Kabanata 127

564 25 11
                                    

#Zeus: Thank you for staying.

Ungrateful




** Hunter's POV **

"Excuse me lang, Sir. Sino po sila at kaanu-ano niyo po ang pasyente?" Tanong sa akin ng isang pulis na nakabantay sa harap ng silid. Bago pa ako makasagot ay bigla lang itong sinapak ng kasama niya.

"Engot. Hindi mo ba nakikilala 'yan? Siya si Hunter, isa rin iyang showbiz personality." Narinig kong ibinulong nito sa kasamang pumigil sa akin. "Kita mo ngang sa fire exit dumaan para walang ibang makapansin? Hindi ka talaga nag-iisip." Dagdag pa nito bago humarap sa akin ng nakangiti."Pasensiya na po dito sa kasama ko. Wala po kasi silang telebisyon sa kanila kaya hindi ka niya agad nakilala." Sabi nito na tinanguhan ko lang.

"Sige po, tuloy na po kayo." Dagdag pa niya matapos umusog para bigyan ako ng madaraanan.

"Thanks." Mahinang usal ko matapos kong ayusin ang suot kong hoodie.

I was about to turn the knob when I heard voices inside. Dahan-dahan ko 'yong binuksan at unti-unti namang inilahad sa akin sina Skye at Ami na magkayakap. May kung anong tumusok sa puso ko seeing my girlfriend tightly embracing somebody else. Hinahagod niya ang likod nito at tila tinatahan ang tila umiiyak na Skye.

Ilang sandali pa ay narinig ko siyang nagha-hum ng isang himig na hindi pamilyar sa akin.

NP: Himig ng Pag-ibig by Asin

At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
Luha ng pag-ibig kay sarap haplusin
Tulad ng tubig sa batis hinahagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin

Napakuyom ako ng aking kamay when I heard her lyrics. Just as I suspected, masyadong malaki ang existence ni Skye sa puso ni Ami para palitan ko. I am never enough.

Hindi ko na kinaya kaya minabuti ko na lang na isara ang pinto at tumalikod na. I calmed myself bago ko hinarap ang mga pulis na nagtataka kung bakit hindi ako tumuloy sa loob.

"I forgot to bring something for the patient. Nakakahiya namang pumasok ng walang dala. I'll be back." Sabi ko na lang sa kanila habang nakangiti.

Nakangiti rin silang nagsitanguhan sa akin nang biglang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

Sa pag-aakala kong isang fan na namukhaan ako ay kaagad kong tinungo ang pintuan ng fire exit at nagmadaling bumaba patungong basement parking.

"Hello?" Narinig kong bati ng kabilang linya.

"I'm in." I told him as I made a turn on the corner.

"Seryoso? Sige, sige... I'll make the necessary preparations!" The owner of the voice seemed excited with my decision.

I've been putting this decision on hold kasi mahalaga sa akin ang magiging opinion ni Ami. But now that she's out of the picture... out of my life... it doesn't matter anymore.

"I'll sign the papers when I get back." I coldly replied.

"When you get back? Teka, saan ka pupunta?" Tanong ng kabilang linya.

"Doesn't matter." Malamig kong sagot bago ko walang pasabing binaba ang tawag.

Sa dinami-daming ba naman ng sakit na naramdaman ko kaiibig sa isang babaeng nakatali na ang puso sa ibang lalaki, tila namanhid na ang damdamin ko.

Muli kong tinipa ang numero ni Darla. Unang ring pa lang ay sinagot na niya ito.

"Hunter? Why are you still awake at this hour? How was your night with Ami? Perfect, I presume?" Sunud-sunod na tanong nito at napahigpit ang hawak ko sa aking manobela when I heard her last questions.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now