Kabanata 53

327 8 0
                                    

Rival

Nasa kwarto na kami ni Ms. Rin. Nakahiga lang ako sa kama habang hinihintay kong matapos siyang maligo. Hoy! Hindi kami mga tomboy ni Ms. Rin ah! Matutulog lang talaga kami. Kapag natutulog sa iisang kwarto ang mga babae, siguradong walang tulugan 'yon! Dahil mauubos ang oras nila kauusap nang kung anu-ano, lalo na't love life ang pag-uusapan. OA lang talaga ako paminsan-minsan.

Nang matapos na siya at nakalabas na ng bathroom in her pajamas ay tinabihan na niya ako ng higa.

"Anong tinitingin mo diyan?" tanong niya sa akin habang nakadungaw naman ako sa glass na kesami namin.

"Ang ganda-ganda naman ng view dito, Ms. Rin. Kitang-kita mo ang buong kalawakan!" sagot ko sa kanya habang ina-admire ko ang ganda ng mga bituin sa madilim na kalangitan, "Nakikita rin kaya nila tayo mula sa labas?" tanong ko without looking away.

"Sa pagkakaalam ko, one-way mirror ata 'yang kisame," as a matter of fact na sagot ni Ms. Rin habang nakatuon rin ang kanyang paningin sa langit.

Tahimik lang naming pinagmamasdan ang kagandahan ng gabi habang nakahiga sa kama.

"Si Skye ba 'yong sinasabi mong lost love?" para akong nabilaukan nang marinig bigla ang sinabi ni Ms. Rin.

"Um... ano kasi," hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya.

"Ano ka ba? Oo o hindi lang naman ang sagot mo sa tanong ko," natatawang sabi niya sabay tapik sa aking balikat, "Siya 'yon, di ba?" tanong niyang muli at wala na akong nagawa kundi ang tumango sa kanya.

Naramdaman kong umiinit na naman ang aking mga pisngi. Parang batang kinikilig si Ms. Rin sa naging reaksyon ko.

"Magkuwento ka!" sabi pa niya habang itinagilid niya ang kanyang katawan upang makatingin sa akin.

Wala na talaga akong lusot nito. Sorry Kuya Bait kung hindi ko man natupad ang ipinangako ko sa inyo. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinimulang magkwento sa kanya. Mula sa unang pagkikita namin ni Skye hanggang sa muli naming pagkikita na ako bilang si Sora.

Parang kinikiliti si Ms. Rin sa kilig habang kinukwento ko sa kanya ang nakaraan namin ni Skye. At nang dumating na sa point na nawalan na siya ng communication sa akin ay bigla naman siyang naging seryoso.

"Kaya 'yon. Nandidito ako ngayon kasi gusto kong magkasama na kaming muli at maibalik namin ang dati naming pagmamahalan," ang huli kong sabi sa kanya na ngayo'y nakaupo na't nakatingin lang sa akin.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"I don't want to judge your decisions kasi buhay mo naman 'yan. Kaw ang may alam kung anong mas nakakabuti para sa 'yo. Pero, Ami, bakit kailangan mo pang humantong sa pagtatago?" natigilan ako sa sabi ni Ms. Rin.

Pagtatago? Ako? Pinagtataguan ko si Skye? Di ba siya pa nga 'yong tila nagtatago sa akin? For the past two years, hindi man lang niya ako tinawagan upang kumustahin man lang sana. Tapos ako lang 'tong nagtatago?

"Hindi ko maintindihan, Ms. Rin," ang sabi ko na lang nang makaupo na rin ako nang maayos.

"Ito!" sagot naman niya habang ipinapakita ang maskara ko, "You've hidden yourself behind this mask. Para saan? Nasa harap mo na hindi mo pa ring magawang magpakilala sa kanya? Why don't you strip this off and tell him honestly, 'hoy, lalaking shunga! ako 'to! 'yong babaeng iniwanan mo na lang at nagpapakatangang naghihintay sa 'yo hanggang ngayon!'" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ms. Rin.

Kailan pa siyang natutong magsalita nang ganyan?

"I mean, if I saw my lost love, I'd probably kick him in his front pagkatapos kong sabihin 'yong mga lines na 'yon," sabi pa niya.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now