Kabanata 97

290 8 0
                                    

Ayoko

Wala sa isip akong napatingin sa puwesto nina Hunter. Actually kay Hunter lang. Akala ko makikitaan ko siya ng kahit anong reaksyon pero wala. Busy siya kakausaup with Darla. Mukha pa ngang tuwang-tuwa siya sa pinag-uusapan nila eh, wala silang pakialam kung anong nangyayari sa paligid. Nakakaasar. Sarap tapunan ng granada!

"Baby, I will always love you." Mabilis akong napalingon sa malungkot na mukha ni Skye, "P-please forgive me for being not e-enough."

Haaaaaaa?!?!?! How about for being a big, fat jerk? Walang pasabing inilapat ang spotlight sa akin. Now, everyone's attention's on me. Angry, disgusted, contempted attention. Shets lang ha!

Skye, sa akin ka na lang!

Kalimutan mo na siya!

Sa amin ka na lang!

Sunud-sunod na sigaw ng mga tao. Sinaway naman ni Rin ang in-charge ng lightings kaya ibinalik kaagad nila ang spotlight sa puwesto ni Skye.

"Talk about being shameless." Ang tanging nasabi ni Rin nang makabalik na mula sa floor na agad naman pinakalma ng boyfriend niya.

Muling naibalik ang atensyon namin sa stage nang biglang nag-dilim ang paligid na nagpatahimik sa lahat. The spotlight was on him, as usual, habang nakadungo siyang hawak-hawak ang mikropono na nasa isang stand na tila pinakikiramdaman ang musika ng kanyang mga kabanda. Maya-maya pa'y nag-angat ng 'to ng tingin at sinimulang kumanta.

Ay wag naman alisin ang nag-iisang panaginip
Na ika'y magbabalik
Nagsasamang masaya at walang pagkukulang

Napatigil siya saglit, muling napadungo. Ilang saglit pa'y narinig namin ang pagsinghap niya ng hangin bago muling umawit.

At ngayong wala kana
Hindi alam kung saan magsisimula
Ang ngayon bukas, kailanman nag-iba
Wala bang bukas

Skye! Wag ka ng umiyak! She doesn't deserve your tears! Sigaw pa noong isang nasa audience.

Ngumiti naman nang isang malungkot na ngiti ang kuya niyo! Humaygas, Skye! Sasapakin talaga kita nang marami by the time na malaman mo kung sino talaga ako!

Biglang lumapit si Maui sa isa pang mikropono. Second voice siguro kasi erratic na masyado ang pagkanta ng leader nila.

At talagang pumiyok pa daw siya. Kunwari naninikip ang lalamunan dahil naiiyak. Pinaninindigan niya talaga ang mga plano niyang pabagsakin ako. Gusto niya talaga akong siraan sa mga tao. Di tulad noon na discreet lang siya, ngayon, harap-harapan na niyang pinapamukha sa akin ang totoong mithiin niya. He's cornered me!

Nagpakitang gilas naman sa tabi ni Skye sina Wolf at Maui with their guitar skills. Masyadong mayabang ang angas ni Wolf habang si Maui nama'y nakatingin sa puwesto ng Polaris.

Bigla-bigla ay humina ang ibang instrumento at tanging boses lang ni Skye ang prominenteng maririnig mo. Nakatingin na muli siya sa aking puwesto, his eyes looked real hurt.

Did he just sound like he's about to cry??

Skye! No! Maririnig na iyakan ng kanyang mga fans.

Hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan with that much drama.

Without breaking his gaze, nagpatuloy siya sa pagkanta. Second voice pa rin si Maui.

Humarap na siya muli sa nag-iiyakang audience. Grabe talaga ang tama ng mga ito! Iiyakan talaga ang pagiging heartbroken daw kuno ng kanilang idol? Seriously?

Wala na. Umiiyak na nga talaga siya habang kumakanta.

Hindi alam kung saan magsisimula

Everyone in the audience was sobbing, except for us and the Polaris band. Kita ko ang panggigilaiti ni Ivan na pinipigilan nina Kuya Calvin at Kuya Jasper. Samantalang parang wala lang kay Hunter ang lahat at tila inaantok pa.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now