Kabanata 1

1.7K 44 4
                                    

Ang Simula

Ang haba ng pila! Ang init-init! Ang dami-daming tao! Kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi 'yan sa aking sarili parang mantra na siya sa pandinig ko. Whoo! Grabe naman talaga eh, limang oras na akong nakatayo rito simula kaninang umaga, parang hindi ata nauubusan ng tao dito eh. Nasa labas kami ng Metrodome ngayon at inaabangan ang pagbukas ng gates para sa concert ng Zeus, sa concert ng mahal kong Skye.

"Matagal pa ba?" narinig kong tanong sa akin ng isang babaeng nagpapaypay ng sarili.

"Mga kalahating oras pa daw," sagot ko dito habang sinisilip kung may tao na ba sa may reception ng gate. Nasa gitnang parte ata kami sa pila ng pagkarami-raming fans na nandidito. Marami sa kanila ay nakaupo na lang sa gilid ng daan at may mga baong banners at pamaypay na may mga larawan ng band members ng Zeus. At siyempre naman, prominent ang mga posters at larawan ng aking Skye. Hindi ko na ikinabibigla 'yon. It's bound to happen. Proud na proud talaga tong lola niyo. Hahaha.

Actually, first time ko rito sa Metrocity. First time ko ring manuod ng live concert sa isang napakalaking concert hall. Mag-isa pa ako ngayon dito. Hindi nakasama si Elay kasi hindi siya pinayagan ng tatay niya. Masyado daw maluho ang pagpunta dito. Hindi ko naman siya masisisi, ako nga magkahalong pawis, luha at dugo ang binuwis ko para lang makapag-ipon ng gagastuhin papunta ko rito. Wala na akong mga magulang. Tiyuhin ko lang ang nagpalaki sa akin at ang sabi pagkanaka-graduate na akong ng senior high, ako na daw ang magdedesisyon sa buhay ko. Kung mag-aaral man daw ako ng bachelor's degree, susuportahan pa rin daw niya ako. Sabi ko na lang sa kanya na magpapahinga muna ako ng isang taon tutal wala pa rin naman akong maisip na kursong kukunin kung saka-sakali.

Bigla-bigla, narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Napalingon ako sa direksyon ng kanilang tinitilian. Hindi ko makita kasi ang dami-dami nilang nakaharang pero sigurado akong dumating na ang kanina pa naming inaabangan - ang buong members ng Zeus - sina Skye! Pinilit ko ang aking sariling makapasok sa napakasikip na mga nagbubungguang katawan ng mga naghihiyawang mga fans.

"Zoey!!!"

"Rain!!!"

Panay hiyawan ng mga tao. Hindi ko pa rin makita kung ano ang tinitilian nila. Nandiyan na ba talaga sila? Si Skye nasaan? Naisip ko habang pilit ko pa ring tinutungo ang unahan.

"Wolf!!!"

"Amber!!!"

Tilian pa rin nila hanggang sa naabot ko na ang front lines at bumungad sa akin ang isang black van na may nakatatak na Zeus sa body nito. Sandali lang ito pero parang nakita ang anino ng lalaking halos labingwalong taon ko nang iniibig.

"Skye!!!!" malakas na sigaw ko rito ngunit parang nalunod lang ang sigaw ko sa hiyawan ng mga taong nakapalibot sa akin. Napatingin na lamang ako sa sasakyang pumapasok na sa parking area ng dome. Patience, Ami. Mamaya, I know, mamaya magkikita na rin kayong muli. Ang naisip ko na lang bago ko tinungong muli ang mga naiwanan kong gamit.

Pagdating ko doon, mayroon ng ibang nakapila at nawawala na rin ang gamit ko pati na rin 'yong taong nagtanong sa akin kani-kanina lang! Ohemgee!!!

"Ate, nakita mo ba 'yong mga bag ko dito?" natataranta kong tanong dito.

"Wala akong nakita," pabalang na sagot nito habang pinapaypayan ang sarili.

"Eh, 'yong babae kanina na nakatayo rito? 'Yong nakasumbrero na itim?" tanong ko rito, nagpapanic na ako. Nandodoon pa naman ang lahat ng gamit ko pati pera kong pang-uwi! No!!!

"Sinabi nang wala, eh!" masungit na sagot ng babae, "Pwede ba nakapila na kami dito. Kung gusto mong sumiksik, gumawa ka naman ng storyang kapanipaniwala!" pagalit na sabi nito.

"Nakapila naman ako rito ah! Mas nauna pa nga ako sa'yo, eh, tapos sasabihin mong wala kang nakita?" galit na akong sumagot rito. Nakakaasar na eh! Naha-highblood na ako sa Ate na 'to ah!

"Ows? Talaga? Nasaan nang ticket mo? Bakit parang wala kang dala?" mataray pang tanong nito.

Aba, hinahamon talaga ako nito ah! Maipakita ko nga ang VIP ticket ko't maisampal ko 'yon sa pagmumukha nito. Akala niya! Kinapa ko ang mga bulsa ng pantalon ko - wala. Kinapa ko naman ang mga bulsa ng jacket ko - wala pa rin. And then bigla kong naalala, nilagay ko nga pala 'yon sa loob ng pitaka ko na nasa loob ng backpack ko na nawawala ngayon. Oh no, hindi 'to maaari!!!

"Miss, hindi niyo po ba talaga nakita 'yong bag ko?" nagmamakaawa na ako sa mataray na babae na 'to.

"Sinabi ng wala eh! Ano ba?! Umalis ka na nga kung wala ka namang ticket!" sabi pa nito sa akin at ipinagtulakan pa ako ng salbahe. Kung hindi lang ako makapagpigil eh, naku!!!

"Kung sakaling makita niyo 'yong babaeng sinasabi ko, pakisabi na lang po, pinapatawad ko siya," sabi ko rito, "Kayo rin po, pinapatawad ko na rin kayo," sabi ko rito, "Kahit anong tiling gawin niyo, hinding-hindi pa rin magiging inyo ang Skye ko! Bwahahaha!" dagdag ko pa bago tumaripas na nang takbo palayo sa mga galit ng fans. Kakaasar na kasi eh!

"Baliw!!" narinig ko pang sabi nila. Che! Kapag kami nagkita na ni Skye, isusumbong ko kayo. Hmph!

Skye... paano na 'to? Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala na akong magagawa. Wala na akong ibang maisip. Wala akong pera. Wala akong kakilala rito... si Skye lang. Pero paano kami magkikita kung wala na akong ticket? Aaaaaaaaaaah.. maiiyak na ako nito!

Napaupo na lang ako sa may gilid ng kung saan daan akong ipinadpad ng aking mga paa. Gutom pa naman ako. Kaninang umaga pa akong walang kain sa sobrang excitement tapos ganito lang pala ang mangyayari sa akin. Nakakapanghina nang sobra. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Skye!!! Umiiyak na ako dito sa kinauupuan ko nang biglang may narinig akong sigaw na napalingon sa akin.

"Tabi!!!" narinig kong sigaw ng isang tumatakbong lalaking nakasuot ng baseball cap at may sunglasses.

Lintik, magnanakaw pa ata 'to ah! Bad mood ako ngayon at e-epal pa 'tong kawatan na 'to? Aba'y you're messing with the wrong girl, mister. Tumayo ako't bago pa ako mabangga ng kawatang ito ay hinila ko ang kanyang kanang kamay at ibinalibag sa kalye ang buo niyang katawan.

"Araaaaaaaay!" narinig kong pag-aray nito, "What the hell are you doing?!" narinig ko pang sabi nito.

"Me pa-englis-englis ka pang magnanakaw ka?! Hoy, kahit probinsyana ako, hinding-hindi mo ako masisindak! Ke-lalaki mong tao, hindi ka marunong maghanap ng matinong trabaho't nagnanakaw ka ng pinagpaguran ng iba?!" galit kong sigaw dito hindi ko pa rin maialis sa aking isipan ang nanakaw kong bag kung saan nandoon ang ticket ko para makita si Skye.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Ang sakit-sakit na!" pagpupumiglas pa nito. Sorry siya, black belter ako sa Judo kaya hinding-hindi niya ako matatalo. Mas hinigpitan ko pa ang pag-ipit sa kanya sa kalsada.

"Araay! Ano ba?! Hindi ako magnanakaw! Siraulo ka ba?!" patuloy pa rin nitong pagpupumiglas.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?!" sagot ko naman dito.

"Pagnakawala ako rito, humanda ka sa akin?!" pananakot pa nito sa akin.

"Hindi ako natatakot sa isang kawatan," sagot ko rito. Akala niya siguro matatakot niya ako.

Ako si Ami Rivera, ang kinatatakutan ng buong bayan namin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now