Kabanata 96

550 24 2
                                    

Crocodile Tears

Nasa may gilid kami ng stage at pinagtititigan kami ng mga tao. Sino naman kasing hindi lilingon kung may bigla-biglang papasok na isang grupong naka-maskara? Hindi ko na lang pinansin ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid at itinuon ang aking paningin sa gitna ng stage kung saan nakatayo sina Hunter for their number.

"Dito muna tayo while we wait for Polaris to finish." Paliwanag ni Rin sa amin habang pinapaupo kami sa mga nakalaang upuan.

Tahimik lang na sumunod ang mga lalaking nakamaskara sa likod ko.

"How's your relationship with your old band?" Bulong sa akin ni Uno.

Nakakakilig talaga ang tila paos niyang boses. Pero siyempre kay Rin na siya. Hindi ba pwedeng kiligin sa taong may girlfriend na? Idol ko naman siya dati pa ah!

Napatikhim ako to clear my evil thoughts.

"O-okay lang, I think." May pag-aalinlangan kong sagot habang nakatingin kung saan nakatayo ang aking mga kababata.

"Hindi ka naman pinagsasalitaan nang masama ng babaeng 'yon?" Usisa pa nito habang nginunguso si Darla at the opposite side.

Napatingin lang ako saglit sa dalaga at nakalinya ang labing umiiling.

"Iniintindi ko na lang siya. Hindi rin naman kasi madali ang napagdaanan niya." Sagot ko kay Numero Uno na napatango sa sinabi ko.

"Totoong hindi madali ang nangyari sa kanya. However, tandaan mo, Ami, that doesn't warrant her any right na ipunas sa 'yo ang lahat ng kamalasan sa buhay niya." Sabi nito.

Nakangiti akong tinanguhan siya. He, then, patted my head before returning to Rin's side. Despite sa laki ng gulong dinala ko sa music industry, laking pasalamat ko dahil nakilala ko ang mga taong kagaya nila Uno at Rin na naniniwala sa akin.

Who would have thought na magiging kaibigan ko pa ang mga members ng isang bandang tinitingala ng lahat? Bonus na iyong nakasama ko sila sa pagbuo ng album ko. Doon ko nadiskubre kong gaano ka-tight ang friendship nila. Kilala na nila ang bawat isa. Sinusuportahan nila kung anumang kakulangan ang meron sa bawat isa.

Ganoon rin naman kami dati kahit noong Encore pa hanggang sa Polaris. Masayang gumawa ng mga kanta with your friends. Hindi ko naisip na magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat. At ako ang may kasalanan noon.

Muli kong ipinako ang aking paningin aa gitna ng stage kung saan isang pares ng berdeng ,mata ang sumalubong sa akin at tila may pananabik sa kanila. Ngunit, bago ko pa man masiguro kung anong meron doon, binawi agad ito ng may-ari upang harapin ang audience. Tama ba ang basa ko roon o guniguni ko lang 'yon?

Bago pa ako makapag-isip, sinimulan na ni Kuya Calvin ang pagbanat sa kanyang lead guitar. Kaagad namang nabuhayan ang mga tao.

NP: Pangako by Cueshe

Sinasabayan ni Hunter ng pag-indak ang ritmo ng drums ni Kuya Jasper habang nakakapit sa mikropono. Maya-maya ay inilapit na niya anbg kanyang bibig dito.

Napapangiti na lang ako habang sinasabayan ng marahang paghampas sa aking hita ang bawat ritmo ng bago nilang awitin. Hindi maitatanggi ang husay ni Hunter sa paggawa ng musika.

Di ko maiwasang mapatango-tango sa rhythm nito habang nakapikit at dinadama ang bawat liriko ng kanta.

Nakakaenganyo ang mabilisang pagbago ng key. Tila sumasabay ang tibok ng puso ko sa mga dagundong ng drums.

Agad akong napadilat sa intensity ng emotions sa boses ng kumakanta. Sinubukan kong hulihin ang mga titig nito ngunit nakatuon lang ang pansin nito sa audience na hindi magkandamayaw sa kanyang harapan.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon