Kabanata 84

287 8 0
                                    

Heal

"Yo! Nahuli ba ako?" Biglang talon ni Kuya Calvin.

"Calvin! Kuyog diay ka? Ka-gwapo ba gihapon nimo bataa ka!" (Calvin! Kasama ka rin pala? Ang gwapo mo pa ring bata ka!) Sabi nin Tita sabay lapit dito at binigyan ng mahigpit na yakap si Kuya.

"Ana jud ni, Tita. Di naman ni mawala. Hangtod na ni sa hangtod mao pag-anad-anad na lang." ( Ganun talaga, Tita. Hindi na 'to mawawala. Hanggang sa walang hanggan na 'to kaya masanay ka na lang.) Pagmamayabang pa noong mahalay kong kababata. Natawa naman si Tita sa kanyang sinabi at nagkuwentuhan pa silang dalawa.

Si Hunster naman tila nabato. Nabarahan kasi ni Kuya Calvin na akin namang ikinatuwa. Talaga lang ha? Bakit parang diappointed naman ang peg ng dibdib ko? Psh... Guniguni ko lang siguro 'yon.

Oo nga pala. Kailangang malaman ni Kuya Calvin na hindi pwedeng malaman ng mga taga rito na si Hunster ay si Hunter ng Polaris Band at baka pagkaguluhan pa siya rito.

"Hansel!" Halos pasigaw kong tawag kay Hunster na di naman namamansin.

Kabayo! Nagsusungit na naman ang lola niyo! Nilapitan ko pa siya at sinundot sa balikat.

"Hoy, Hansel, punta na tayo sa loob ng bahay para makapagpaligo ka na!" Sabi ko, loud enough para mapalingon sa amin sina Kuya Calvin.

I really hope he got my hint.

"Hala sige, panulod namong tulo para makapahulay sad mo. Murag gikapoy jud mo'g saka ngari dah! Pasensiya na jud, Dong Hansel, ha? Ganahan man gud ang uyuan ni Ami nga kada adlaw magsaka-kanaog diha para daw palig-on sa tuhod... Kahibaw naka..." (O siya sige, pasok na kayong tatlo nang makapagpahinga naman kayo. Parang napagod talaga kayo sa pag-akyat dito. Pasensiya ka na, Hansel, ha? Gusto kasi ng tito ni Ami na araw-araw umaakyat-baba diyan sa hagdan para daw pampalakas ng tuhod... Alam mo na...) Maharot pang dagdag ni Tita.

Si Hunster naman ay nakatunganga lang. Kulang na lang ay daluyan na ng dugo ang ilong niya sa mga foreign words na binabato sa kanya.

"Tita!" Saway ko.

Ano ba naman 'yan?! Ilang taon na si Tita at tila hindi pa rin nawawalan ng lib*g sa katawan.

Tumawa lang ito bago pumasok na sa loob ng bahay nila at iniwan kaming tatlo sa labas. Wow... Very hospitable talaga ng Tita kong feeling desi pa rin.

"Oy, Hansel, Pare! Nandiyan ka pala! Dala mo 'yong bag ko?" Agad na ulas ni Kuya Calvin sabay kuha sa bag niya na hawak kanina ni Hunster.

Nanlilisik na ngayon ang mga mata ni Hunster sa aming dalawa ni Kuya Calvin na panay lang ang ngiti.

"Pwede bang tigilan niyo 'yang pagtawag sa akin ng Hansel-Hansel na 'yan? Hindi naman 'yan ang pangalan ko ah!"

Patay! Galit na si Hunster!

"E, kailangan kasi, Hunster. Hindi ka nila pwedeng makilala kung ayaw mong pagkaguluhan ka nila rito!" Pag-e-explain ko sa kanyang nakasimangot pa rin.

"O, wag ka ng bitter diyan. Iniisip lang namin ang kapakanan mo." Sabat naman ni Kuya Calvin habang may hinahalungkat sa bag niya.

"E, bakit si Calvin? Sikat rin naman siya ah?!" Ulas pa nito habang turo-turo ang kababata ko.

"Hello? Dito kaya ako lumaki! At saka dati pa akong sikat dito, baka akala mo! Mas sikat pa ako sa 'yo dito!" Pagmamayabang naman ni Kuya habang patuloy lang sa paghahanap.

"Basta, mula ngayon ikaw na si Hansel, okay? Isang araw rin lang naman, Hunster, payag ka na. Please?" Paglalambing ko pa rito sabay kislap-kislap pa ng mata.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now