Kabanata 32

367 15 2
                                    

Man

"Sino namang hindi magkaka-crush kay Skye, eh si Skye 'yon! Kahit sino magkaka-crush doon," nakangisi kong sabi matapos kong alisin ang kamay ni Hunster sa braso ko.

Nagtawanan naman ang mga tao sa sinagot ko.

"Oh, inaamin mong crush mo talaga si Skye Kitagawa at gusto mong maging girlfriend niya?" nakangising tanong ng host.

"Sino namang hindi gugustuhing maging girlfriend ng isang Skye Kitagawa, di ba?" nakangisi ko namang sagot at nagpalakpakan naman ang mga tao. Biglang may lumapit na staff sa host at may ibinigay na kapirasong papel.

"This just came in, guys," sabi nito matapos mabasa ang nilalaman ng papel, "Sora, is it true na kumakanta ka rin pala?" tanong nito at tila nagsibulungan ang mga tao, "Yeah, there are a number of people who had heard you sing during the mall concert niyo dati, remember?" sabi pa ng host while talking to the audience, "May youtube video ka pa nga na nagra-rap, di ba?" sabi pa nito.

"Ah.. eh... paminsan-minsan po kumakanta ako," ang tanging nasabi ko na lang. Saan ba galing ang info na 'yon? Nang tiningnan ko ang pinanggalingan ng staff, nakita kong nakatayo doon ang nakangising Kuya Bait. Ah, okay... now I know.

"Sample, sample, sample!" panay na hiyawan ng mga tao sa audience.

"O, sample daw," nakangiting sabi ng host.

Tinapi naman ni Hunster ang balikat ko to encourage me to stand up.

"Pagbigyan mo na," bulong pa nito.

"You can say no if you don't want to," narinig ko namang sabi ni Ivan.

"Please?" narinig ko namang sabi ng host na nakangiti sa akin.

Kaya ko bang mag-say no dito? Baka mag-trending na naman sa internet #cowardsora #sorrysora #soracantsing at kung anu-ano pa. Sige na nga...

Tumayo na ako't nagsipalakpakan ang mga tao. Eh, ano naman ang kakantahin ko? Bahala na si batman... Pumunta ako sa may mga instrumento at kinuha ko ang acoustic guitar ni Hunster bago ako bumalik sa gitna. Huminga muna ako nang malalim bago ko isinuot ang straps ng gitara.

NP: Panalangin by Moonstar88

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko-oh
At hindi papayag, ang pusong ito
Mawala ka, sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Nang matapos ko na 'to'y nagsitayuan ang mga tao pati na ang host habang pumapalakpak.

"That...was...amazing!" bulalas ng bibig ng host na ngayo'y nasa tabi ko na't hinahawakan ang aking kamay, "You are one talented woman!" sabi pa nito, "Thank you for that song incredible song," dagdag pa nito bago kami naupong muli.

"Who were you thinking while singing that song? Skye?" tanong ng host at tila nanunukso ang mga hiyaw ng tao sa akin.

"Secret," natatawa kong sabi. Ano ba 'yan? Nakikilig naman ako nito.

"What if nandidito siya ngayon, what will you do?" panunukso pa ng host.

Napatigil akong saglit at napatayo. Matapos nito'y napatingin sa paligid. Nandidito siya?! Natawa naman ang host sa ginawa ko.

"What if nga di ba?" sabi pa nito. Nakangisi naman akong naupong muli, "O, ano? What will you do kung sakaling nandidito siya ngayon sa harapan mo?" tanong nitong muli.

"Um," kinakabahan naman ako bigla.

Wala nga siya dito eh! Kulet mo talaga, my heart!

"Magtititili?" halos hindi magkandamayaw ang mga tao sa katatawa sa isinagot ko.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now