Kabanata 76

298 7 0
                                    


Selos


Nang namatay na ang ilaw, saka lang namin napagtantong sina Rin at Uno pala ang nasa harapan at pababa ng sakay nilang mga ninja bikes. Wow! Astig talaga ng dalawang 'to! Pansin ko agad ang pagdiin ng hawak ni Skye sa kanyang manibela habang nakatingin sa dalawa. Shets! Talk about perfect timing!

"Sora? Skye?" Narinig kong tawag ni Rin sa amin.

Napasinghap muna ng hangin ang aking katabi bago pinatay ang engine at lumabas sa kanyang sasakyan. Nakita kong dumungo siya kina Rin bago tinungo ang side ko't pinagbuksan ako ng pinto. Agad naman akong lumabas at walang imik na inabot sa kanya ang kanyang jacket. My gulay, nakita kaya nila 'yong muntikan niyang paghalik sa akin?! Waaaaah....

"Alis na ako, Sora. Magte-text na lang ako sa 'yo mamaya." Nakangiting sabi ni Skye na may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata.

Nasasaktan ba siyang makita na magkasama sina Rin at Uno. Aray. Sumikip na naman ang dibdib ko sa thought na 'yon. Tumango na lang ako dahil bumabara na naman ang lalamunan ko't di ako makapagsalita.

Papunta na sana siya sa driver's side ng kanyang sports car nang bigla siyang hatakin by the neck ni Uno na sumalubong sa kanya.

"Where do you think you're going, lover boy?" Nakangis nitong sabi.

Lover boy pa talaga ang tawag niya kay Skye.

"Paalis. I still have things to do." Sagot naman ni Skye habang pilit na inaalis ang braso ni Uno sa kanyang leeg.

"Tutal nandito ka naman rin lang, why don't you join us for a bit?" Nakangising anyaya ni Rin habang nakaipit sa kanyang maliit na baywang ang kanyang helmet.

I saw hesitation on his eyes habang matamang nakatingin kay Rin at pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang tingin sa akin. Ghad, does he still like her? Mas lalo pang sumisikip ang dibdib ko sa aking nakikita.

"I'm really sorry. May tour kami starting tomorrow and I still have things to pack up." Ang tanging sagot nito matapos makawala sa pagkakahawak ni Uno na siya namang tinignan niya nang masama.

"Para namang wala kang PA para magpack-up ng mga gamit mo. Don't be such a killjoy and let's just have fun! Marami ka pang ikukwento sa akin, kohai." Sabi ni Uno sa kanya bago ipinulupot muli ang kanyang braso sa leeg ni Skye at sapilitang dinala patungo sa loob ng hotel.

"Wai--" hindi na nakapalag si Skye habang kinakaladkad siya nang mas malakas na binata.

"Are you okay, Ami?" Bulong ni Rin sa akin nang makalayo na sila.

"O-oo. Ayos lang ako." Tipid ko siyang sinagot.

Di pa rin maalis sa isipan kong baka nga si Rin talaga ang gusto ni Skye ngayon and I just happen to be there and became his fallout guy. Parang dumoble ang sakit na naramdaman ko. Feeling ko I'm never gonna be enough para sa kanya.

"If you say so." May pag-aalinlangang sabi ni Rin habang nakatitig sa anyo ko.

"Come. I've brought you change of clothes for the party." Sabi niya na lang bago kunin ang kamay ko't hilahin papasok sa loob ng hotel even though I really want to go home right now at isubsub ang mukha ko sa aking kama't walang tigil na umiyak.

I just want to get rid of this heavy feeling right now. Kanina pa kasi 'to. Konti na lang at sasabog na 'tong nararamdaman ko. Konti na lang talaga at magwawala na ang nilalang na nagngangalang Ami.

** Hunter's POV **

F*ck! Anong oras na wala pa rin si Ami? Saan ba  siya dinala noong g*gong 'yon? Kapag nalaman kong may ginawa siyang masama sa kanya, papatusin ko 'yon kahit sa harap pa ng kanyang mga fans. T*rantado siya! Nakuha niya pang sabihing iwasan ko si Ami? Sino siya para sabihin 'yon? Siya nga 'tong nakalimutang may kasintahan pa palang naghihintay sa kanya ngayon sasabihin niyang girlfriend niya si Sora?! Kahit sabihin man nating iisang tao lamang si Sora at Ami, that's still cheating in a different sense! Hindi niya ba alam na habang minamahal niya si Sora sy dinudurog naman niya ang puso ni Ami?! Eto namang masokistang Ami, sama pa rin ng sama kahit alam niyang masasaktan lang siya. Tss... Pati ako g*go rin. Alam ko namang masasaktan sa ako sa pagsunod ko kay Ami, sunod pa rin ako ng sunod. Walang hiyang buhay 'to, oo.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now