Kabanata 70

334 8 0
                                    

Huli

** Ami's POV **

Ugh... Aray! Ang sakit ng ulo ko. Ugh... Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata't agad na nasilaw sa ilaw ng umaga. Nasaan ba ako? Napalingon ako sa aking paligid at doon ko lang napagtantong nasa sariling kwarto na pala ako. Nakapajama. Nakahabol. Pero sobrang sakit ng aking ulo.

Ano bang nangyari kagabi? Last time I remember, nasa club kami nina Barbie Doll. Tapos tumikim ako ng hard drinks. Tapos biglang dumating si Hunster. Tapos naglandian silang dalawa ni Barbie Doll habang sumasayaw. Tapos uminom ule ako ng hard drink. Tapos inom ule. Inom na naman. Inom pa rin. Naghalikan ang dalawa. Inom pa rin. Tumayo ako para mag-CR. Tapos... Tapos biglang blackout. Anong kasunod noon?

Napatingin ako sa aking sarili. Malinis. Inamoy ko naman ang katawan ko. Mabango. Papaanong nangyari 'to? Inuwi ba ako nina Kuya Bait? Pinalitan ba ako ng damit ni Barbie Doll? Bakit wala na akong maalala maliban doon sa nangyari sa club? Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may kumatok sa aking pinto. Bago pa ako nakatayo upang pagbuksan ang kumakatok, bumukas na ito't nanlaki ang mga mata ko nang bumungad mula sa likuran nito si Hunster.

"Gising ka na pala." Pasimple nitong sabi habang lumalapit sa akin.

Bahagya akong napaatras nang nakarating na siya sa aking tabi. Anong nangyayari? Kinakausap na niya ako?

"Here. Drink this nang mawala na 'yang hang over mo." Sabi nito sabay abot ang isang tablet at isang basong tubig.

Napatitig lang ako sa hawak niya't tila dini-distinguish ba kung gising na ba talaga ako o nananaginip pa rin.

"Kunin mo na't nangangalay na 'tong kamay ko." Sabi pa nito at agad ko namang kinuha ang mga ito mula sa kanyang kamay nang hindi inaalis ang aking paningin sa kanyang gwapong mukha habang iniinom ang gamot at tubig na kanyang ibinigay.

Then I saw him smirk at me. The same smirk that says alam kong gwapo ako kaya wag mo akong masyadong tinititigan diyan. Masanay ka na lang! Si Hunster nga!

Bahagya akong napatalon nang umupo siya sa tabi ko. Shemay! Dumadagondong na naman sa kaba ang dibdib ko.

"'Yong... " Bahagya na naman akong napatalon nang magsalita siya.

Parang ang lapit-lapit niya sa tainga ko ngayon gayong hindi naman talaga.

"'Yong kagabi?" Narinig kong sabi niya na tila nahihirapan siyang magsabi.

Wait. Kagabi?! Don't tell me siya ang naglinis sa akin?!

"'Yong sa club? With Darla?" Tila hirap-hirap nitong sabi.

Sa club? Darla? Ahh... 'Yong sa dance floor. Bigla kong naalala 'yong lampungan at halikan nila. Ugh... Sumisikip na naman ang aking dibdib.

"That was--" hindi ko na siya pinatapos.

Ayaw ko ng pag-usapan 'yon. Ayaw ko ng maalala.

"Ha? Ang alin? Bakit? May ginawa ba akong kabaliwan kagabi sa club?" Napakamot kuno ako sa aking batok at nagkukunwaring walang nakita.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng aking katabi.

"Pasensiya na. Naparami kasi ako ng nainom. Masarap pala ang hard drinks, ano? Ahaha..." Pagsisinungaling ko.

Eww.. Naalala ko pa kung gaano kapait at katapang ang lasa ng aking mga nainom. I will never drink those again. Mag-a-iced tea na lang talaga ako next time.

"Ganoon ba? Wala ka ba talagang naalala sa nangyari kagabi?" Narinig kong tanong ng aking katabi sabay titig niya nang malamig sa akin.

"A--um... Wala e." Pagsisinungaling ko na naman.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now