Kabanata 58

293 10 0
                                    

Panaginip

Nakangiti siya pero hindi ko maramdamang natutuwa siya. Galit ba siya? Inis? Naalala ko 'yong away namin dati nang dahil kay Ren. Nagalit siya dati dahil halos sambahin ko na raw 'yong tao gayong nandiyan naman siya. Kung di ako nagkakamali, 'yon ang dahilan kung bakit nabuo ang Encore.

"Mas guwapo pa sa akin?" Narinig kong tanong niya na may bahid ng lungkot ang boses.

Napatingin tuloy ako sa mga mata niya't di malaman ang isasagot.

"H-ha? Ah... eh... siyempre naman, iba ka. M-mas guwapo ka kaysa sa kanya," pautal-utal kong sagot habang pilit na iniiwasan ang kanyang mga mata.

Pag nagtuloy-tuloy 'to matutunaw ako sa mga titig niya.

"You're just saying that kasi nandito ako ngayon sa harap mo, di ba? You don't really mean that," narinig kong malungkot niyang sabi at hindi ko napigilang mapatingin sa kanyang muli.

Nandoon pa rin ang maganda niyang mukha. Nakita kong bumaba ang titig niya sa mga labi ko. God, he's like inches away from kissing me. Ano, susunggaban ko na ba?

"Sora?" Parang kinikiliti ang mukha ko when I felt his breath on my cheeks habang pinagmamasdan niyang mabuti ang bawat sulok ng aking mukha.

Inayos niya pa ang nakatakas kong buhok at inipit sa aking tainga. Gosh, para naman akong nakuryente sa touch niya. God, pigilan niyo ako. Magagahasa ko 'tong lalaking 'to, e!

Umiwas muli ako ng tingin bago ko siya sinagot.

"N-No. Of course I mean it. Crush nga kita, di ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa mga binitawan kong salita.

Sh*t! Did I just blurt that out loud?!

"Do you like me, Sora?" narinig kong sabi niya at napalingon akong muli sa kanya. But before I could answer him, his lips has found mine.

Nakapikit ang kanyang mga mata habang ako nama'y dilat na dilat at dini-distinguish pa kung totoo na nga 'tong nangyayari ngayon o nanaginip na naman ako. Nang bawiin niya ang kanyang mga labi't pinagmasdan akong muli, binaon ko na ang aking mga kamay sa kanyang batok at hinila siyang pababa para siiling muli ang mga labing matagal ko ng pinanabikan.

Parang nabigla siya sa brave move na ipinamalas ko pero di naglaon I found him kissing me back. Hot. Intense. Hard. Deep. Kisses that we've never even done before. Pero wala na akong pakialam. All I know is I miss him so much. I love him so much. Gusto kong iparamdam sa kanya 'yon through this kiss.

We stopped para habulin ang mga hininga namin habang nakalapat ang kanyang noo sa aking noo. Nakapikit ang kanyang mga mata habang hinihimas ng kanyang kanang kamay ang left cheek ko. His breath was heavy and I felt it on my lips. Nakita kong kinagat niya ang ibabang labi niya. When he opened his eyes, they're fiercer than before, hungrier even. And his looking at me like his looking at my soul.

"Skye..." Gusto ko ng aminin sa kanya kung sino talaga ako nang siniil niyang muli ng halik ang aking mga labi.

Mababaw 'yon at sandali lang bago niya ako pinagmasdang muli.

"I want you, Sora," narinig kong bulong nito in between his heavy breathing, his eyes digging into mine.

Natigilan ako sa sinabi niya. He wants me? In what way does he want me?

"Mahal mo ba ako, Skye?" natanong ko sa kanya in between my heavy breathing.

"I don't know," bulong niya habang inilalapat ang kanyang noo sa aking noo, "All I know is that I want you right now. Can't we figure that out later?" narinig kung sabi niya malapit sa tainga ko bago ko naramdaman ang paghalik niya sa aking leeg.

"Sandali lang, Skye," pagpigil ko rito at humarap siyang muli sa akin, his eyes not leaving mine.

"Ayaw mo ba?" pagtatanong niya sa akin, his eyes begging me to let him continue.

"Hindi naman sa ganun but I just want to know why you're doing this? Gusto mo ba akong maging girlfriend?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya at tila hinahanap doon ang dating Skye na minahal ko.

"Sora, you should understand na mahirap sa kalagayan natin ang mag-maintain ng relationship. The media will be pestering us even more. Halos wala rin tayong time dahil magkaiba ang schedules natin. Kaya hindi ako nakikipagrelasyon, Sora, kasi it's too troublesome," para akong sinampal sa mga huli niyang sinabi.

Hindi nakikipagrelasyon? Too troublesome? 'Yon ba ang mga dahilan niya't he decided to drop me and just forget about us altogether? Bumabara na naman ang lalamunan ko't nahihirapan na naman akong huminga habang pinagmamasdan ang nababahalang anyo ni Skye.

"Hindi naman natin kailangan ng relasyon, Sora. Gusto kita. Gusto mo ako. Let's just enjoy each other's company habang may panahon pa tayo," narinig kong sabi pa niya.

One night stand? 'Yon lang ba ang tingin niyang nababagay sa amin? Hanggang doon lang? Ganito rin ba ang inaasahan niyang mangyari sa kanila ni Aya? Bakit parang hindi?

Inabot ko ang mukha niya at marahang hinimas 'yon. Agad naman niya itong dinakip at binigyan ng halik bago ako tinitigang muli. Nasa harap na nga kita. Abot na abot ko na. Pero bakit ang layo-layo mo pa? Bakit parang ibang tao ka na?

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, Skye," bulong ko sa kanya habang nakatitig sa mga nanunuyong mga mata niya.

"Then, let's not waste anymore time," sagot naman niya bago niya ako siniil muli ng halik.

His right hand on my left hand while his other hand's supporting his body weight habang ipinagpapatuloy niya ang paghalik sa akin. I can feel the loud beating of his heart with my right hand on his chest.

I know ito ang ipinagdasal ko halos gabi-gabi simula noong nagsara ang pintuan ng bullet train na nagdala kay Skye sa kanyang kinalalagyan ngayon. Ito ang pinangarap kong mangyari. Dapat sana'y masaya ako but why doesn't it feel right? For the second time, itinulak ko siyang palayo to stop him.

"Sora?" tanong nito, clearly naiinis na siya sa pagpipigil ko sa kanya, "We only have this time para ma-enjoy ang isa't isa. We have to part ways tomorrow," sabi pa niya, trying to convince me.

Suminghap muna ako bago ko siya hinarap muli. My fingers are brushing through his silky hair habang pinagmamasdan ang atat na niyang anyo.

"Alam mo matagal ko nang ipinagdarasal na sana, sana mapansin mo rin ako. Sana mapakinggan mo rin ang mga awitin ko. Sana makarating sa 'yo ang mga nais kong sabihin na hindi ko masabi kasi sobrang layo mo sa akin, sobrang taas mo na parang kapantay mo na ang mga bituin sa langit. Kahit anong abot ko, hindi kita maabot. Kahit anong sigaw ko, hindi mo pa rin ako marinig," napahinto ako upang punasan ang mga nakatakas na luha sa aking pisngi.

"Ngayong nandidito ka na, kita mo, abot na abot na kita," sabi ko pa habang pinipisil ang kanyang pisngi, "Pero parang ang layo-layo mo pa rin. Ang layo-layo ng puso mo, Skye," I said still, almost choking, "Sorry, Skye. Gusto kita pero hindi ito ang gusto kong mangyari sa atin," halos pabulong kong sabi sa kanya habang hinihimas ang pisngi niya.

"Tinatanggihan mo ba ako?" bulong niya sa akin habang inilapat niyang muli ang kanyang noo sa aking noo, his eyes still on mine na tila sinusukat ang pagkatao ko.

"I'm sorry," nasambit ko na lang. Napapikit ako ng aking mata at tuluyan ng nagsitulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.

Narinig kong nagmura si Skye pagkatapos nitong humiwalay sa akin. I felt him get up pero hindi ko na siya tinignan pa. I'm afraid the next time he asks me might weaken my resolve at hindi ko na siya mahindian pa.

When I opened my eyes, nag-isa na lang akong nakahiga sa may dalampasigan. Basa sa tubig ng dagat. Basa rin ang mukha nang dahil sa mga luha kong hindi matigil-tigil sa pagdaloy. Wala na ang mga bituin sa langit. Wala na rin si Skye.

Tinakpan ko ng aking mga kamay ang aking mga mata't humagulhol na sa pag-iyak. Sana nga, panaginip na lang ang lahat.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now