Kabanata 38

795 33 2
  • Dedicated to Cresen Genon-Salarda
                                    

Malabo

"We've finally met, Sora," ang sabi ng tinig na matagal ko ng ninanais marinig - Skye.

Paglingon ko nakatayo siya sa harapan ko with that angelic smile on his face and his brown eyes on mine. My gosh, ang ganda pa rin talaga ng mga mata niya! Ang tagal kong hinintay ang moment na 'to and now he's here! And he's talking to me. I still have my mask on but... nakikilala niya kaya ako?

"Ah... " Waah... hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig na naman ang mga kamay ko. Bigla naman siyang natawa sa reaksyon ko. Haaaay... na-miss ko rin 'tong tawa niya. Ang sarap pakinggan.

"Nakikilala mo ako?" natanong ko na lang bigla at natigilan siya sa pagtawa upang titigan ako. Waaaah.. nakakalusaw! Maya't maya nama'y natawa na naman siya.

"Nakakatuwa ka naman, Sora," narinig kong sabi niya, "Hindi ba ikaw 'yong nagtweet na girlfriend kita?" nakangisi nitong sabi, "Tapos, nahihiya ka pa sa harap ko. Oh, I'm sorry. I haven't introduced myself yet," sabi pa nito, "Hi, I'm Skye," sabi niya with that signature smile on his face while nakaunat ang kanyang mga kamay para makipagkilala sa akin.

Aaah, ang gwapo-gwapo niya talaga! Pwede bang mahimatay?! Teka, teka... nakikipagkilala siya meaning hindi niya ako nakikilala?! Hindi niya ako nabobosesan?! Huh?!

"I'm A-, " sasabihin ko na sana sa kanya kung sino talaga ako nang bigla kong naalala si Kuya Bait, "I'm S-sora," nasabi ko na lang habang timping-timpi ko na lang na inaabot ang kamay ko sa upang makipagkamay.

"What the hell are you still doing here? Kanina pa kami nag-aantay sa labas," sabi ng isang boses na araw-araw kong naririnig sabay hila sa akin papalayo bago pa kami nagkamayan ni Skye.

No!

"What are you doing? Nag-uusap pa kami ni Skye," alma ko rito bago ako tumalikod para balikan si Skye pero wala na siya roon.

"Hunster naman eh! Minsan lang magkaroon ng himala sa buhay ko, binibwesit mo naman!" singhal ko rito bago ako padabog na naglakad palayo sa kanya.

"Himala? Eh, halos hindi ka nga makapagsalita roon? Para ka na ngang timang na nakatunganga roon habang nakabagsak sa sahig ang panga mo," sagot naman nito na mina-match ang mga steps ko.

"Pakialam mo ba?!" sabi ko pa rito habang mas binibilisan ang paglakad patungong parking lot.

"Pakialam ko talaga kasi pinaghihintay mo kami para lang magpaka-maniquin ka sa harap nun," sagot naman nito habang binibilisan na rin niya ang paglakad.

"Grrrr!" singhal ko rito at para na kaming nag-uunahang dalawa patungo sa naka-abang na van ni Kuya Bait.

Nauna siyang makarating at makapasok sa loob ng van. Ang haba-haba kasi ng legs niya kaya ganun. Ugh! Kahit ba naman sa paunahan, ayaw pa ring patalo?! Hmph! Hindi ako tumabi sa kanya like I usually do at doon ako tumabi kay Ivan sa pinakalikuran.

"Ivan, patabi," sabi ko rito.

"Sure!" nakangising sagot naman niya bago siya umurong para makaupo ako.

Pagkaupo ko napansin kong nakatingin sa amin si Hunster at tila nakakusot ang noo. Hmph! Ayokong tumabi sa KJ na katulad niya.

"May problema ba kayo ni Hunter, Sora?" bulong sa akin ni Ivan habang nakatuon ang mata niya sa direksyon ni Hunster na ngayo'y nakaharap na sa harapan.

"Ayokong pag-usapan ang isang KJ na tulad niya kasi baka mabulok pa 'tong dila ko!" pasigaw na sagot ko para marinig niya.

Hindi siya kumibo at bagkus at isinaksak pa niya ang kanyang headsets sa magkabila niyang tainga. Bingi-bingihan mode lang ang peg? Matuluyan ka sana! Hmph!

Reaching SkyWhere stories live. Discover now