Kabanata 25

780 37 2
                                    

Wheelchair


"Sora, for what intention did you claim that you are THE Skye Kitagawa's girlfriend?"

"Anong relasyon mo kay Hunter?"

"Papasukin mo na rin ba ang music industry kaya mo dinadawit ang pangalan ni Skye ng Zeus?"

"What do you have to say about Skye's response to your claim?"

Para na akong mabibingi sa dami ng sabay-sabay na nagtatanong sa harapan ko. Idagdag niyo na ang mga nakakasilaw na flashes at ilaw ng mga dala-dala nilang cameras. Buti na lang at nakamaskara ako, hindi ako makikilala ng mga relatives namin. Ano na lang kaya ang sasabihin nila kung malaman nilang ako 'to? Ikakahiya nila ako for sure!

I'm currently in the middle of a info-hungry mediamen at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I'm stuck! Grrr.. iwanan ba naman ako ng Hunster na 'yon dito! Kung hindi ba naman salbahe! Hindi ko talaga ma-gets kung anong takbo ng isip noon. Minsan, parang may PMS at lageng nagsusungit. Minsan naman parang timang na wala sa sarili't lage akong iniiwasan. Tulad noong nangyari kagabi while we were working on our new set of songs. Panay lang siya iwas tingin sa akin o hindi naman kaya nakakalimutan ang mga bagay-bagay habang nasa gitna ng pagtutugtog. Ano kayang problema noon?

Iniling-iling ko ang ulo ko't nabalik na ako sa current situation ko. Panay pa rin ang tutok ng mga mikropono nila sa mukha ko at tila hinihintay ang aking pagsagot.

"Excuse lang po..." sabi ko habang nagpupumilit na makaalis na doon.

"Sora, anong masasabi mo sa mga patuloy na bumabatikos sa Polaris band hindi pa man sila nag-uumpisa?"

"Totoo bang you're living in the same roof as Hunter?"

"Is it true that you're living in an old building right now?"

"Saan ka ba ipinanganak?"

"Sora ba talaga ang tunay mong pangalan o screen name mo lang 'yon?"

"Sora, bakit hindi mo pa rin tinatanggal hanggang ngayon ang 'yong maskara?"

Pagpupumilit pa rin nila at hindi na naman ako makagalaw. Shit... kelan pa ba ako makakalabas dito? Imi-meet pa naman namin ang manager ng bagong recording company namin. Waah! Kuya Bait, tulong!

"Tatayo ka na lang ba diyan?! Kanina pa kami naghihintay sa loob!" biglang narinig ko ang tinig ni Hunster sa may likuran ko bago hinigit ang aking braso papaalis doon. Pero siyempre, ang dami kong nasaging mga balikat at mga mikropono. Ang sakit sa mukha ah! Bwesit talaga 'tong Hunster na 'to. Hindi gentle kahit kelan!

"Hunter, girlfriend mo ba si Sora?"

"Bakit hindi ka naging vocalist ng Reload dati? Bakit ngayon mo lang naisipang maging vocalist?"

"Tatapatan mo ba si Skye ng Zeus?"

Ano raw? Tatapatan niya ang Skye ko?! Che! Malayong mangyari 'yon! Ang layu-layo ng agwat nila!

Biglang tumigil si Hunster sa harap ko nang walang pasabi kaya ang ending sumubsub ang mukha ko sa likod niya.

"Aray! Bakit ka naman biglang huminto?" angal ko sa kanya na ngayo'y nakaharap na sa mga nagtatanong sa kanya.

"Firstly," narinig kong panimulang sabi nito sabay turo naman sa akin, "Wala akong gi-girlfreneng nakamaskara," sabi nito. Wow ha! As if may magkakagusto talaga sa kanya. Ugali pa lang.. ewan na.

"Secondly, Reload and Polaris are two different bands so don't compare them," sabi pa nito with strong conviction in his voice, "And lastly, " sabi pa niya at patuloy ang pagfa-flash ng mga cameras sa amin, "Hindi ko tatapatan si Skye," narinig naming sabi nito. Buti't alam niya! Hahahahaha.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon