Kabanata 101

564 29 11
                                    

A/N: Thank you @BeKindToMe for the encouragement! Pagbubutihin ko pa po ang pagsusulat for readers like you. Enjoy~ :)

Kababata



** Ami's POV **

Katahimikan. Isang nakabibinging katahimikan.

Nasa loob kami ng VIP waiting lounge ng studio ngayon at tila pinakikiramdaman ang isa't isa. Muntik na namang magkagulo sa lobby kanina nang madatnan nina Ivan si Skye na hawak-hawak sa isang kamay ang aking maskara at akma akong lalapitan.

Bigla na lang naging tigre itong si Ivan at bigla na lang niya itong sinuntok sa mukha. Kung hindi pa nga lang sila inawat ni Uno at madatnan 'yon ng mga kabanda ni Skye, malamang magkakarambola na ang dalawang banda at tiyak na pagpipyestahan kami sa news bukas.

Nakaupo ako ngayon sa isang banda ng couch. Nasa likuran ko si Kuya Jasper, nasa gilid ko naman si Kuya Calvin habang nasa harapan ko naman si Ivan at tila tinatago ako from Skye na papalit-palit ng tingin sa amin. Namamaga ang mukha nito at mayroong dugo sa sulok ng kanyang labi.

"Let me talk to her, Ivan." He finally said at awtimatiko namang kumuyom ang mga kamay ni Ivan.

Hindi pwedeng magsuntukan na naman sila. Mabilis ko 'yong hinawakan at dahil dito ay agad naman siyang napatingin sa akin. I shook my head indicating my disapproval. I think he got my message when he nodded his head bago nilingong muli ang kaharap.

"Para ano pa? Para magsinungaling ka na naman?! T*ngina, Pre, limang taon. Limang taon mong iniwanan at pinaasa si Ami!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. He can't tell him that. Hinawakan ko ang kanyang braso bilang pagtutol pero agad niya naman 'tong kinalas bago ako hinarap.

"Kung hindi mo kayang ipamukha sa g*gong 'to kung gaano siya kag*go, ako ang magsusupalpal nito sa kanya!" Galit nitong sabi bago hinarap itong muli pero muli ko naman siyang hinatak bilang pagtutol.

"Ami?! Kakampihan mo pa rin ba 'tong g*gong 'to?! Gin*go ka na, mahal mo pa rin?!" Asik nito sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa galit na ipinapakita sa amin ni Ivan.

"Ivan." Tanging sabi ni Kuya Jasper at natigilan naman agad ito.

"Bakit kailangan mo 'yong gawin, Skye? Bakit kailangan mong manira ng pangalan ng iba para lang mas lalong matunog ang pangalan mo? Ito ba ang pinanggagalingan ng pinagmamalaki mong tagumpay?" Biglang sabi ni Kuya Calvin.

His hand gently gripping my shoulder. Alam kong pinipigilan lang niyang magalit pero pansin pa rin sa tono nito ang disgust.

Narinig kong napabuntong ng hininga si Skye. Matagal din bago siya nakasagot.

"This is showbiz, Calvin. It's what I've got to do to stay afloat. If you don't know how to play this game, mababaon ka na lang sa limot sa isang kisapmata lang. Mawawala ng halaga ang lahat ng mga pinaghirapan mo. Matatapon lang ang lahat. Masasayang lang lahat ng mga isinakripisyo mo." Tila exhausted nitong sagot.

"Bullsh*t!" Pagmumura ni Ivan. "So okay lang sa 'yong kamuhian ng mundo si Ami, mapanatili mo lang kasikatan mo?! " Singhal pa nito sa kaharap.

"I wasn't aware na si Ami pala si Sora! Nobody told me! If I knew it was her, things could have been..." He paused at napatingin ang mga malungkot niyang mga mata sa akin before continuing. "...different."

"Different my @ss! Ang galing mong magdrama, t*ngina, dapat nag-artista ka na lang!" Singhal pa nito kay Skye na biglang napatayo at akmang susuntukin si Ivan na handa namang makipagsuntukang muli!

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon