Kabanata 48

369 11 0
                                    

Nagsasawa

** Hunter's POV **

Nakauwi na kami ni Ami sa condo namin at dumiretso na siya kaagad sa room niya samantalang ako nama'y dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. I texted Raven telling him na nauna na kaming umuwi habang nakasama naman sina Ivan sa tropa nina Skye. Wala naman siyang angal doon pero sabi niya matatagalan daw siya ng uwi at may tinatapos pa sila nina Ms. Rin. May relasyon kaya 'yong dalawang 'yon?

Nakakuha na ako ng bagong bote ng Sola, binuksan 'yon at saka ininom. Ibig sabihin ba nito kami lang dalawa ngayon ni Ami dito? Napatigil ako habang napapaisip. Malungkot siya. Nandito naman ako. She can cry on my shoulders for as long as she needs. Tapos, pagkatapos noon, I'll gently caress her cheeks. And then, magtatama ang aming mga paningin. The next thing we know, my lips would be kissing her lips... hmm... Whoa! What on earth am I thinking here? Malungkot na nga 'yong tao kung anu-ano pang pagte-take advantage 'tong ini-imagine ko. Tss... I'm imagining here, huh? How lame.

Inubos ko na muna ang hawak kong inumin at pagkatapos ay itinapon ito sa trash bin bago ko tinungo ang practice room namin. When I get there, dumiretso ako agad sa nakatayong acoustic guitar ko't kinuha 'yon. I've been secretly writing songs these past few days. Honestly, I've never written songs as fast as I had nowadays. And puro love songs pa ang mga ito to boot. I've never written love songs before. Ganito na ba talaga kalala ang amats ko sa babaeng 'yon? Napabuntong hininga na lang ako habang sinisikap kong makapag-concentrate sa tinatapos kong music.

Nasa kalagitnaan na ako sa paggagawa ng chords ng kanta nang biglang may tumabi sa akin na akin namang ikinabigla.

"Ami!" nasabi ko na lang, nabigla, "Magsalita ka naman kung papasok ka," sabi ko pa nang mapansin ang namamaga pa rin niyang mga mata.

"Hunster..." sagot niya na tila naglalambing, "Di ako makatulog, e," sabi pa nito. KItang-kita naman sa mukha niya na pagod na siya. Bakit hindi siya makatulog? Umiiyak na naman ba siya?

"Naiisip mo na naman ba 'yong kanina?" natanong ko na lang habang ipinagpapatuloy ang aking ginagawa. Hindi siya sumagot ngunit naramdaman ko na lang ang kanyang pagsandig sa aking braso. Talaga 'tong babaeng 'to! Hindi niya ba alam na nahihirapan din ako sa mga pasimpleng paglalambing niya?! Kung hindi ako makapagpigil, gagawin ko na talaga 'yong ini-imagine ko kani-kanina lang!

"Nag-chat kami sandali ni Barbie Doll. Ikinuwento ko ang nangyari kanina sa kanya," narinig kong sabi nito. So, nag-cha-chat pa pala sila ni Darla. Baka nakalimutan niyo na siya. Si Darla 'yong vocalist ng Reload band namin. Although, ako naman talaga 'yong kumakanta.

"Anong sabi?" simpleng isinagot ko na lang habang patuloy pa rin ako sa pagtugtog.

"Nabigla rin siya nang sabihin kong nagdala ng babae si Skye. Sabi niya ngayon lang niya narinig na nagdadala pala siya ng babae. Usually daw, mag-isa lang naman daw siya," kwento nito bago napabuntong hininga, "Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko, Hunster. Gusto kong maniwala kay Skye pero half of me ay hindi talaga alam kung anong paniniwalaan," sabi pa nito, her head still leaning on my shoulder.

"Paano kung hindi na nga talaga siya 'yong taong nakilala't minahal mo noon? Matatanggap mo pa kaya siya?" tanong ko naman, nakatuon ang paningin ko sa malayo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako't pinag-uusapan na naman namin si Skye o hindi. I'm not even sure I wanna ask those questions. Kung ikamumulat ng mga mata niya ito, I have to take this chance na nag-open up siya sa akin at humihingi ng opinyon ko.

Napaupo siya nang maayos nang marinig ang tanong na siya namang pinagsisihan ko agad. Tss.. 'Sumandal ka pa sa akin' ang hiling ng puso ko. Medyo natahimik siya't tila napapaisip. Nang lingunin ko siya, mas naklaro ko pa ang mga namamaga niyang mga mata. Ibinaba ko na muna ang gitara ko't tumayo na siya namang ikinabigla niya.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now