Kabanata 94

314 8 0
                                    

Luha

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Skye bago ito napalitan ng madilim na aura habang ako nama'y tila nabato sa aking kinatatayuan.

Pansin agad ang mga bulung-bulungan ng mga tao.

"Sino ba talaga sa kanilang dalawa?"

"Haba naman ng hair niya at dalawang hot papalicious pa ang pinagsasabay niya!"

"Pero hindi ba't nababalitang marami rin namang girlfriend si Hunter?"

"So pinaglalaruan lang pala niya si Sora?"

Napakuyom ako ng aking kamay sa narinig. Alam ko po 'yon. Di niyo na kailangan pang ipangalandakan.

"Kawawa naman pala si Skye. Seryoso siya kay Sora pero tino-two lang pala siya nito."

Naniwala naman kayo! Artista 'yan! Best actor pa nga eh! Tss...

Asar kong inalis ang pagkaka-akbay sa akin ni Hunter at saka tinignan nang masama.

"Palabiro ka talaga kahit kailan, Hunter! Doon ka na nga lang sa mga girlfriends mo nang di ako ang 'yong pinagti-tripan!" Nakangisi ko pang sabi habang binibigyan ng emphasis ang mga salita.

Puna ko agad ang pag-igting ng kanyang panga at angbpag-aliwalas naman ng mukha ni Skye.

Now that I can see them clearly, parang opposite ang mga costumes na suot ng mga 'to. Skye's wearing his usual color - white, while Hunter's wearing black. Tila nagtatagisan sila ng tingin habang ang mga tao nama'y di matigil sa pagmasid at pagbulong. Parang weigh in lang nila Paquiao at Mayweather ah! Pare-pareho lang sila. Manggagamit. Sinungaling. Manloloko.

Aalis na sana ako nang biglang hablutin ni Skye ang braso ko. Napalingon naman akong muli sa kanya. Seryoso na ang kanyang kanina'y mapaglarong mata.

"Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi ko sa 'yo noon, Sora?" Ika niya with conviction in his voice.

"Alin doon?" Malamig kong tanong.

Iyon bang Mahal kita, Ami?

O iyon kayang I will love you forever?

O baka naman 'yong Hindi ako makakapayag na magkahiwalay tayo?

Tinitigan niya lang ako nang matagal. His brown eyes looking directly on mine na tila naghahanap ng kasagutan. He held my gaze bago siya muling nagsalita.

"Na... akin ka lang." Mahina man ang pagkakasabi niya pero may diin ang bawat salita like he meant what he said.

Bago pa man ako makasagot, mabilis na akong hinila ni Hunter palayo sa aking kausap at palapit sa kanyang katawan.

"Honey naman... Nagseselos ka na naman eh..." At talagang pinaninindigan nito ang pagiging honey ko raw sa kanya ha?! "Kahit marami sila on the side, alam mo namang ikaw lang pinakamamahal ko, di ba?" Dagdag pa nito bago niya ako niyakap mula sa likod.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Sumabay pa ang pagtindig ng aking mga balahibo. Ano bang pakay nito ngayon?! Akala ko ba walang pakialamanan?!

Hindi ko na lang pinansin ang mga tilian ng mga nakapaligid sa amin. My whole system was focused on how to calm my erratic heart. Agad akong napatingin sa namumulang mukha ni Skye. His eyes were filled with murderous intent. Nagseselos siya? As if! Tss..

Isa pa 'tong kutong lupang 'to! Kung wala lang sanang ibang tao rito, kanina ko pa siya inihagis sa harapan ko't pinagbabali ang mga buto! Natigilan na naman ako when I felt his face nuzzled on my neck at saka napasinghap dito. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Shete!! How could he do this to me in front of everyone?! Anong gusto niyang ipalabas?!

Reaching SkyWhere stories live. Discover now