Ano raw? Hinalikan siya ni Skye?

"He said he wanted me," sabi pa nito at tila nabubulunan ako sa tuwing sinusubukan kong lumunok.

"T-then, y-you s-should be h-happy, r-right?" pautal-utal kong sabi.

He kissed her?! Ako naman yata ang maiiyak nito, e!

Umiling ang ulo niya at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.

Don't tell me na-realize na niyang mas mahal na niya ako ngayon?! Whoa! Biglang lumakas ang kabog ng puso ko.

"Hindi na siya ang Skye na nakilala ko noon, Hunster. Nagbago na siya. Ni hindi man lang niya matandaan ang mga halik ko sa kanya noon. Ni hindi man lang niya mabosesan ang boses ko ngayon. Kinalimutan na niya talaga si Ami. Ako lang itong tangang umaasang all this time si Ami pa rin ang mahal niya. Pero hindi e..." umiiyak pa rin niyang sabi.

"Tahan na, Ami," sabi ko sa kanya, "Halika na muna sa villa at nang makatulog ka na," sabi ko pa habang inaakay siya.

"Ayoko pang matulog, Hunster," narinig kong sabi niya habang nakatayo lang siya sa aking harapan, "Puwede mo ba akong samahan dito?" pakiusap niya sa akin.

Napatingin ako sa kalangitan at tila wala na akong matanaw na mga bituin. Parang uulan pa ata. Gusto niya pa ring manatili rito?

Napatingin akong muli sa kanya. Her eyes are begging me to stay, telling me that she needs me now.

Reaching SkyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora