Kabanata 73

303 9 0
                                    

20 Feet High

** Hunter's POV **

Nakasakay kami ngayon ni Ami sa loob ng cable car ng skyranch. Sa wakas at nasolo ko na rin siya, salamat na lang kay Darla. Ewan ko ba kung anong trip noong babaeng 'yon at masyado siyang madikit ngayon. Kahapon pa siya dikit ng dikit sa akin, nakakaasar na. Pero hindi ko naman siya sinasaway kahit na kahapon pa akong kating-kati na sumbatan siya dahil sa tuwing ginagawa niya 'yon, natutuwa akong nakikita ang pagkaasar sa mga titig ni Ami sa amin. Doesn't that mean na naaapektuhan siya 'pag ibang babae ang pinapansin ko't hinahayaan kong lambingin ako? Di ba selos ang tawag doon? Bakit ba nagseselos ang isang tao? Hahayaan ko ba ang sarili kong maniwalang sa wakas ay may nararamdaman din 'tong manhid na babaeng 'to?

"Tingnan mo, Hunster! 'Di ba 'yon 'yong building nila Therese?" Parang batang nakangising tinuturo nito ang isang mataas na gusali sa malayo na tila laruan mula dito sa aming kinauupuan.

"Paano mo naman nasabing building 'yon nila Therese e hindi naman kita dito?" Simpleng sagot ko lang habang nakahalukipkip dito sa harap niya.

"KJ mo naman! Sumakay ka na lang kasi." Sabi nito bago nag-pout ng labi niya.

Sige, mag-pout ka pa, hahalikan kita dito nang wala sa oras! Nginitian ko na lang siya habang patuloy siya sa kanyang pagkamangha. Para talagang bata.

Kanina pa hindi maiwala sa mukha ni Ami ang pagkatuwa sa mga nakikitang sights. Maganda naman kasi talaga ang view dito sa itaas. Kitang-kita mo ang buong siyudad. Pero ibang view ang kanina ko pa pinagmamasdan na sure akong mas maganda pa sa nakapaligid sa amin.

"Kumusta na pala ang kamay mo?" Narinig kong tanong niya't napansin ko ang pagtitig niya sa nakabendahe ko pa ring kamay.

Agad ko naman 'yong inalis at inilagay sa may hita ko.

"Wag mo na lang isipin 'to. Malayo sa bituka." Sagot ko na lang.

Sa totoo lang ay namamaga pa rin 'to. Ano ba naman kasing alam ko sa mga ganito? Ayoko rin namang pumunta sa ospital para lang ipagamot ang isang napakaliit na sugat na 'to. Sagabal nga lang siya sa tuwing susubukan kong tumugtog ng gitara.

"Tss..." Narinig kong nasambit ng kaharap at nanlaki na lang ang aking mga mata nang walang sabing higitin niya ang aking kamay at mabilis na tinanggal ang bendahe.

"Sinasabi ko na nga ba. Gusto mo bang putulin na lang 'tong kamay mo?!" May galit na sumbat nito habang ipinapakita sa akin ang namamagang sugat.

Hindi ako nakapagsalita sa ipinakita niyang reaksyon. Kahit galit ang kanyang tono ay kitang-kita naman ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga mukha. Di ko kinayang tignan siya't baka di ko mapigilan ang sarili kong halikan siya kaya nagbaba na lang ako ng tingin.

"Paano ka na tutugtog ng paborito mong lead nito kung di pa 'to gagaling?" Naramdaman ko ang marahang paghimas niya sa aking kamay na siyang nagpatingala sa akin.

Kitang kita ang kanyang pag-aalala habang tila nalulumbay na hinihimas ang namamaga kong palad. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang ginagawa niya 'yon. Pwede ba akong mag-expect na pwede kami sa hinaharap? Pwede ba akong umasa na posibleng mahalin niya rin ako? Hindi ko na napigilan ang paghawak ko nang mariin sa humihimas niyang kamay. Nakita ko ang agad na pagkabahala sa kanyang unti-unting namumulang mukha. Pero kahit ganoon pa man, hindi niya binawi ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.

"Ami..." Halos pabulong kong sambit.

"A.. Um, Hunster, buti't naisipan mong bumili ng bagong sasakyan. Ang astig pa!" Sabi nito sabay iwas ng tingin habang unti-unting binabawi ang kanyang kamay mula sa akin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now