Kabanata 88

291 4 0
                                    

Kasalanan

Napapikit siya ng kanyang mata't nagsihulog pa ang mga naipit na mga luha dito.

"Mahal na mahal kita." Pahikbi pa nitong sabi habang nakatitig na muli sa akin ang kanyang mga berdeng mata na nangungusap sa aking puso.

Nangangatal na ang aking mga labi sa dami ng mga emosyong dumadaloy sa aking pagkatao. Gusto kong sabihing naririnig ko siya kahit hindi pa niya sabihin. Buong lakas kong binuksan ang aking bibig to say something pero pinigilan na naman niya ako.

"Pero nakakapagod rin pala, Ami." Pakiramdam ko huminto ang lahat pati na ang paghinga ko habang pilit na pinapahiran ni Hunter ang kanyang mga mata gamit ang kanyang braso.

"Kakapagod rin pala ang paulit-ulit na lang na nasasaktan. Paulit-ulit na lang na umaasa pero paulit-ulit ring nabibigo. Ayoko na. Ayoko na. Ubos na ako, Ami. Ubos na ang lahat nang maibibigay ko para sa 'yo. Ubos na ubos na." Ramdam ko ang panghihina ng akong mga tuhod sa kanyang mga sinabi at kung hindi pa niya hawak ang aking mga kamay ay tuluyan na akong naupo sa malamig na sahig.

Alam ko naman e. Hindi ko siya masisisi kung ganun man ang kanyang nararamdaman. Maging ako'y mapapagod rin sa sarili ko. Paulit-ulit na lang. Paikot-ikot lang kami. Pero bakit ganun? Bakit ang sakit-sakit marinig mula sa kanyang suko na siya? Bakit ayaw tanggapin ng puso kong bumibitiw na siya? Alam ko namang I don't deserve his love pero bakit ayaw ko siyang mawala? Ayoko siyang mawala.

"I-iiwanan mo rin ba ako, H-hunter?" Basag ang boses ko nang kumawala ito sa aking bibig.

Ramdam ko naman ang pagluwag ng hawak nito sa aking mga kamay habang mataman akong tiningnan.

"From the start, you were never mine. Isinasauli lang kita sa totoong nagmamay-ari sa 'yo dahil alam kong 'yon naman talaga ang gusto mo. You've heard him. Mahal ka niya even without knowing kung sino ka. Sino ako para hadlangan ang pagmamahalan ninyong kay tagal mo ng ipinamukha sa akin?" Puno nang paghihinagpis nitong sabi at kanya na ring binitawan ang aking mga kamay na agad namang bumagsak sa aking harapan.

"Hunter..." Pilit kong pagsumamo sa kanya ngunit kanya lang itong itinaboy.

"Dry your own tears, Ami. I'm through." Huli nitong sabi bago ako nilagpasan at iniwang umiiyak.

"Hunter, where have you been--" Narinig kong tanong ni Barbie Doll na kapapasok lang sana sa kusina nang lagpasan rin siya nang nagmamadaling Hunter.

Kumunot ang kanyang noo when she saw me barely standing.

"What have you done this time, Bitch?!" Singhal nito bago tumalikod at hinabol si Hunter.

Narinig ko ang padabog na paglalakad mula sa direksyon ng mga silid at bigla akong kinabahan sa aking hinala. Agad kong pinunasan ang aking mukha gamit ang likod ng aking mga kamay at dali-daling pumunta sa sala.

Pinipigilan ni Barbie Doll si Hunter na may bitbit na bag na umalis habang kinakausap na rin siya ni Kuya Bait. Pero parang wala lang siyang narinig at marahas na inalis ang pagkakahawak ni Darla sa kanya bago binuksan ang pinto at lumabas. Humihikbi pa si Darla habang nakatuon sa pasarang pintuan nang tumama sa aking isipan ang mga nangyayari: iniwanan na kami ni Hunter.

"You!" Napatingala ako't nakita kong nakaduro na sa akin si Darla bago ako galit na nilapitan.

Matapos ay isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi na nagpamulat sa akin sa kasalukuyan. Mabilis namang nagsilapitan sina Ivan sa aking likuran habang pinipigilan naman ni Kuya Bait si Darla.

"This is all your fault! If you weren't such a bitch, Hunter would never thought of leaving us!" Singhal nito sa akin habang ako nama'y nakatanga lang at nakahawak sa kumikirot kong pisngi.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now