Kabanata 34

772 36 8
                                    

Dati

"Sora, maaga kang magising bukas ha at may pupuntahan tayo bago tayo tumuloy sa Mall," sabi ni Ms. Rin sa akin nang makasakay ng muli sa kanyang sportscar.

"Yes po," ang tangi kong sagot dito at nginitian naman niya ako bago niya sinimulang mag-drive nang napakabilis. Whoa~

Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang ilo-launch ako ni Ms. Rin bilang isang singer. Nang kausapin namin si Kuya Bait, agad naman itong pumayag sa kondisyon na dapat Polaris Band ang tutugtug sa mga kanta ko.

Mga ilang araw na rin kaming nagpa-practice ng mga bago kong kantang gawa namin ni Ms. Rin. Mga ilang buong magdamag na rin ang ginugul namin para sa mga recordings at shootings. Grabe pala talaga kung naka-hyper mode si Ms. Rin. Para namang nakalimutan na niya na malungkot siya.

Minsang napag-usapan naming muli ang tungkol sa lost love niya, sabi niya ipapasa-Diyos na lang daw niya ang lahat. Kung poproblemahin pa niya ito baka daw maraming mga magagandang sandali sa kanyang buhay ang mapapalagpas niya. Tama naman siya sa sinabi niya kaya lang hindi ko maiwasang masaktan dahil parang sinasabi na rin niyang sinasayang ko lang ang panahon ko kahahabol kay Skye. Ayokong tanggapin 'yon. Ayoko pa ring sumuko. Naniniwala pa rin akong mahal pa rin ako ni Skye hanggang ngayon.

Papaakyat na ako ng kwarto nang mapansin kong bukas ang ilaw ng practice studio. Baka may tinatapos lang siguro si Hunster. Pagbukas ko, nakita kong may ginagawa si Hunster sa working table habang kandong-kandong niya ang kanyang acoustic guitar.

Dahan dahan akong pumasok upang hindi siya madisturbo at tahimik na naupon sa tabi nito. Grabe ang concentration, hindi man lang napansin ang pag-tabi ko! Sinilip ko kung anong sinusulat niya, bago na namang kanta. Ang sinop niyang magtrabaho. Talaga palang passion na nito ang musika. Nakakatuwa siyang pagmasdan.

Ganito-ganito rin kasi si Skye dati. Magdamag kung gumawa ng bagong kanta at bagong ideas para sa mga gig ng grupo. Minsan kahit anong gawin niya, naubos na lang ang lahat ng pages ng kanyang notebook, wala pa rin siyang maisulat. Minsan naman parang si flash kung makapagsulat. Paminsan-minsan rin ang buong grupo doon na natutulog sa kwarto ni Skye para magpractice. Lage nga kaming napapagalitan ng Mommy ni Skye sa ingay namin. Tapos magtutulug-tulugan lang daw kami pagpasok ng Mommy niya pero mahuhuli rin naman kasi si Kuya Jasper nakapikit nga pero nakatayo naman. Hehehehe... Nakakamiss talaga 'yong mga panahong 'yon.

Ang dami nang nangyari at ang layo na nang narating ng lahat. Ngayong nasa Polaris na sina Kuya Jasper, parang bumalik 'yong dating saya namin sa paggawa ng musika. Katulad lang noong una kaming gumawa. Ang daming kulitan, asaran at tawanan namin. Hehehe... Nandidito na kaming lahat... si Skye na lang ang kulang.

Hindi ko sinasadyang napasandal sa balikat ni Hunster na ngayo'y nabigla nang malamang nasa tabi niya pala ako.

"Pwedeng ganito muna tayo kahit saglit lang, Hunster?" bulong ko rito at hindi na lang ako pinansin nito't ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang ginagawa.

Inaamin kong nanghihinaan ako ng loob sa mga nangyayari sa amin ni Skye. Ano kaya kung tularan ko na rin si Ms. Rin at ipasabahala ko na lang rin ang lahat sa tadhana? Pero hindi ba, ginawa ko na rin 'yan in the past two years? Hinintay ko lang na ibalik siya ng tadhana sa akin pero wala rin namang nangyari. Napapapagod na ba ako? A tear escaped my eyes when I thought of this.

Anong gagawin ko once magtagpo na kaming muli ni Skye? Nagkatagpo nga kami dati di ba? Wala akong nagawa kung hindi tumunganga lang doon at hayaang sumama siya sa iba. Tama nga si Hunster, napakaduwag ko talaga.

"Umiiyak ka na naman ba?" narinig kong sabi ni Hunster.

Bigla akong napatayo sa sinabi niya't tumalikod pagkatapos ay pinahiran ang luha sa aking pisngi.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now