Kabanata 10

869 45 4
                                    

Frontman


NP: Bulong by Kitchie Nadal

"Reload!!!"

"Hunter!!"

"Raven!!!"

"Darla!"

"Maui!"

Parang attendance lang sa classroom ano? Present po silang lahat Ma'am! Sheez, ang dami-daming tao kahit nasa mall lang kami.

Oo nga pala, nasa last leg na kami ng mall tours ng Reload at nakaupo lang ako sa may gilid ng stage nakaabang kung kelan matatapos 'tong last set nila. Mahigit dalawang buwan rin namin nilibot ang buong bansa. Kakapagod pala ang mag-tour! Pero wala 'yon sa mga mukha nila habang nagpe-perform sa harap ng dumadami nilang fans.

Katabi ko si Kuya Gabby na kanina pa may kinakausap sa phone niya. Iba na ang ginagamit niya ngayon. I guess hindi pa nasuli ni kuya bait ang phone ni kuya gabby sa kanya. Bakit kaya?

Hoy kaibigan ko!
Pakinggan mo ang mga bulong sa 'yo.
Ito'y di galing sa mundo.
Patungo sa pangakong paraiso.

Ayon na ang huling set of rifts ng lead guitar ni gwa-ex-sungit. Hataw na hataw pa rin sa paghiyaw ang mga fans sa pangalan niya. Habang enjoy na enjoy naman 'tong si gwa-ex-sungit sa kanyang pagpe-perform. Passion niya nga talaga ang musika. Ganoon na ganoon rin ang anyo ni Skye pag nagpe-perform siya. Skye ko... nasaan na kaya siya ngayon? Huling balita ko, nasa labas daw sila ng bansa't may world tour daw sila. But that was like four months ago.... nakabalik na kaya sila?

"Darla!" biglang sigawan ng mga tao. Paglingon ko nakita kong nahulog sa stage si barbie doll! Oh no! Mabilis naming tinungo ni Mananger Francis si Darla. Sina gwa-ex-sungit naman ang nagsitalunan mula sa stage at pinuntahan agad ang wala pa ring malay na Darla.

"Medics! Call the medics!" sigaw ni kuya gabby sa isang crew na agad naman nagsisitakbo para tumawag ng tulong.

Ang daming ilaw ng nagfla-flash galing sa mga camera ng mga fans at mga dumumog lang na mga tao sa mall. Kahit 'yong mga napadaan lang ay sumisilip at nakikiusyoso na. Panay bulungan naman ng mga fans habang pinapanood ang pag-buhat ni gwa-ex-sungit kay barbie doll.

"Please lang po, tumabi muna kayo, " narinig kong pakiusap ni kuya bait, "She needs some air," sabi pa nito't sinunod naman siya ng mga fans.

"Paraan po, paraan.." patuloy na sabi ni gwa-ex-sungit habang mabilis na binubuhat si barbie doll palayo na dun. Ano kayang nangyari kay barbie doll?

Nasa ospital kami lahat ngayon at hinihintay namin ang results mula sa doctor na tumitingin kay barbie doll. Nang lumabas na 'to mula sa kwarto, hinarap niya kaming lahat na napatayo at napatingin sa kanya, hinihintay kung anong sasabihin tungkol sa kalagayan ni barbie doll.

"She needs a lot of rest. Hindi siya pwede ma-stress ngayon," ang sabi nito sa amin.

"Na-over fatigue po ba siya?" tanong ko rito na may pag-aalala. Hindi ko naman kinaliligtaan ang mga pangangailangan nila lalo na noong on tour kami. Palagi ko silang nire-remind o kung hindi naman ay pinupwersang kumain o matulog. At saka, tanda ko pa, ang lakas ngang kumain ni barbie doll kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nawalan ng malay.

"May sakit po ba siya?" dagdag pa ni kuya silent na nag-aalala rin. Kahit pala magka-away sila, may concern pa rin siya kahit papaano kay barbie doll, "Kailan po siya mamamatay?" biglang sabi pa nito at sinapak naman siya ni kuya bait.

"Huwag ka ngang ganyan," saway sa kanya nito.

"Hindi siya mamamatay," nakangiting sabi ni Dokki.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now