Kabanata 55

324 10 0
                                    

Kaarawan

Biglang nanlamig ang mga kamay ko ng makita siyang napatigil sa kanyang paglalakad at bahagyang napalingon sa akin.

"Ha?" narinig kong sabi niya, her eyes questioning my statement.

"Ha? W-wala naman akong sinabi, a!" mabilis kong sagot at nauna na akong naglakad sa kanya.

"Hoy! Wag ka ngang mang-iwan diyan! Ano uli 'yong sinabi mo?" narinig kong sabi niya habang humahabol sa akin.

"Sinabi na ngang wala akong sinabi, e!" sabi ko pa habang mas binibilisan ang aking mga hakbang.

"Hoy! Bagalan mo naman paglakad mo! Nang iiwan ka e!" narinig kong sabi niya.

"Bilisan mo kasi!" sabi ko naman habang mas binibilisan pa ang aking paglakad.

Sh*t! Hindi niya ata narinig e!

"Hunster..." narinig kong sabi niya at hindi na ako nakatiis.

Bigla akong napahinto at hinarap siya. Nagulat naman ito sa biglaan kung paghinto.

"Pabigla-bigla ka naman e," alma pa niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita. This is it. It's now or never.

"Narinig mo ba ang mga sinabi ko kani-kanina lang?" tanong ko sa kanya.

Alam kong namumula na naman ang mga tainga ko. Ang lakas-lakas pa ng kabog ng dibdib ko. Sh*t! Kinakabahan na ako hindi pa ako nagsisimula.

"Ha? Alin doon?" para akong nag-ice bucket challenge nang marinig ang sagot niya.

Hindi nga niya narinig.

"Hunster?" narinig kong tawag niya pero nakatayo lang ako doon at nakatingin sa kanya.

Hindi pa rin makapaniwala kung gaano kabingi, kabulag at kamanhid ng babaeng ito.

"Sora!" Sigaw ng isang boses mula sa malayo pero hindi ko nilingon at nakatuon pa rin ang tingin ko sa kaharap kong manhid na babae.

"Rin!" Sagot niya roon.

"Let's continue our practice!" sabi naman ni Rin mula sa malayo.

"Okay! Susunod na ako," narinig kong sabi niya bago niya ako nilingong muli, "Hunster, okay ka lang? Namumutla ka a!" sabi pa niya habang hinahawakan niya ang mukha ko pero wala akong isinagot at nakatingin lang ako sa kanya.

I'm just too d*mn speechless sa kanyang kamanhiran to answer her question. Her concerned eyes on mine. Kung hindi ako makapagpigil e, kanina ko pa siniil ng halik 'tong mga labi niyang inches away lang sa akin.

"Babalikan ko lang si Rin para tapusin ang practice namin pagkatapos ay babalik na ako sa villa natin, okay? Pakisabi na lang kina Kuya Bait, a?" sabi pa niya bago niya ako iniwanang nakatulala doon.

Hindi ko alam kung masokista ba 'yon o sadista. Masyado na niyang tino-torture ang puso ko.

Huminga ako nang malalim bago ko pinagmasdan ang tumatakbong anyo ni Ami sa malayo. What do I have to do to make you turn to me?

** Raven's POV **

Nasa may dalampasigan ang venue ng birthday party ni Therese. Konting mga malalapit na kaibigan lang ang inimbitahan kasi 'yon ang kagustuhan ni Therese. Ayaw niya nang maraming tao at sang-ayon naman si Rin doon.

Nasa bar ako ngayon at nagpapa-mix ng drink ko nang may biglang lumapit sa akin.

"Raven, my old friend, nandito ka rin pala?" Si Francis, ang taong pinaka ayaw kong makita. Hindi ko maintindihan kung bakit eto pa ang napili nilang resort para makapagbakasyon. Hindi naman akong naniniwalang coincidence lang ang lahat. Not when this person's with them.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now