Kabanata 120

274 5 0
                                    

Chance


"Well, what do we have here?" Sabi ng kaagad na naghalukipkip na Darla habang hindi naman inaalis ni Hunter ang kanyang paningin sa amin.

Mabilis ko namang inalis ang pagkakayakap ni Skye sa akin para lapitan ang nakatanaw lang na kasintahan.

"Hunter, nandito ka. Pupuntahan na sana-" I was about to say nang bigla akong nilagpasan nito.

I felt my heart crash on the floor.

"Kinakausap ka pa ni Ami, huwag kang bastos!" Napalingon ako when I heard Skye's voice.

Kita ko kung papaano mariing hinawakan nito ang braso ni Hunter at kung papaano naman tingnan nang masama ang ni Hunter si Skye.

"Why don't you let go of me and just continue where you two left off before we came and disturbed you?" He coldly said bago marahas na binawi ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Skye at muling nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod sa kanya si Darla.

Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan kung papaano ikinawit ni Darla ang kanyang kamay sa braso ng Hunster ko. Inipon ko ang lahat ng lakas ko to stop myself from crying and decided to run after them nang pigilan ako ni Skye.

"You don't have to run after him, Ami. As he is now, he won't listen to anything you'll say. Masasaktan ka lang." He said nang punung-puno ng magkahalong pag-aalala at pag-aalinlangang pakawalan ako.

"Kahit anong gawin ko, Skye, masasaktan at masasaktan niya talaga ako kasi mahal ko siya. This time, hindi ko hahayaang masaktan ang sarili ko kahihintay na bumalik siya sa akin. I will fight for him. Masasaktan rin naman ako, at least nasaktan ako knowing I did all I can to make him stay." I answered back while giving him the most painful smile I could ever muster at this time.

He slowly let my arm go. At pagkatapos ay itinago niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa.

"I understand, Ami." He sadly said while giving me that sad smile of his, "I will let you go, this time. Pero." He paused.

His brown eyes were full of determination and conviction.

"Hindi ako susuko. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na magising ka't maunawaan mong nasa piling ko pa rin ang langit mo, na ako pa rin ang awiting inaawit ng puso mo. Maghihintay ako, Ami. Kagaya ng paghihintay mo sa akin. Hihintayin ko rin ang iyong pagbabalik." He said before touching my cheeks one last time bago siya tumalikod at umalis palayo.

When I get to the studio's door and was about to turn the knob, siya namang pagbukas nito. Isang nagulantang na Hunter ang sumalubong sa akin. Pero panandalian lang iyon sapagkat napalitan kaagad ito ng malamig niyang mga titig.

"Hunter, what are you stopping for- Oh, I see." Sabi naman ng kalalabas lang na Darla. "Here's the two-timing b*tch, ladies and gentlemen." Dagdag pa nito habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa and back again.

Hindi ko na lang siya pinansin kahit nanggigigil na akong ibalibag siya sa sahig at itinuon ko na lang ang aking pansin sa binata.

"Hunter, pwede ba tayong mag-usap?" I asked habang nakatitig sa malalamig nitong mga mata.

"Nag-usap na tayo dati, hindi ba?" He coldly replied and I've heard Darla snickered the humor.

"Tatlong araw na, Hunter, hindi ka pa ba tapos mag-isip? Miss na miss na kita. Bati na tayo, please?" Sagot ko naman habang pinipilit kong huwag pansinin ang presence ni Darla doon.

His green eyes were looking at my black orbs like he was measuring the sincerity of my words. Sa totoo lang, I've never been this nervous all my life. Pakiramdam ko naglalakad ako ngayon sa isang manipis na alambre. One false move and it's all over.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now